Chapter 31: Thinking

11.4K 440 49
                                    


Julia's Pov

Nakatulala akong kumakain ngayon. Kasama ko sina Kasey at Joy pero 'yung isip ko kung saan-saan na nakakarating dahil sa kakaisip doon sa lalaking tumulong sa akin nung nakaraang araw lang.

Nag-search pa ako sa facebook, pagka-uwi na pagka-uwi ko pero walang nalabas. Even mutual friend wala.

Dahil si Joy ang malapit sa pwesto ko, nilingon ko siya at agad na tinanong, "May kilala ka bang K.B? Friends mo or naging classmate mo?"

Napatingala naman si Joy na mistulang nag-iisip nang malalim, "K.B? Wala. B lang ang alam ko hehe."

"Huh? Sino naman?"

"Si Barney ang baklang dinosaur at si Buttercup na titibo-tibo." Bakit nga ba sa kaniya ko pa naisipang magtanong?

"Ewan ko sa'yo Joy. Hoy Kasey! Ikaw may kilala kang K.B ang initial?" baling ko kay Kasey na pangiti-ngiti ngayon habang nakaharap sa cellphone niya.

May sariling mundo talaga kapag may lovelife na ang kaibigan mo. Parang baliw lang na pangiti-ngiti.

"Hoy! Ano may kilala ka?"

"K.B? Kathryn Bernardo?" hula ni Kasey at inilingan ko naman iyon. "Lalaki siya."

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Kasi may nangyaring masama sa akin then may biglang tumulong sa akin na lalaki. Tinanong ko ang pangalan niya ngunit K.B lang ang clue na ibinigay niya. Nagulat at nagtaka talaga ako nang banggitin niya ang name ko. Ibig sabihin kilala niya ako," explain ko na ikinatango nila.

"Baka stalker mo Julia!" hula agad ni Kasey na may halong pang-aasar.

"Baka may name tag ka lang Julia o baka naman followers mo siya sa twitter, instagram at wattpad!" ani naman ni Joy na may pagkumpas pa ng kamay.

Sa mga hula nila, wala pa doon 'yung medyo may sense at medyo posible.

"Hindi naman siguro stalker dahil ngayon ko lang naman siya na-encounter. Imposible namang followers ko siya sa twitter, instagram at wattpad dahil wala akong account sa mga 'yun." Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang wala akong makukuhang sagot or kahit clue man lang tungkol sa lalaking 'yun.

"Tama na nga. Pasensya na at ginulo ko pa ang isip niyo. Oh siya, akyat na tayo sa room!" aya ko sa kanila at sabay-sabay na kaming lumakad at pumasok sa classroom namin.

Pagdating namin ay nandoon na pala 'yung Math teacher namin. Nag-excuse kaming tatlo at dahan-dahang pumasok.

Napahinto ako nang tawagin ako ni Ma'am Constantino, "Ms. Mendoza. Narinig ko na ikaw ang tutor ni Mr. Sandoval sa Science. I'm asking a favor na turuan mo siya sa Math. 'Yung current lesson lang natin. Magkakaroon kasi kayo ng exam ngayon and mukhang babagsak na naman si Sandoval. Exempted ka na."

"Pwede po tumanggi? Mag-exam na lang po ako."

"Minus 5." Foul 'yun. Madaya naman si Ma'am!

"Sige na nga po. Basta half hour lang," napipilitan kong sagot. Lumakad na si Ma'am at ginising ang natutulog na si Darren demon.

Dahil sa kaniya lagi na lang akong nauutusan.

"Gumising ka diyan! Lumabas ka at sumama kay Mendoza! Kailangan mo aralin ang coverage ng exam para may maisagot ka naman!" pasigaw na sermon ni Ma'am kaya nag-angat na ng ulo si Darren demon. Nagising din.

Kahit gulo-gulo ang buhok niya at papungay-pungay ang mga mata ay dali-dali siyang tumayo at walang sabi na lumabas ng classroom.

Patakbo akong sumunod at inunahan siya sa paglalakad.

Ang moody niya ah. Magkasundo naman kami kahit papaano nung na-trapped kami. Tapos ngayon badtrip na naman?

Pumasok na lang ako sa library at nanghiram ng Mathematics Module. Napansin kong nakaupo na si Darren demon kaya doon na rin ako pumwesto.

"Huwag ka ngang paantok-antok," saway ko dahil papikit-pikit ang kaniyang mga mata. Feeling call center agent. Puyat na puyat ah.

"Istorbo ka. Magbasa ka na lang ng libro."

"Nakakalimutan mo ata na ikaw dapat ang nagbabasa ng libro. Dalian mo, tapos tatanungin kita kapag tapos ka na." Ibinuklat ko ang libro at itinapat sa kaniya.

"Tss." Kahit labag sa loob niya ay pinilit niya na lang hawakan 'yung libro at tahimik na binasa ito.

Lihim ko naman siyang pinanuod. Nakakatawa ang itsura niya ngayon. Gulo-gulo ang hibla ng buhok niya at antok na antok ang kaniyang mga mata. Napansin ko naman ang kaniyang ilong na may band aid at pati ang ilang sugat sa kaniyang pisngi.

Ano bang ginagawa niya sa buhay niya? Lagi na lang siyang may sugat at pasa. Lagi ring natutulog sa klase.

"I'm done reading this, how about you? Are you done staring at my face?" Nakipagtitigan din siya sa akin at sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

Bumalik ang wisyo ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya, "Hindi kita tinititigan. Inoobserbahan ko lang kung binabasa mo talagang mabuti iyang libro."

"Talaga ba, Stupid Amazona?"

"Akin na nga iyang libro! Tignan natin kung naintindihan mo ang binabasa mo," pag-iiba ko ng usapan sabay agaw ng libro sa kaniya.

"Explain mo nga 'yung binasa mo," utos ko sa kaniya.

"Tss. Wala akong naintindihan. May letter na nga ang Math, may exclamation mark pa..." pabulong na reklamo niya na narinig ko naman.

"Anong basa mo rito?" tanong ko habang itinuturo ang sample equation.

"5!" halos pasigaw niyang sambit which is mali. Sabi ko na nga eh, isisigaw niya porke may exclamation mark.

"Mali. 5 factorial ang basa diyan," pagtatama ko na ikinanuot ng noo niya.

"Ang layo naman ng connect."

"Basta factorial ang basa diyan. Mai-encounter mo iyan dahil permutation and combination na ang lesson natin," explain ko na mukhang hindi niya pa rin naiintindihan.

"5! means 1x2x3x4x5. So ang sagot sa 5 factorial ay 120." Isa-isa ko talagang sinulat ang computation nang maintindihan niya.

"Ahh..Okay," sagot niya lamang. "Magagamit ko ba iyan sa pang-araw-araw na buhay ko?" dagdag niya na may pamimilosopo.

"Hindi naman. Pero kailangan mo intindihin nang makapasa ka. Oh heto, papel at ballpen. Mag-compute ka pa diyan ng mga factorial. Then mamaya tuturo ko sa'yo 'yung permutation."

"Kaasar..." mahinang sambit niya at halatang napilitan na lang na magsagot.

Hinayaan ko na lang siya. Muli na namang sumagi sa isipan ko 'yung K.B

Parang may nabasa na ako na ganiyang initial. Nakalimutan ko lang dahil stress lagi ang utak ko.

Makikilala ko rin siya or better yet siya ang magpapakilala sa akin ng personal.

"Thinking so deep? Iniisip mo na naman ba ako?" sabat ni Darren demon na nakatingin na pala sa akin nang may pang-aasar.

Assuming masyado. Hindi na lang magsagot nang mahasa naman ang utak niyang puro hangin na lang ata ang laman.

"Hindi ikaw. Isang misteryosong lalaki ang iniisip ko," depensa ko na totoo naman.

"Ahh... ibang lalaki," tanging sambit niya at bumaling na sa hawak niyang papel. Ni hindi na rin niya ako kinibo.

Mabuti naman at tumahimik din. Sa hindi inaasahan, biglang may nag-pop out na bagay sa utak ko. Tama! 'Yung bracelet. May K.B na naka-engrave doon. Pero hindi ko pa rin siya kilala. Hays! Ayoko na nga problemahin 'yon. Kailangan ding mag-relax ng utak ko.

Itutuloy...

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon