Julia's Pov"Ipapakilala ko kayo kay Kevin mamaya. Bestfriend ang turingan namin at sana makasundo niyo rin siya," masaya kong sambit kina Joy at Kasey habang inaayos ang pagkakasuot ko ng bracelet na bigay dati ni Kevin. Mabuti na lang at stretchable ito kaya kaysa pa rin sa akin.
"Oh? Mayroon ka pang naging bestfriend bukod sa amin?" usisa ni Kasey na tinanguan ko bilang sagot.
"Pinagpapalit mo na ba kami Julia? May iba ka ng bestfriend? O mas nauna siya na maging kaibigan ka? Waaah! Ang sakit Julia! Para kaming kabit sa friendship niyo!" Pareho kaming napangiwi ni Kasey sa nakakarinding pagdadrama ni Joy.
"Alam mo 'yung feeling na sobrang sakit Julia? Ang sakit sa utak pati na sa atay, sa kidney, sa abdo at buong body organs! Pati na rin sa anino at kaluluwa! Parang dinudurog at pinipiga ang puso namin at kinukuhaan pa ng katas at ginawang heart juice. Ganoon ang feeling Julia! Ganoon!" labas-ugat na sigaw ni Joy. Napanganga na lamang ako.
Nasobrahan ata siya sa gatas.
Nabaling bigla ang atensyon namin sa kadarating na si Kevin Brix.
"Good morning. Pumasok na ako kasi bukas 'yung gate niyo Juls," rinig kong bungad ni Kevs. Lumingon ako sa kaniya at bahagyang napatulala.
Naka-wax ang kaniyang buhok. May suot siyang navy blue na varsity jacket, black pants at white rubber shoes. Simple pero ang astig ng datingan niya.
"Ang gwapo..." rinig ko na bulong ni Kasey na nakatulala na rin kay Kevin.
"May kasama ka pala. Good morning din sa inyo. I'm Kevin Brix Fuentes," bati niya sa dalawa at inalis niya sandali sa bulsa ng jacket niya ang kaniyang palad upang makipagkamay sa dalawa kong kaibigan.
"Good morning din! I'm Mary Joy Perez."
"Mas good pa sa good morning. I'm the one and only Kasey Migumi Martinez. Follow me on instagram," pabebeng pagpapakilala naman ni Kasey. Nakakita lang ng gwapo, naging Maria Clara na naman.
"So, ikaw 'yung boy friend ni Julia?" intriga ni Joy na ikinaubo ko. Jusme! Nakakahiya.
"Ano ka ba Joy, hindi ko siya boyfriend."
"Sabi mo boy friend mo?" inosenteng tanong ni Joy. Takha namang tumingin sa akin si Kevin kaya agad akong umiling. Baka isipin niyang assumera ako at nagkakalat ng fake news.
"Wala akong sinabi. Hindi ko siya boyfriend, okay? Wala kaming relasyon," paglilinaw ko.
"Iba kasi tinutukoy ko. Boy friend ang sabi ko. Kaibigang lalaki. Ikaw ang issue Julia eh!" apela niya. Gumaan bigla ang pakiramdam ko, akala ko iba ang pinaparating niya.
"Yes. Boy friend niya ako," sagot ni Kevin na bahagyang tumatawa.
"Tara na at pumunta na sa school," pag-iiiba ko ng usapan.
"Alright. Let's go," aya ni Kevin at pinauna na kaming lumakad palabas. Itinuro niya naman kami sa kotse niya at mabilis na pinagbuksan ng pinto sina Joy at Kasey. Then, ako naman ang inalalayan niya at pinagbuksan ng pinto.
Gentleman naman pala.
Bihira lang na may taong umalalay sa akin. Puro mga walang modo ang nakakasalamuha ko. Gaya na lamang nina Darren demon at Joshua na lagi akong tinutulak kapag sasakay at papababain sa kotse.
Normal na speed lang ang pagpapatakbo ni Kevin sa kotse. Napansin ko na seryoso siya sa pagda-drive at ang mga mata ay naka-focus sa kalsada.
Bigla namang nagsalita si Kasey at inusisa ang personal na information ni Kevin.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
MizahMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...