Chapter 72: Punishment

9.2K 445 73
                                    


Julia's Pov

"Done na ang performance nila kaya umayos na rin kayo! Back to your proper places!" sigaw sa amin nung organizer ng show. Bigla tuloy akong bumalik sa realidad. Shemay na may toyo! Hindi pa rin ako maka-move on sa sayaw at sulat niya. Parang gusto ko na agad umuwi at magtatalon sa bahay namin.

Ibang klase talaga 'yun ano? Siya lang 'yung nakilala kong nagbabanta pero nakakakilig. Kaso lagi talagang mauuna ang inis ko sa kaniya bago ako kiligin e. Hindi talaga marunong maging gentleman! Pwede namang iabot na lang sa akin 'yung papel 'di ba? Pero binato niya e! Sweet na sana lahat.

Muli akong sumilip sa labas at sumulyap sa pwesto nila. Nakita kong nakaupo na ngayon ang grupo nila at nagpupunas ng pawis nila. Si Darren demon naman ay nainom ng tubig pagkatapos ay isinuot niya na ulit 'yung coat niya. Whoa! Stalker na ata ang peg ko rito.

"Hoy Julia!"

"Ay stalker!" biglaang bulalas ko sabay harap kay Kasey na tumawag sa akin. "Uyyy, may ini-stalk siya! Si Darren 'no? Teka, ano iyang hawak mong papel?" Napatingin naman ako sa hawak kong papel at nang mapagtanto kong sulat pala 'to ni Darren demon ay agad kong itinago sa tabi ng mga gamit ko.

"Wala 'yon. Gagawin ko sanang tissue 'yung papel. Uhm... Doon na tayo? Tutulungan mo pa akong magbihis ng evening gown 'di ba?" pag-iiba ko ng usapan namin.

Nakaharap na ako ngayon sa salamin habang si Kasey ay inaayos ang buhok ko. Hindi ako komportable sa suot kong evening gown dahil feeling ko ay isa akong suman na binalutan lang ng dahon. Tube kasi itong gown na ito at may kaunting pa-balloon sa bandang baywang ko. Babaeng-babae ang dating ko ngayon.

"Ayan! Perfect na!" natutuwang sabi ni Kasey habang nakatingin sa akin. "Para kang princess, Julia!" dagdag ni Joy. Pakialala sa akin mamaya na ililibre ko sila dahil sa puri nila sa akin.

Magsasalita na sana ako pero biglang may epal na pumunta sa amin, "Not bad. But you can't beat me," naka-ngising pagyayabang ni Jessica sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang sinusuri ang kabuuan niya. Infairness, nagmukhang tao siya. Naka-tube rin siyang suot ngunit may biyak sa likod nito kaya kitang kita ang likod niyang mapeklat, joke lang. Sobrang kinis pala pero makapal naman ang mukha niya para makisali sa usapan namin.

"Ang tanong, nakikipag-compete ba ako sa'yo?" bored kong tugon sa kaniya.

"Hindi pero talo ka na agad kahit hindi pa." Nakangisi niya na namang sagot na akala mo ay nanalo na sa contest. Gusto ko siyang sapakin sa totoo lang pero naka-gown ako ngayon at pangit naman tignan kapag nakipagsapakan ako. Anong malay ko at mahubaran ako 'di ba?

Tumayo na lang ako nang tawagin na kami ng event organizer para pumila. Pero bago 'yon ay kinausap ko muna si Jessica.

"Ayun na nga e, hindi pa ako nakikipag-compete pero triggered ka na?" sarkastiko kong sabi at saka lumakad na. Narinig ko na lang ang sigaw nila Kasey at Joy na 'goodluck!' dahil aakyat na ulit kami sa stage para sa pinakahuling laban, ang question and answer portion.

Labanan sa English 'to bes! I need an interpreter!

"Good evening again! The candidates showed their talents and now, we are going to witness how brilliant they are! We believe that students in Sandoval Academy are not just have the looks and talents but also have intelligence! Are you ready to witness it all?!" rinig kong sigaw ng emcee at dumagundong na hiyawan naman ang isinagot ng mga audience.

Napabuntong hininga na lang ako at saka tumingin sa kabilang way ng backstage kung saan nandoon 'yung mga male candidates na naka-tuxedo na. Mamaya pa ang Q and A portion nila pagkatapos naming mga babae kaya medyo pa-easy-easy muna sila.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon