Chapter 27: Admit It

11.9K 492 30
                                    

Julia's Pov

"Tulungan mo akong buhatin si Matthew," utos agad ni Darren demon nang makarating dito sa parking area ng isang kilalang condominium.

Bakit hindi si Renz ang tinawag niya 'di ba? Ano ako maton?!

"Titignan mo na lang? Dalian mo na bago pa magising iyan." Bwiset! Hinila ko na lang 'yung magkabilang paa ni Matthew habang si Darren demon ay sa mga braso.

Pagpasok namin sa entrance ay pinagtitinginan kami ng mga sosyal na tao rito. Hindi naman siguro kami mukhang timang 'no?

"Hindi ba muna tayo magbabayad?" tanong ko sabay bitaw sa mga paa ni Matthew.

"Definitely no. Sa grupo na namin ang isang unit dito. One of the prizes we got." Tumataya kaya sila sa lotto? O nag-bibingo? Hays! Daming tanong Julia.

"Let's go. 17th floor pa tayo," aniya kaya agad akong sumunod sa elavator.

"Kawawa naman si Matthew," naiiling kong sabi habang nakatingin sa kanya. Nakaratay kasi siya sa sahig habang nakabaluktot ang mga paa.

Idea ni Joy na kidnappin si Matthew at magkaroon ng interrogation kuno. Si Darren demon at Renz naman ang nagpalala.

Pagdating namin sa condo unit nila ay nakita kong may naka-set up na lamesa, upuan at malaking ilaw sa sala.

Pinaupo na si Matthew doon at tinalian siya nila Renz at Darren demon. Nadatnan ko naman si Joy na inaayos ang suot niya.

"Juliaaaa! Ayos na ba ha? Bagay?" Umikot-ikot siya habang ipinapakita ang pang-detective suit niya with magnifying glass pa.

Hanep! In character talaga? Nakakaloka!

"May pagsuot talaga ng ganiyan? Pero ayos na rin Joy," komento ko. Napansin naman naming gumalaw nang kaunti si Matthew kaya umayos na kaming lahat.

"Take a video Renz," utos ni Darren demon saka pumunta sa isang tabi at naglaro ng dart.

"Good morning Matthew," nakangising bati ni Renz habang may hawak na cellphone. Bigla namang sumingit si Joy.

"Psst! Afternoon na kaya Sunget."

"Tss."

"Masungit! Pasalamat ka at tinama pa kita," bulong ni Joy.

"Ehem! Ehem!" pagsingit ko para matapos na sila. Gusto ko na ring magtanong kay Matthew.

"Waaahh! Julia. Bakit ngayon ka pa nagkasakit? Uminom ka ba ng gamot sa ubo?" nagpa-panic na saad ni Joy. Si Joy ata dapat ang tinatali e.

"Just start Julia," sambit ni Renz na nag-vivideo ngayon.

"Langya! Pakawalan niyo ako rito! Ano bang trip 'to ha? Pagnanasaan niyo ba ako?!" sigaw ni Matthew habang pilit na kumakawala.

"Stop yelling Ybañez! Gusto mong i-target ko sa bibig mo 'to? Just fcking go with the flow." Napatahimik kaming lahat at tumingin sa direksyon ni Darren demon. Shemay! Puro bull's eye ang target niya.

"Relax Darren. Okay, let's start again," ani ni Renz at agad na itinaas ni Joy ang kamay niya. "Ako muna magtatanong. Sorry, excited lang hehe." Tumango na lang kami lahat. Maya maya pa ay lumapit na siya sa mesa at pina-ikot ang ilaw na nakabitin.

Feel na feel mo talagang nasa interrogation room ka.

"Matthew Kyle Ybañez, kilala mo 'di ba si Kasey Migumi Martinez? Sagot!" May nirolyong dyaryo si Joy saka inihampas sa lamesa.

"Wengya! Nakakagulat ka! Oo, kilala ko," sagot ni Matthew na halatang nawi-weirduhan kay Joy.

"Mabuti naman. May nararamdaman ka bang kakaiba sa tuwing nakikita mo si Kasey? Sagot!"

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon