A/N: Pagbigyan ang side story ng kaibigan ni Julia na si Joy. Again, side story lang po ito. Main na bida ay si Julia. Pero salamat sa mga sumusuporta kina Joy at Kasey. Love you all!Joy's Pov
Sunday ngayon at nandito ako ngayon sa simbahan kasama ang mommy ko. Nakikinig ako nang mabuti sa kinukwento ni Father dahil baka mamaya magpa-recitation siya at tawagin ako. Nakakahiya kapag hindi ko nasagot, ang daming tao pa naman dito.
"Magsitayo na ang lahat." Nahihilo na ako sa kakatayo-upo na inuutos nung nasa harapan. Ano bang trip nun?
"Mommy, pwede bang umupo na lang ako?" tanong ko kay mommy na abala sa pakikinig. "No. Sumunod ka na lang."
"Paano kung pag-tumblingin naman tayo mommy? Susunod pa rin?"
"Joy, behave please? Tumayo ka na." Napa-pout na lang ako at tumayo na. Maya maya pa ay may sinabi si Father kaya 'yung mga tao naman dito ay nagsalita na rin at ang iba ay nagsiyakapan.
"Peace be with you," rinig ko sa mga katabi ko kaya nginitian ko na lang sila. Mukhang ako lang ang hindi nagalaw. Hehehe! Magaya nga rin pero ibang version sa akin!
"Joy be with you po," masayang sabi ko sa mga katabi ko at nakigaya pa ako sa ibang tao na nililibot ang buong simbahan para batiin lahat. Inikot ko bawat sulok at kahit hindi ko kilala, sinasabihan ko ng, "Joy be with you po."
Nakita ko naman ang ilan na tapos nang umikot at bumalik na sa upuan nila pero ako ay tuloy pa rin. Hehehe... Hindi ko pa kasi lahat nababati. Baka sabihin choosy ako at baka magtampo sila sa akin.
Bawat hilera ay sinasabihan ko nun. Napatigil naman ako nang may makilala akong tao sa kabilang hilera ng upuan. Si Sunget na Renz!
"Sunget!" tawag ko at saka lumapit sa kaniya. Nagulat siya nang makita ako pero back to sungit mood na naman siya.
"Are you following me?" masungit niyang tanong. Napa-isip naman ako.
"Hindi pa. Saan bang social media? Facebook? Twitter or Instagram? Anong account mo para ipa-follow kita?" tanong ko kay Sunget. Medyo pa-famous din pala 'tong si Sunget. Ilan na kaya followers niya?
"That's not what I mean."
"Ahhhh! Haba naman ng username mo! Sa akin, Joytotheworld. Followback mo ako ha! Sige bye bye na!" paalam ko sa kaniya sabay wave. "Tss. Insane."
Paalis na sana ako pero may nakalimutan pa pala akong sabihin sa kaniya. "Joy be with you, Sunget!" Nginitian ko siya at nagtaka naman ako kung bakit nagulat siya. Umiling pa siya at slight na napangiti.
"Yehey! Masaya ka na agad! Kakasabi ko palang pero ngumiti ka na." Ang galing-galing ko talaga!
"No, I'm not."
"Noooo! Ngumiti ka!"
"I'm not!"
"Ha? Nabago na ba? Akala ko Renz ang pangalan mo? Si Not ka na pala." Napakamot pa ako ng ulo ko, may kuto na ata ako. Hinawaan ako ni Julia.
Wait, aha! Kaya pala siya nandito sa simbahan. Bininyagan pala siya! Nagpabago siguro ng pangalan. Magpabinyag din kaya ako? Tapos ipapa-suggest ko kay mommy na Merry Happy naman ang ipangalan sa akin.
Merry Happy Joy Perez. Hehehe. Iisipin siguro ng mga tao na tumatawa ako habang ipinapanganak.
"You're saying nonsense again. Back to your place now and shut up." Masungit talaga siya! Nasa simbahan pero gan'yan ugali. Hmmp!
Lumakad na lang ako paalis pero tinawag niya ako bigla. "Sanity be with you, Joy." Seryoso ang mukha niya pero parang inaasar niya ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumalikod na. Muli ko siyang tinignan at nakitang tumatawa siya pero nang makita niya ako ay sumeryoso ulit ang mukha niya at tinaasan ako ng isang kilay. Baklushie ata si Sunget?
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...