Chapter 61: I can't control

11.6K 424 43
                                    


Julia's Pov

Panibagong araw na naman ngayon at hanggang ngayon ay lutang pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Akala ko nga panaginip lang 'yon pero hindi pala. Napailing na lang ako nang maalala yung pagyakap niya sa akin. Yung yakap niya ay parang damit ng baliw sa mental hospital, yung tipong nakayakap sa'yo kaya wala kang magawa kung hindi kumalma na lang.

Alam kong baliw ako pero mukhang mababaliw pa ata ako dahil kay Darren demon. Kung dati ay 2.0 lang ang kabaliwan ko ngayon naman ay naging 5 with exponent of 10! Ganoon na kagrabe dahil sa kakaisip ko sa bawat ginagawa at sinasabi ni Darren demon!

"Julia! Nakatingin ka na naman sa kawalan! Pumasok na tayo!" sigaw sa akin ni Kasey.

"Papasok tayo sa kawalan? Oh my gash! Hoy Julia! Huwag ka na tumingin sa kawalan, please! Hindi ko gusto yung mga naiisip nitong si Kasey!" Hinampas-hampas naman ako ni Joy para raw matigil na ang pagtingin ko sa kawalan.

"Heto na! Mga alien talaga utak niyo!" Lumabas na kami sa bahay at sumakay na sa kotse nila Joy. Heto na naman si Kasey at panay na naman ang asar sa akin.

"Julia! May narinig ako kina Baby Kupal na kaya raw sinuntok ni Darren yung mga kaklase nating lalaki ay dahil ayaw niyang may ibang umaaway na lalaki sa'yo." Napatingin naman agad ako nang seryoso sa kaniya habang siya ay nakangisi sa akin at inaabangan kung ano ang ire-react ko.

"Pinagtanggol ka niya nang hindi mo nalalaman," dagdag niya. Umiwas na lang ako ng tingin kay Kasey dahil baka may mai-react ako na bibigyan niya ng ibang meaning.

Totoo kaya 'yon?

"Ayieeeee!" Asar nilang dalawa sa akin. Pumalakpak pa si Joy habang si Kasey ay nakahawak sa mukha niya.

"Tigilan niyo nga ako sa kakaasar ninyo! Nadadala ako ng mga asar niyo e!" inis kong sigaw sa kanila pero tuloy pa rin sila sa kakaasar sa akin.

"So naaapektuhan ka ng asar namin? Meaning lang nun ay may nararamdaman ka rin! Ikaw Julia ah! Darren Lee Sandoval na 'yon, sino bang hindi kikiligin kapag umamin siyang gusto ka niya? Hahaha!" Hindi ko na lang pinansin yung mga asar nila sa akin. Nagmumukhang defensive kasi ako kahit sinasabi ko namang hindi talaga.

Nakarating naman agad kami sa Sandoval Academy kaya bumaba na agad ako sa kotse. Halos malaglag yung panga ko nang makita ko yung main gate na may katamtamang laki ng tarpaulin at may nakasulat na 'Good morning, Stupid Amazona!'

Pina-tarpaulin niya pa 'yon! Ang malala lang talaga ay pinasabit niya pa sa main gate, edi lahat nang nadaan ay nababasa 'yon!

Marami akong naririnig na usapan dahil doon sa tarpaulin na 'yon. Nagpapasalamat naman ako dahil walang nakakakilala sa akin bilang sa tawag ni Darren demon na 'Stupid amazona.'

"Oh my gash! Ikaw 'yan 'di ba? Kinikilig na ako Ju—" Tinakpan ko na agad yung bibig ni Kasey at kinaladkad ko na siya papasok sa gate. Nakakahiya talaga 'to!

"Julia! Ayon na ba ang makabagong paraan para bumati ng good morning?" curious na tanong ni Joy. Ewan ko sa lalaking 'yon! Anong chemicals kaya nainom nun at bumati pa sa akin ng good morning ng naka-tarpaulin?!

Binitawan ko na yung bibig ni Kasey at agad na pumasok sa room namin. Nagtaka naman agad ako nang makita na may bulaklak sa upuan ko. Maraming bulaklak, as in sobrang dami! Iba't ibang klaseng bulaklak. May nakalagay doon na Stupid amazona kaya alam kong sa kaniya 'yon galing.

Maaga pa lang ngayon kaya kaunti lang ang nakakita nitong bulaklak saka wala naman silang pakialam dito pero kapag nalaman nilang si Darren demon nagbigay nito, tiyak bulaklak ko na 'to sa libing ko! Nakita ko namang papasok na sina Kasey kaya nataranta ako at naitapon ko sa basurahan yung mga bulaklak para hindi nila makita at hindi nila ako asarin.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon