Julia's Pov
Hays! Ang tagal namang mag-uwian, gusto ko na kumain ng ice cream. Sa sobrang boring ngayong klase ay may ibang umalis o nag-cutting lalo na yung tatlong lalaki na 'yon!
Si Joy ay nilalaro yung Hello kitty niyang ballpen at si Kasey naman ay inaantok na, samantalang ako ay nagmumuni-muni. Sumagi agad sa isip ko yung sinabi nung ate ni Darren demon, ano kaya yung last na sinabi niya na hindi ko maintindihan? Bahala na nga! Hindi ko na rin maalala at lalong hindi ko 'yon maiintindihan.
Natapos na ang dini-discuss nung teacher namin at sa wakas ay uwian na rin kaya nabuhay ang mga tamad na kaluluwa ng mga kaklase ko.
"Sa wakas uwian na! Nakaka-bored talaga ang history!" reklamo ni Kasey habang nagliligpit ng gamit.
"Yehey! Makakapaglaro na ako sa bahay!" excited na sabi ni Joy. Nang makitang papaalis na si Kasey ay agad akong humarang.
"Hep! Hep! Kasey!" Hinarang ko ang mga kamay ko kay Kasey. Hindi pwedeng umalis siya na hindi naaalala yung mahalagang bagay na dapat ay gawin niya at iyon ay ang ilibre ako.
"Hooray! Hooray!" Napakunot noo naman ako sa sinigaw ni Joy habang nakataas pa ang mga kamay niya. Sabog ata siya.
"Anong nahithit mo Joy at nagho-hooray-hooray ka jan?" taas kilay na tanong ni Kasey at saka ginaya pa ang pagtalon kanina ni Joy.
"Ano nahithit ko? Malamang oxygen at hindi carbon dioxide!" nakapamaywang na sagot niya, "Bakit ako nagho-hooray? Eng-eng ka kasi Kasey! Nag-hep-hep si Julia pero hindi ka sumagot kaya ako na lang! Hep! Hep! Hooray!"
"Patawa ka Joy!" sarkastik na sabi ni Kasey at saka siya tumawa.
"Hindi naman ako nagpapatawa pero tumatawa ka! Baliw ka ba o crazy ka?"
"Ewan ko sa'yo Joy! Ipapa-mental na talaga kita, kaunti na lang! Let's go na!" aya ni Kasey kaya kinuha ko na rin yung bag ko.
"Ngayon niya na ba ako papa-mental? 'Let's go' na raw e. Julia, ayaw ko ro'n!"
"Ayaw din ng mental sa'yo Joy kaya patas lang. Tara na nga! Uuwi na tayo pero bago 'yon ay ililibre muna ako ni Kasey haha!" Sumunod na kami sa parking lot at sumakay na sa kotse nila Joy na puro pink ang makikita sa loob.
Habang naandar yung kotse ay walang humpay namang nagkukwento si Kasey tungkol sa kanila ni Matthew. Dahil sa mga epic na nangyari sa kanila tulad ng lagi silang pinapalabas sa kahit saang pinupuntahan nila ay parang nasa isa na silang kwento na ang pamagat ay 'Beauty and the bee.'
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng gate namin dahil sa kakadaldal ni Kasey. Bumaba na agad ako at umandar na yung kotse. Nang usok na lang ang naiwan dito sa harap ko ay bigla kong naalala na magpapalibre pa pala ako ng ice cream ko!
Ugh! Sa dami ng makakalimutan ay iyon pa! Pwede naman yung pangalan nila Kasey at Joy ang makalimutan ko pero 'yon pa!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...