Chapter 76: Worried

9.6K 351 58
                                    


Julia's Pov

Magkakasama kami ngayon nila Kasey at ni Joy dito sa Gymnasium. P.E class namin ngayon at may activity kaming gagawin.

Ang napunta sa aking sport ay badminton kaya may dala akong raketa at shuttlecock. Samalantalang volleyball naman ang kina Kasey at Joy. Sa mga lalaki naman ay basketball at ang ilan ay badminton din.

"Julia? Sinong partner mo sa badminton?" tanong ni Kasey habang inaalis ko sa lalagyan 'yung raketa ko.

"Oo nga sino? Hindi naman pwedeng kalaro mo ang sarili mo o kaya may invisible friend ka?"

"Wala akong invisible friend, Joy. Maghahanap na lang ako ng ka-partner ko," sagot ko. Tumingin naman ako sa paligid at nagbabakasakali na may mahanap akong kalaro ko.

"Si Darren na lang kaya? By two's lang naman ang basketball dahil one on one lang 'yon at puro dribbling pa." Tumingin naman ako kay Darren demon na nasa kabilang side kasama sina Matthew at Renz. "Kakausapin ko na lang si Baby Kupal na si Renz ang partner niya para si Darren ay maging partner mo."

"Huwag na Kasey. Hanap na lang ako ng iba."

"Wow! Dami kayang gusto kay Darren na maging partner tapos ikaw ayaw? Magkasabay kayong umuwi 'di ba kahapon? Magkaaway ba kayo?" Napaisip naman ako sa tanong niya.

Magkaaway ba kami? Hindi naman siguro. Tampuhin lang ata 'yung lalaking iyon! Hindi raw siya galit sa akin pero hindi niya rin daw agad maaalis 'yung selos niya.

Kahapon ayos kami pero ngayon ayaw niya akong pansinin at ang sabi niya pa, suyuin ko raw siya! Ano siya bata?

"Hoy Julia! May hindi ka talaga kinukwento! Hinatid ka lang ba talaga ni Darren sa bahay niyo o may iba pa kayong pinuntahan?"

"Hinatid nga sabi e. At about sa away kuno namin, wala lang 'yon. Nagtampo-tampuhan lang siya," sagot ko. Hindi ko pa nasasabi na sinama ako ni Darren demon sa Vertex Mob. Bawal ko raw sabihin iyon sabi ni Darren demon.

"Ahhhh! Hindi kayo bati?"

"Parang ganoon nga Joy. Nagtatampo raw sa akin. Kalalaking tao!"

"Edi suyuin mo Julia! Kaloka ka!"

"Kaartehan niya lang 'yon. Ilang beses ko nang kinausap, ayaw akong pansinin." Nakakainis siya. Kinausap ko siya kanina at ang saya ko pa kasi pumasok na siya tapos sasabihan ako ng, "We're not yet okay. I'm still jealous. Make a move in order to take away my jealousy."

Pinanindigan niya iyon. Talagang hindi niya ako pinapansin hanggang ngayon!

"Suyuin mo na Julia! Wala ka pa ngang ginagawa na way para hindi na siya magtampo sa'yo. Hindi sapat na kausapin mo lang dapat may action! Sige ka, baka may mahanap siyang iba na kayang mag-effort para sa kaniya."

"T-talaga?"

"Oo naman! Tayo nga, kinikilig kapag nag-eeffort ang lalaki. Sila rin ay kinikilig kapag sinusuyo natin sila. Paano kung makahanap siya ng ma-effort na babae? Panigurado, nganga ka Julia!" Na-stress ako bigla sa sinabi ni Kasey.

Ayaw ko namang makahanap ng iba si Darren demon dahil lang sa hindi ako ma-effort. Hays! Sige na. Susuyuin ko na 'yon.

Pero I doubt, kung kikiligin nga siya. Iba topak nun. Hindi ko alam kung galit-galitan ang peg niya kapag kinikilig o baka kapag namumula ang tainga niya?

"Oh siya! Maglalaro na kami ni Joy. Puntahan mo na siya ha?" Tumango na lang ako at umalis na sila. Naglakad na rin ako habang hawak ang dalawang raketa ko. Nilapitan ko si Darren demon na naka-civillian ngayon, well lagi naman.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon