Julia's Pov
Nasa loob pa rin kami ng kotse ni Renz. Tahimik lang sya sa pagmamaneho, si Joy naman ay nainom ng yakult habang ang dalawang katabi ko ay kanina pa salita ng salita.
"Hoy Matthew. Describe mo nga bahay nila Darren demon tapos yung mga kasama niya sa bahay," pagsingit ko kaya napatingin sila sa akin.
"Hahaha! Darren demon talaga tawag mo dun 'no? Kaya pala laging galit."
"Bagay naman sa kanya. Dali na, sagutin mo na yung tanong ko," inip kong sabi at siya naman ay napaisip sandali. "Bahay nila Leader?... May bubong, pinto, bintana-"
"May pintura ang bubong, may doorknob na pinto at may kurtina na bintana! Hehehe!" masayang dugtong ni Joy. "Tama ka! Galing mo Joy!" puri pa ni Matthew sabay apir.
Ang saya nilang itapon palabas ng kotse. Mga may sayad.
"Ano nga kasi? Gigil niyo ako," irita kong sambit at nagtawanan naman sila kaya sinamaan ko na ng tingin si Matthew.
"Okay seryoso na. Malaki yung bahay nila Darren. Sobrang ganda at elegante pero parang haunted house naman. Laging may nalipad na kutsilyo at kung anu-ano pa. Laging high blood mga tao dun e."
"Wahhhhh scary naman! Huwag na tayo doon," nagpapanic na sabi ni Joy. Kahit ako medyo kinabahan. "Umayos ka nga Baby Kupal!"
"Hayst! Basta nakakatakot, nakakakaba, nakakatawa at nakakalungkot sa bahay nila." Hindi ko siya gets sa totoo lang. Bahala na nga.
"We're here," sambit ni Renz. Nakakagulat din siya ha, bigla-biglang nagsasalita. Tumingin na lang ako sa tapat namin. Isang malaking gate ang automatic na bumubukas ang nasa harapan namin ngayon.
Wow. As in wow! Gate palang to, namamangha na ako.
Akala ko bababa na kami pero hindi pa pala. Nagdrive ulit si Renz papasok. Mukhang ito ang garden nila Darren demon. Ibang klase! Ang lawak naman. After 5 minutes, I guess ay narating din namin yung bahay nila. Habang nababa ako sa kotse ay napatulala na ako sa bahay nila Darren demon.
Sobrang laki at elagante nito. 4th floor pa tapos may pinaka rooftop pa.
"Pakisara ng bibig Julia," bulong ni Kasey habang natatawa. Nakaka-amaze naman kasi yung bahay este mansion na nasa harapan namin!
"Paano? Alis na kami ha." Napalingon tuloy ako bigla sa kanila. "Let's go," aya ni Renz pero pinigilan ko sila.
"Hindi kayo sasama sa loob?"
"No," tipid na sagot ni Renz. "Bad mood ngayon si Darren kaya hindi na kami sasama. Mahirap na at mapag-initan ang gwapo kong mukha," dagdag pa ni Matthew.
"Ah eh... Alis na rin kami ni Joy. Kaya mo na yan Julia." Pati ba naman sila Kasey? Shemay!
"Huwag niyo akong iwan dito!"
"Bye bye! Fighting Julia!" cheer nung dalawa kong kaibigan at sumakay na sila sa kotse ni Renz. Nag-wave pa sila bago tuluyang umalis.
Ang babait nila. Promise. Psh!
Napatingin na lang ako sa main door at nakita kong may apat na maids doon at dalawang guards. Lumapit na ako sa kanila at binati nila ako. Sinamahan naman ako ng isang maid papasok sa loob ng mansion nila Darren demon.
Pagkapasok ko pa lang, laglag panga na ako. Grabe! Ang ganda rito. Sobrang linis at halos lahat mamahalin ang gamit. Parang kailangan mahinhin ako rito dahil baka makabasag ako. Shemay! Dami pang pasikot-sikot. Nakakaligaw.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...