Julia's PovNakikinig kaming lahat ngayon sa dini-discuss ng teacher namin habang nagti-take down notes na rin. Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang mag-multi tasking ngayon dahil 'yung utak ko ay kung anu-ano ang iniisip ngayon.
Last two days pa nung nangyari 'yung dinner na 'yon pero palagi pa ring sumasagi sa isipan ko 'yung mga nangyari. Hays! Hindi pa rin ako makapaniwala na nakipag-argue ako sa daddy nila Darren demon. Heto namang sila Kasey at Joy ay pilit na inuusisa ako sa mga nangyari pero hindi ko sinasabi ang totoo.
May isa pa akong hindi nasasabi sa kanila pero sasabihin ko rin naman 'yon kapag perfect timing na. Nakakaloka! I can't believe na mararamdaman ko 'to at sa kaniya pa! Yes, may nararamdaman na ako para kay Darren demon at kailangan ko munang sarilinin 'yon.
Mahal ko na si Darren demon. Hanggang ngayon ay hindi pa completely na nagsi-sink in 'yan sa utak ko pero kapag naiisip ko 'yon ay todo kalabog ang puso ko.
Hindi ko nga alam kung kailan at bakit e! Siguro...Siguro....
Ginayuma niya ako nung nag-dinner ako sa kanila?! Ganoon ba talaga niya ako kagustong makuha?
"Aray!" bulalas ko dahil sa paghampas sa akin ni Kasey ng libro. Nagising tuloy ako sa pagdi-day dream ko. Assuming lang pala ako, pasensiya na. Hindi ako ginayuma ni Darren demon dahil bago pa malagyan ng gayuma ang pagkain ko ay malamang ubos na 'yung laman ng plato ko.
"Break time na, Julia!" sigaw sa akin ni Kasey habang naka-cross arms pa. "Pumunta na tayo sa canteen!" aya naman ni Joy.
"Oo na ito na!" Kinuha ko na agad 'yung wallet ko at saka lumabas na kami ng room. Ngayon ko lang naramdaman 'yung gutom ko, mas lalo pa akong nagutom nang makapunta na kami sa canteen.
"C.R muna tayo? Marami pang nakapila e," aya ni Kasey. Marami ngang nakapila pero baka kapag umalis kami ay mas lalong madagdagan pa.
"Gutom na ako e!" biglang nasambit ko, "Kayo na lang pumunta then pipila na ako rito. Ako na rin ang ooder ng gusto niyo pero pera niyo ha!"
"Lagi ka namang gutom e! Sige, alis muna kami. Bayaran kita mamaya." Umalis naman na sila kaya naglakad na ako papunta sa pilahan. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko sila Darren demon sa reserved table nila. Kompleto silang nakaupo habang nakain.
Heto na naman! Ano bang problema mong puso ka ha? Panay na lang kalabog nang kalabog ang ginagawa mo kapag nakikita ko si Darren demon!
Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Hays! Dahan-dahan lang heart! Aalisin kita diyan sa dibdib ko at ipapalit ko ang puso ng saging e! Kainis hindi madaan sa pananakot 'tong puso ko!
Ewan pero simula nung mapagtanto kong mahal ko na siya ay naiilang na ako sa kaniya. Baka kasi kapag lapit pa ako ng lapit sa kaniya ay mahalata na niya na may nararamdaman na ako sa kaniya. Lakas pa naman niyang mang-asar!
Dali-dali na akong lumabas sa canteen at nagpahangin muna saglit sa corridor. Phew! Gutom na ako tapos magkaka-heart attack pa ata ako! Mas minabuti ko na lang na sumunod kina Kasey sa C.R pero pagdating ko doon ay wala na sila. Baka nakabalik na sa canteen? Pero ayoko munang pumunta doon!
Tumambay na lang muna ako sa C.R. Walang pakialaman pero trip kong dito tumambay, smells good kasi. Sandali akong napatigil nang makita kong papalapit sa akin sina Matthew at Darious. Mukhang tapos na silang kumain ah? Ayos!
"Sumama ka sa amin Ms. President," biglang sambit ni Matthew sabay hawak sa isang kamay ko at ganoon din ang ginawa ni Darious. Anong trip ng mga 'to? "Hoy! Bitawan niyo akong dalawa ha!" sigaw ko sa kanilang dalawa pero hinila lang nila ako.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...