Julia's Pov
Hot seat.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pinagpapawisan ako ng malamig, nahihirapang huminga at feeling ko maiihi na ako anumang oras.
"Ah, eh..." Ih, oh, uh.
Nahihirapan ako sagutin nang diretso ang katanungan niya. Halata ba masyado? Nakakahiya! Bistado.
"Julia." Namilog ang aking mga mata. Hindi na Juls ang tawag niya sa akin. Friendship over na ba this?
Totoo pala na kapag best friend, stay best friend lang dapat. Bawal magka-crush at ma-fall. Delikado. Damay friendship.
"You are unfair."
"H-Ha?" me hame wave! Lutang na naman ako.
"Gusto kita, more than being my best friend Juls. Pero, ikaw? Crush mo lang ako. You are unfair." Tumawa siya at umiling.
Napatulala ako sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? Hindi ako nagpapantasya?
Jusko! Hindi ako makahinga rito! Gusto kong lumabas ng kotse at sumingot muna ng oxygen mula sa mga halaman sa labas.
"Huwag mo masyadong isipin ang sinabi ko. Okay lang na wala kang masabi tungkol sa pag-amin ko. I am not pressuring you." He smiled genuinely. Pinaandar niya na ang kotse at ibinaling ang tingin sa daan.
Hindi siya pressure cooker pero na-pressure ako sa sinabi niya.
Ano ang dapat kong sabihin at maramdaman? Crush ko siya, tapos may gusto naman siya sa akin. Edi...
Wow.
"T-Totoo ba? Hindi mo ako inuuto?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Back to intense feeling tuloy.
"Akala mo nagbibiro ako?"
"Oo. Baka mamaya sisigaw ka na ng 'It's a prank!' Tapos tatawa."
"I am serious Juls. Alam ko mabilis, pero totoo ang nararamdaman ko sa'yo." Umiwas ako sa mapang-akit niyang mga titig. Gusto ko na tumalon palabas ng sasakyan.
Naiilang ako!
Bago lang 'to sa akin. Wala pang umaamin sa akin ng personal. Saka, hindi talaga ako vocal sa mga ganitong usapan. Kaya nga sikreto lang sana ang pagka-crush ko sa kaniya. Kaso heto, nabuking.
Ang inaalala ko, baka maapektuhan ang friendship namin. Ngayon palang, nagkaka-ilangan na. What more pa sa mga susunod na araw. Strangers be like na.
"Ang tahimik mo," puna niya habang pasalit-salit ang tingin sa daan at sa akin.
Hindi ba siya aware na nakaka-speechless ang nakakagulat niyang confession? Pinag-iisipan ko pa ang sasabihin ko. Minsan, taksil ang aking bibig at baka kabaligtaran ang masabi.
"Huwag ka sanang magalit sa akin." Kumunot ang aking noo.
"Bakit ako magagalit?"
"Dahil sa biglaan na pag-amin ko. Ayoko lang naman palampasin pa ang pagkakataon."
"Paranoid ka lang. Hindi ako galit. Mabuti pa, focus ka muna sa pagmamaneho," payo ko sa sobrang bagal ng andar nitong kotse. Kulang na lang ang bangkay at music, karo na ang sinasakyan namin.
Sinasadya niya ata bagalan upang tumagal ang usapan namin. Hindi ko na kaya makayanan ang awkwardness.
"Sorry." Natawa na rin siya. Ilang sandali pa, nakarating din sa wakas. Huminto ang kotse sa tapat ng gate namin.
Hindi muna ako bumaba. May tumutulak sa akin na kausapin ko muna siya. Baka mabaliw ako mamaya kakaisip ng mga what-ifs.
"Sa nalaman mo... ano ang una mong naramdaman nang malaman mo na crush kita?" nahihiya kong tanong.
"Natuwa at kinabahan din. Sinubukan kong itago ang tuwa ko, pero kusa na lang lumabas nung nakita kita kanina."
Uminit ang mukha ko. Ang vocal niya! Nakakadala ang mga sinasabi ni Kevin. Huminga ako nang malalim. Crush lang, Julia. Crush lang dapat!
"Magpahinga ka na. Susubukan ko ulit na maihatid at masundo ka." He smiled again.
"Hindi mo ako iiwasan?" biglaan kong tanong. Ako ata ang paranoid dahil sa mga napapanood kong drama.
"Hindi. Bakit ako iiwas? Mas lalo pa kitang lalapitan." Naestatwa ako sa aking kinauupuan nang literal nga siyang lumapit sa akin. May sapat namang distansya, pero sobrang lapit pa rin!
"Again, hindi kita pini-pressure Juls. Kung gusto mo na hanggang magkaibigan muna tayo, okay sa akin. Let's still act as normal, as best friend. Walang iiwas, walang magbabago."
Lumayo na siya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Gumaan din ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"Pero paunti-unti, susubukan kong higitan iyon Juls." Napalunok ako. Pinagpapawisan ako kahit malamig naman dito.
Lumabas na si Kevin at pinagbuksan ako ng pinto. "Thank you," sambit ko pagbaba. Inilihis ko ang aking tingin at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang pinsan ko na nakatayo sa gate.
Kunot ang noo at naka-cross arms. Halatang sinusuri kami ng tingin.
"Joshua! Nandito ka pala." Nakipag-apir si Kevin kay Joshua.
"Pauwi na sana ako kaso nakita ko kayo ni Baby Amazona na magkasama." Iniwasan ko ang tingin ni Joshua sa akin. Na-iintriga siguro 'to.
"Sabay na kita. Paalis na rin ako dahil naihatid ko na si Julia."
"Mauna ka na. Kakausapin ko pa siya." Kinabahan ako bigla. Ano naman ang pag-uusapan namin?
"Ahh, sige. Alis na ako. Bye Juls!" Nginitian ako ni Kevin at sumakay na sa kotse niya. Pinagmasdan ko siya hanggang makaalis.
Narinig ko ang pagtikhim ni Joshua.
"Boyfriend mo na ba Baby Amazona?"
Nanlaki ang mga mata ko sa diretsahan niyang tanong. Dinaig niya pa si Boy Abunda sa pangha-hot seat!
Masyado siyang advance. Crush ko lang si Kevin, hanggang doon pa lang iyon.
"Huwag mo akong tatawagin na Baby Amazona! Lalo na sa kapag may ibang tao," suway ko at para ibahin na rin ang usapan.
"Answer me."
"Hindi ko siya boyfriend."
"Bakit ka niya hinatid?"
"Kasi sinundo niya ako." Lalo pang tumalim ang tingin niya sa akin. Hindi mabiro.
"Bakit ang tagal niyong bumaba sa kotse?" aniya at bakas sa boses niya na naghihinala siya.
Ma-issue ang pinsan ko. Sa pagkakaalam ko, model siya at hindi paparazzi.
"Ano iyang iniisip mo ha? Wala kaming ginawa na kababalaghan! Nag-uusap lang."
"Wala akong iniisip na iba. Defensive ka lang." Ngumisi siya at napailing. Napanguso tuloy ako.
"Seryosong usapan, kung sakaling gusto mo siya at gusto ka rin niya... susuportahan ko kayo. Payag ako kung sakaling liligawan ka ni Kevin."
Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Over protective ang pinsan ko sa mga usaping lalaki. Ayaw niyang may umaali-aligid sa akin. Kaya nakakapagtakha na boto siya kay Kevin.
"Totoo ba?"
"Hindi ako nagbibiro. Boto nga ako sa kaniya. Swerte ka na kay Kevin. Ewan ko na lang kung suswertehin siya sa'yo."
"Nang-iinsulto ka? Saka anong boto ka? Ayos lang sa'yo if ever na manligaw si Kevin sa akin?"
"Ayos lang. Kung manliligaw nga siya... huwag muna umasa Baby Amazona." Mapang-asar na humalakhak si Joshua. Nakakainis! Akala niya umaasa ako.
Pero paano kung manligaw nga?
Jusko! I'm not yet ready. Ayos na sa'kin ang ma-crush-back muna!
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...