Hi dedicate ko ito sa'yo dahil ikaw ang unang nag-comment sa chapter 35. Enjoy reading!***
Julia's Pov
Break time na!
Sumilip ako sa labas ng bintana at saktong napadako ang tingin ko kay Kevin na naghihintay na pala sa labas. Matapos kasi na mag-time out ang laro nila ay nagpaalam na ako sa kaniya na pupunta na ako sa classroom namin dahil may klase pa kami. Pumayag naman siya at sinabi niyang hihintayin niya raw ako sa labas ng classroom ko kapag break time na.
Baka ililibre ako? Hmm... sana. Charot!
"Kevs? Anong ginagawa mo rito?" usisa ko at kunyari ay hindi ko inaasahan ang pagdating niya.
"Aayain kang kumain na. Sakto pinayagan kami ni coach na mag-relax muna. Tara na?" naka-ngiti niyang aya sa akin habang tinititigan ako. Mapapa-oo ka na lang talaga.
"S-Sure! Saka ngayon na lang ulit kita makakasabay kumain kaya game ako diyan!" sagot ko at napansin ko na bahagya siyang napatawa. Masyado atang halata na gustong-gusto ko.
Tahimik akong lumakad habang si Kevin ay sumasabay sa akin. Pansin ko na nililibot ni Kevin ang paligid gamit ang kaniyang tingin, first time niya nga pala rito sa Sandoval Academy.
Para siyang naliligaw na tuta. Ang cute pagdating sa kaniya, pero sa akin-nevermind.
Pumasok na kami sa loob ng canteen at inalalayan naman ako bigla ni Kevin na umupo. "Bibili pa ako ng pagkain," apela ko sa kaniya pero pinigilan niya ako.
"Let me. Just wait here."
"Teka! Heto bayad ko!" pahabol na sigaw ko dahil lumakad na siya paalis.
"My treat!" sigaw niya pabalik at kinindatan pa ako bago muling tumalikod.
Bakit may pagkindat? Parang na-hypnotize ako doon ah. Delikado.
Umiling-iling ako at ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko si Darren demon sa usual spot nila ng mga tropa niya.
At hindi ko rin inaasahan na nakatingin pala siya sa akin- kanina pa?
Oww... Anong ginawa kong masama sa kaniya?
"Here. Eat all you want, Juls." Natuon bigla ang aking atensyon kay Kevin na kadarating lang at sa pagkain na inilalapag niya sa lamesa.
Whoaaa! Fiesta. Ang dami ng binili niya!
"Titig na titig. Kumain ka na bago pa tumulo laway mo," natatawang asar ni Kevin sa akin habang inilalagay sa tapat ko ang pagkaing binili niya.
Nasaan na kaya sina Kasey at Joy? Sabi nila pupunta lang sila sa comfort room. Sayang! May biyaya pa naman dito.
"Salamat Kevs! Kakain na ako ah!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, kaagad ko nang nilantakan ang mga pagkain. May carbonara, burger, fries, hotdog sandwich, coke at mango graham shake! Grabe ang sarap!
Napahinto ako sandali sa pagkain nang mapansin na tahimik lang si Kevin. Tahimik na nakatitig sa akin.
May dumi ba ako sa mukha o iniisip niya lang ang perang nagastos niya ngayon? Nakakatulala nga naman iyon.
"Uy! May dumi ba ako sa mukha? May tinga? Ano?" Kinapa ko pa ang mukha ko para makasigurado. Tinawanan niya naman ako at bahagya pang napailing.
"Pinagtatawanan mo na ako."
"Walang dumi. Kung mayroon man, pinunasan ko na agad bago pa may makakitang iba." At sumilay na naman po ang ngiti sa kaniyang labi!
Hindi naman siya bumabanat ng cheesy lines pero bakit iba ang epekto ng sagot niya sa akin?
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...