Chapter 60: So fast

10.3K 437 40
                                    


Julia's Pov



Habang nakain ako ay patuloy pa rin si Kasey sa kakaasar sa akin. Mabuti pa si Joy ay tumigil na dahil may kinakain siya ngayon. Kailangan ko pa atang isalaksak sa maingay na bibig ni Kasey yung mga pagkain sa basurahan para matigil siya! Nakakahiya talaga at nakaka asar na! Puro siya Darren demon ng Darren demon sa akin. Pakialam ko ba sa kaniya? Wala naman! Hindi nga ako pinapansin nun kaya mas lalong ayoko siyang pansinin!



Ang gulo ng takbo ng utak ng lalaking 'yon! Para siyang babae na may araw-araw na period imbis na hanggang isang linggo lang. Hindi ako papansinin, bigla-biglang aamin, sasabihing gusto niya na ako bumalik tapos hetong nakabalik na ako pero hindi niya na naman ako pinapansin! Ang gulo 'di ba?!



Saan kaya pinaglihi yung utak nun? Sa maze or sa puzzle? Mahirap talaga siyang intindihin. Mas nahihirapan pa akong intindihin siya kaysa sa pag-solve ng problem sa Math.



"Guys, iwan ko muna kayo ah. Puntahan ko lang si Baby Kupal," paalam ni Kasey na nakatingin pa rin sa akin nang nakakaloko.



"Mabuti naman, sige makaka alis ka na kahit huwag ka na bumalik!" Sigaw ko pero tinawanan lang ako ng bruha. Lumayas naman na siya at naiwan na lang kami ni Joy dito.



Napatingin ako kay Joy na masaya lang na kumakain ng spaghetti at halata mong wala siyang pino-problema kung mayroon man ngayon ay iyon yung kung bakit daw hindi pantay yung mga pasta kapag niluto na. Napaka bababaw ng problema niya pero ako? Malalim na magulo pa!



"Julia? Bakit tinititigan mo lang 'yang pagkain mo?" Curious niyang tanong kaya kumain na lang ako. "Wala, masama ba titigan bago kainin ha?"



"Hindi, weird kasi e. Para kasing may matagal na kayong pinagsamahan niyang spaghetti mo hehe." Nginitian ko na lang siya at nag isip ako ng tanong para sa kaniya. Inosente naman siya kaya siya na lang ang tanungin ko.



"Joy, kapag may taong umamin sa'yo, anong gagawin mo?" Bigla kong tanong sa kaniya at nag isip naman siya habang nainom ng chocolate drink.



"Hmm...sasabihin kong mali ang pinuntahan niya at ituturo ko sa kaniya yung simbahan!" Proud niyang sagot sa akin na nakapag pakunot ng noo ko. Nakita niya naman na nalilito ako kaya in-explain niya.



"Bakit kasi siya sa akin aamin? May pari naman at doon siya umamin ng kasalanan niya! Pwede rin sa mga pulis, huwag lang sa akin."



"Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Huwag na nga lang!" Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil sa sagot niya. Kung si Kasey ang tatanungin ko, may nakukuha akong magandang sagot sa kaniya pero may asar namang kasama. Kapag si Joy naman, wala ngang asar na kasama pero wala rin namang sagot na maganda. Hays!

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon