I collected my senses. No one can read what had I imagined inside Iros' room. Pero nahihiya pa rin ako. Nakatulog ako roon, at kahalayan pa ang inisip ko.
Paglabas ko mula sa kwarto ay narinig ko ang tawanan nila mula sa baba. Palinga-linga ako, hinahanap kung saan dinala ang gamit ko.
"Excuse me," I call out the helper that's about to go downstairs.
"Bakit po?"
"Do you know where's my luggage? The pink trolley and beige hand bag?"
Ngumiti siya. She's young and pretty. I'm jealous that she's living under the same roof where Iros live almost his whole life.
"Dito po."
Nauna siyang maglakad. Pagdating sa tapat ng kwarto ay binuksan niya lang iyon at iniwan na ako. A single bed, a closet and another door to the bathroom. Must be one of their guestrooms.
Binuksan ko ang closet at nakaayos na ang mga damit ko. I don't like people touching my things but I know they mean no harm, luggage ko lang naman ang binuksan— ang handbag ko nakapatong lang sa higaan.
They hang my dress, and my pants and shirts are neatly stack inside the closet. I appreciate their hospitality. They don't need to do this, tho.
I quickly took a bath and went downstairs. Walang tao. Lalabas na sana ako nang tawagin ako ng lola ni Iros.
"Hija."
Lumapit ako sa kanya. "Bakit po?" I speak politely as I can. First impression last. And I want to be on her good side.
"Kumusta ang tulog mo? Sabi ni Iros ay 'wag kang gisingin at dahil baka pagod ka."
Alam niya na nakatulog ako sa kwarto niya? Tapos hinayaan niya lang ako?
"Opo, mahaba po kasi masyado ang byahe. Hindi ako sanay."
Tumango tango siya habang nakangiti. She resemble Iros a little, same face shape.
"Halika, kumain ka muna bago ka sumabay sa kanila sa labas."
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa kusina. She insist to prepare my food kahit na may helpers naman. She's warm, sa kanya siguro nagmana si Irene.
"Thank you po," sabi ko nang mag-umpisa na akong kumain.
Naupo siya sa harap ko, tinitignan lang ako habang kumakain. A little awkward.
"Girlfriend ka ba ni Iros?"Napaubo ako sa tanong. Mabilis akong umiling tsaka inabot ang tubig. She really assumed that I am her grandson's girlfriend? Do we pass that vibe?
"Akala ko ay girlfriend ka niya. Wala pa kasing naipapakilala na nobya 'yan si Iros kahit maraming babae ang nagkakagusto simula bata pa 'yan. Akala ko tuloy ikaw na."
Uminom muli ako ng tubig. Sasabihin ko ba sa kanya na isa rin ako sa mga babae na nagkakagusto sa apo niya? That is embarrassing.
"P..paano niyo po nasabi na baka girlfriend niya ako?"
I am a curious person. I want to hear her thoughts about me and her grandson.
"Kung paano siya kumilos kapag andyan ka."
Did I miss something?
"That's impossible po. Kahit manligaw nga po ay hindi niya ginagawa."
Umiling siya. "Naku. Kilala ko ang mga apo ko. Si Iros para lang din mga pinsan niya 'yan, hindi magsasalita 'yan idadaan ka sa tingin at galaw. Manang mana ang mga iyan sa kanilang Lolo, hindi rin marunong manligaw pero ipaparamdam lang sa 'yo na gusto ka," paliwanag niya.