Joy's Pov
"Come back all your senses," rinig kong utos ng partner ko. Villain talaga ng imagination ko si Sunget! Wala naman akong maitutulong sa ginagawa naming activity ngayon e. Science namin ngayon at may activity kami tapos by partner. Bumunot ako kung sino ang partner ko tapos pangalan niya ang nakuha ko. Si Julia naman ay babae ang partner niya tapos si Kasey ay sa lalaking may pusong babae.
Sa akin, lalaking may katangian ng stepsister ni Cinderella. Hehehe, quiet lang kayo ha.
"Nilipad na ba ang utak mo papuntang outer space? Tss! Talking to you is quite hard." Napahawak naman ako sa ulo ko. Pwede kayang ipa-xray ang ulo ko para makita kung may utak pa ba ako? Paano kung lumipad nga? Tapos pumutok bigla?
"Sunget?"
"Talk to me when you're not in the state of insanity." Hindi niya ako tinitignan, nagsusulat kasi siya sa papel. Siya na ata nagawa hehehe. Pero... Nababahala talaga ako sa utak ko e! Nilipad nga kaya? Paano naman nalaman ni Renz na papunta ang utak ko sa outer space?
"Sunget! Alam mo ba 'yung kantang 'Ako ay may lobo'? Ayoko maging katulad ng lobo ang utak ko!" reklamo ko tapos tumingin naman siya na halatang nagtataka. Hayss... kailangan ko pang i-explain dahil eng-eng ata siya.
"Palitan mo lang ng lyrics 'yon. Ako ay may utak, lumipad sa outerspace. Hindi ko na nakita, pumutok na pala! Sayang lang ang pera ko, pambili ng utak. Sa lollipop sana, nabusog pa akooo~" Kanta ko at napapaluha na ako. Huhuhu! Kawawang utak ko.
Napa-pout na lang ako lalo nang makitang natulala si Renz habang nakakunot-noo. Hindi pa siguro naglo-loading sa utak niya ang lyrics.
Bakit sa akin? Naisip ko 'yung lyrics na 'yon kahit wala na akong utak. Galing mo talaga Joy! Hehehe.
"You really have a unique way of thinking." Umiling-iling pa siya at saka umiwas na sa akin ng tingin. Teka, bakit parang nangiti siya? Niloloko niya lang ata ako e!
"Sunget! Nilipad ba talaga ang utak ko ha? Bakit ngumingiti ka? Pinag-tripan mo lang ako 'no?"
"I didn't say that your brain really fly. And another thing, I did not smile," paliwanag niya na hindi ko pinansin. Ang mahalaga sa akin, hindi talaga lumipad ang utak ko!
Sa susunod na totoong lilipad siya, sasama ako sa utak ko.
Speaking of lilipad! Oo nga pala! Baka may alam si Renz about kay Darren.
"Sunget? May itata-"
"I don't know the answer," sagot niya agad. Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko e. Pero dahil hindi niya pa pala alam, sasabihin ko na lang! Dapat niya kasing malaman dahil bestfriend sila ni Darren.
"May secret akong sasabihin sa'yo," tuwang-tuwa kong sabi. Lumingon naman siya sa akin, "Spill it now."
Dahil na-excite akong sabihin sa kaniya, agad akong lumapit sa mukha niya at itinapat ang bibig ko sa tenga niya. Ehhh? Bakit mukhang nagulat ata siya? Wala pa naman akong binubulong. Advance reaction.
"Feeling ko, superhero ang bestfriend mong si Darren. Super power niya ata ang lumipad," bulong ko sa kaniya at lumayo na ako. Natulala na naman siya at parang natigilan.
As expected sa reaction ng isang mortal kapag nalaman nilang ang kakilala nila ay isang superhero!
Madaya kasi si Julia e. Hindi ako pinasilip. Siguro nag-transform na si Darren at hindi pa nakakalipad kaya ayaw niya muna akong tumingin.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...