Julia's Pov
Panibagong araw na naman. Bumangon na ako at tumulala sandali. Parang panaginip ang nangyari sa akin kahapon. Yung crush ko, umamin na gusto ako. Tapos, boto pa sa kaniya ang pinsan ko
Hello, love life na ba?- Oh no! Please call later, I'm not yet ready.
Inalog-alog ko ang ulo ko at naligo na para magising ang buong diwa ko. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniform at inihanda ang mga dadalhin ko.
Nag-vibrate naman ang aking cellphone at napansin na may nag-text sa akin.
From: Kevs
Good morning Juls. Hindi kita maihahatid ngayon. Bumalik ako sa Laguna para mag-take ng mga na-miss kong exams. Sorry. Babawi ako sa'yo pagbalik ko :)
Awtomatiko akong napangiti. Nakakahawa ang smiley emoticon sa text niya. Saka, nakakatuwa siya. Hindi niya responsibilidad na ihatid ako pero sinusubukan niya kahit hectic ang schedule niya.
Nagawa pang mag-explain kahit hindi ko hinihingi. Kung hihingi man ako ng explanation kung bakit hindi niya ako maihahatid, 500 words dapat ang minimum na mai-text niya bago ko pagbigyan.
Joke. Kahit emoji lang. Okay na.
Mag-rereply na sana ako kaso wala pala akong load. Sayang, pupurihin ko pa naman si Kevin dahil sa kasipagan at sa determinasyon na taglay. Bihira ang lalaking kagaya niya na athletic na, hindi pa pinapabayaan ang pag-aaral.
Hays! Sobra-sobra na ang papuri ko sa kaniya ah? Wala akong maipintas! Mapa-crush ko man siya o hindi, nangingibabaw na talaga ang mga postive attribute niya.
"Ate! Nandiyan na sina ate Joy at Kasey! Ayaw nila umakyat. Ikaw na bumaba doon!" Halos maihagis ko sa ere ang cellphone ko dahil sa gulat. Jusmeyo! Pasulpot-sulpot ang kapatid ko!
Ibinulsa ko ang cellphone at hinarap ang mabait kong kapatid.
"Paakyatin mo sila rito. May seryoso at mahalaga kaming pag-uusapan. Now na."
"With scary and suspense tone din ba?"
"Oo. Kailangan mapaakyat mo rito." Takhang tumango ang kapatid ko at bumaba na.
Muntik ko na makalimutan ang ginawang kasalanan ng dalawa kong kaibigan. Katakha-takha na malaman agad ni Kevin na crush ko siya, unless nasabi nila.
Nahuhulaan ko na talaga na nasabi nila iyon dahil kino-confirm na lang sa akin ni Kevin kung totoo ngang crush ko siya. Wala pa naman akong balak na ipaalam at ginagawa ko ang best ko para hindi mahalata, pero...
Nabunyag na.
Kilala ko ang mga kaibigan ko. Kapag sinabi nila na shut up lang sila, pustahan, it's a scam!
Madalas na aksidente nilang nasasabi ang dapat na sikreto lang. Worst, nadudulas sila mismo sa taong hindi dapat makakaalam nito.
And now, papaaminin ko ang dalawa. Medyo pagti-tripan ko lang.
"Joy ikaw ang mauna! Sa alphabet, una ang letter J then next ang K!"
"Hindi mo ako maiisahan Kasey. Mary Joy ang full name ko. Mauuna ang K bago ang M! Bleeh!"
"I forgot! Sa height na lang ang basehan. Mas matangkad ako! Ikaw ang una."
"Sa weight na lang para unique. Find your weight."
Nasapo ko ang aking noo dahil sa narinig na bangayan nila sa labas ng kwarto ko. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto at tila nakakita sila ng multo nang makita ako.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...