Julia's Pov
Kringggggg!
11:55 am
Minulat ko kaagad ang mga mata ko nang mag-ring ang alarm clock sa cellphone ko. In-off ko na ang alarm clock at matutulog na sana ulit pero biglang may nag-flash na reminder sa cellphone ko at nag-alarm din 'to.
November 17
Darren demon's Birthday.
Waaaaaaaaah! Ngayon na iyon!
Agad akong napabangon at tila nagpapanic na ako. Shemay! Bakit ba nakalimutan ko at ngayon mukhang hindi ko mapaghahandaan ang birthday niya. Geez! Wala pa akong surprise sa kaniya!
Last week ng October, sinabi sa akin ni Darren demon na November 17 ang birthday niya at kailangan ko raw umattend doon. Iyon na raw ang pinakamasayang birthday niya kapag nandoon din daw ako.
Hindi naman niya sigurong plano na kunin ako bilang clown 'di ba?
Hays! Ginulo ko na lang ang buhok ko. Nai-stress ako! Wala akong maisip na magandang isuot at lalong wala akong maisip na ireregalo sa kaniya.
For sure! Bongga at engrande ang celebration. Tipong naka-gown at naka-tuxedo lahat ng guests tapos may mga mamahalin na regalo. Tapos ako? Mukhang makikikain lang at magti-take out ng pagkain!
Kumuha ako ng plastic at tupper ware para makapag-take out ng pagkain-este ng papel at ballpen para magsulat ng mga posibleng pangregalo kay Darren demon. Inabot ako nang mahigit isang oras sa pag-iisip pero wala pa rin!
Napakahirap nga namang regaluhan ang taong nasa kaniya na ang lahat. Ako na lang kaya ang regaluhan niya? Phew!
Something special na gift kaya? Like abstract? Kung pwede lang iregalo ang magandang ugali, mahabang pasensiya, katalinuhan at pagiging gentleman ay malamang binigay ko na sa kaniya.
"Julia, may bisita ka. Bumaba ka na." Tumango na lang ako sa sinabi ni manang. Itinabi ko na muna ang papel at ballpen ko. Bumaba na ako at nakita ko sa sala sina Joy at Kasey na nakasemi-gown na red. Wow! Ang ganda nila!
Nagtaka naman ako nang makita na nakakunot noo si Joy at si Kasey naman ay nakataas ang isang kilay habang tinitignan ako. "Bakit?"
"Anong bakit? Anong itsura iyan Julia? Hindi ka pa nga ata naghihilamos!"
"Ewww Julia! Mukha kaming princess tapos ikaw? Parang witch ka diyan!"
Napatingin na lang din ako sa kabuuan ko. Naka-pajama pa ako at magulo pa ang buhok ko. Hindi pa ako ligo.
"Nakakalimutan mo na ba Julia? Birthday ni Darren ngayon. Birthday ng boyfriend mo!" paalala ni Kasey at halatang nai-stress na siya. "Tama! Birthday ni Darren at 5 pm ang start," dagdag ni Joy.
3:35 pm na ngayon pero hindi pa rin ako nakakaligo! Samantalang sila, ready to go na!
"May regalo na kayo?"
"Of course! Kahapon pa Julia!" sagot ni Kasey. "Me too! Ang design pa nga ng wrapper ay si Hello Kitty!" tuwang-tuwa na sagot naman ni Joy. So ako nga lang talaga ang wala pa.
"Eh sa'yo Julia? Mayroon na?" tanong ni Kasey. Medyo natahimik ako. "Ah...Eh..."
"Don' tell me na wala?"
"Hehehe wala pa nga," nahihiyang sagot ko habang siya ay nanlaki ang mga mata sa gulat. "What? Nakakaloka ka Julia!"
"Ehhh sa wala akong maisip! Tulungan niyo naman ako oh?" Napabuntong hininga na lang si Kasey habang si Joy ay busy sa pag-ikot-ikot.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...