Matagal akong nakatulala sa labas at pilit inintindi ang mga gustong sabihin ni Kyle kanina. Napataas ang kilay ko na sa pagbalik ko sa loob ay may nakaupo ng ibang babae sa kaninang kinauupuan ko.
"Excuse me," mataray na sambit ko.
I stand right behind her habang nakakrus ang kamay. Iros is already leaning his back on his chair while Celine— his ex-girlfriend unapologetically take advantage his drunk state. Nahagip ng mata ko ang ginagawa niya sa binti ni Iros sa ilalim ng mesa.
"What?" taas kilay na tugon ni Celine habang hindi pa rin tinitigilan ang ginagawa niya.
I am not into cat fights— only a lady with no class will do that. But right now I so want to land a scatch on her face.
"He's with me."
She made face, rolling her eyes. Bumaling siya kay Iros. Tumaas ang kamay niya sa pagitan ng hita nito. Kaunti nalang at mapipigtas ang pagtitimpi ko. Mahihila ko na ang buhok niya.
"Totoo ba 'yon Iros? You're with her?"
I took a deep breath. Bumaling ang tingin ni Iros sa akin. He just gave me a cold stare. I smile bitterly. Nakuha ko na. He will just hurt me with his words, kaya bago pa man siya makasagot ay kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa mesa at tumalikod na.
Ang bigat ng puso ko, gusto ko nalang itapon ang sarili ko sa higaan at umiyak ng umiyak. I thought there is something special between me and him, pero bakit ganoon? Why did he look at me na parang ako ang pinaka ayaw niyang tao?
"Paris!"
Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Iros na tumawag sa akin. Gusto ko siyang makasama, gusto ko siyang yakapin pero mas nangibabaw sa akin ang insulto ng hindi niya pagsagot kay Celine ng mabilis.
"Putangina bingi ka ba?!" sigaw niya ulit.
Mas binilisan ko ang paglalakad. I am walking on the dark sidewalk at hindi ko na alam kung nakasunod pa ba siya sa akin. I just keep on walking until my knees became weak.
Napaupo ako sa gilid ng kalsada. I curl my knees and burried my face. Bakit ganitong eksena nalang palagi?
I cried for a minute bago ako tumayo at lumingon sa pinanggalingan ko. Natawa ako sa sarili ko. Iros didn't run after me. Tumigil siya sa paghabol sa akin.
Naglakad ako papunta sa maliwanag na parte ng kalsada. I tried booking for an uber pero wala kaya nag-antay ako ng taxi. Inugat na ako at nilalamok pero wala pa rin.
What an unlucky woman I am.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag ko. I was about to call Cali nang magbago ang isip ko. He will get worried, makakarating din kay Kuya Seb at Auntie Elena. The last thing I want to happen is to taint Iros' name to them.
I did a selfish move and call Dylan.
"Oh hi, napatawag ka," masiglang bati niya sa kabilang linya.
I try my best not to cry. Ayaw ko rin na mag-alala siya. I want someone to be with tonight— just be with me, walang gagawin. Ayaw ko lang ng pakiramdam na mag-isa.
"Where are you?" I calm my voice so hard na puso ko naman ang naapektohan. Sumikip bigla at para akong sasabog.
"Nasa Manila ako. May meeting kasama ang ilang kasamahan ko sa congress pero tapos na. I'm staying sa hotel. Bakit?"
"C..can you fetch me?"
Saglit siyang natahimik. Napakagat ako sa kuko ko. I suddenly feet so ashamed. Ang kapal ng mukha ko. I always use him.