Third Person's PovKahit dehado, nanlaban pa rin si Julia at ginamit ang buong lakas upang puruhan ang mga lalaking nagtatangkang pagbuhatan ng kamay ang mga kaibigan niya.
"Please, tumakbo na kayo. Kaya ko na 'to," pakiusap niya.
"Manghingi kayo ng tulong. Tumakbo na kayo!" sigaw ni Julia habang hinaharang ang sarili upang hindi mahuli ang mga kaibigan niya. Kahit nag-aalinlangan, tumakas na ang dalawa habang umaasang may mahihingan ng tulong.
Samantala, isang marahas na kamay ang dumantay sa katawan ng dalaga at tinakpan ang kaniyang ilong gamit ng isang panyo na may halong pampatulog.
Dinala siya ng mga lalaki sa ikaapat na palapag ng gusali at inilapag sa isang kwarto.
"Boss. May naligaw sa teritoryo natin. Baka mga espiya. Anong gagawin namin sa kaniya?"
"Kill her." Tumango ang mga tauhan at naglabas na ng baril.
"Sandali, I have a better idea."
***
Meanwhile, abala si Renz sa loob ng isang maliit na silid, hindi kalayuan sa gusali.
"Monitors and earpiece are on. No technical problems. No glitch. Targets are already in location," balita niya sa kabilang linya habang seryosong nakatingin sa tatlong monitor.
'Ready.'
'Watch and drool Renz.'
Matapos isuksok ang dalang baril at isuot ang brass knuckles (four fingers), sumugod na sina Darren at Matthew sa loob ng building. Pagpasok pa lang ay may anim nang bumungad sa kanila. Inambahan nila ito ng malalakas na suntok at sipa. Nang mapatumba nila ang mga lalaki ay naghiwalay na sila ng direksyon.
"Pagliko mo Darren, may tatlong nakaabang na lalaki. Wala silang armas na dala," ani ni Renz. Naging handa si Darren at mas naunahan niya sa pag-atake ang mga kalaban kaya madali niya silang napatumba.
Habang patuloy na nakikipaglaban sina Darren at Matthew, palinga-linga naman si Renz sa bawat monitor. Isa-isa niyang binabantayan ang bawat kuha ng surveillance camera at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mamataan kung saan sa bawat kwarto ng ikaapat na palapag nagtatago ang leader ng kalaban dahil isang surveillance camera lang ang kanilang na-install sa palapag na iyon.
"Pagbukas mo ng sliding door, may nakaabang na apat na lalaki," warning ni Renz kay Matthew kaya bago sumugod ay dumampot muna siya ng makapal na kahoy at binigla na ng atake ang kalaban.
Nasa first floor pa lang sila ay napakarami ng tauhan ang sumugod. Inaasahan na nila ito at alam nilang nais silang pagurin para wala na silang lakas upang kalabanin ang leader ng kalabang grupo.
Kitang-kita na ni Renz ang pandarayang ginagawa sa kanila. Sampu lang ang members ng Tricky Bloods ngunit kumuha sila ng higit 20 na tauhan na ikinalat sa bawat palapag upang atakihin sila.
'Ybañez! Dito ka sa first floor, aakyat na agad ako sa second floor.'
'Copy.'
"May dalawang lalaki na nagtatago pag-akyat mo. May baril ang isa."
'Shit! Hindi ba sila nauubos?!'
Dahil sa inis, kumuha na ng bakal na pwedeng ipamalo si Darren. Marahas niyang sinalubong ng atake ang mga kalaban. Naging mabilis at bayolente na ang kaniyang kilos dahil gusto niya nang maubos ang mga tauhan at nang makausad na sa susunod na palapag.
Samantala, ini-report ng ilang tauhan na unti-unti nang napapatumba ang kanilang kasamahan.
"May mali sa nangyayari," seryosong sambit ni Vincent, ang leader ng Tricky Bloods.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...