23

306 10 0
                                    

"Miss Paris saan ko po ilalagay itong mga regalo?"

Pumasok si Cheska sa loob ng office na kabilaan ang hawak na gift box. Napabaling ako sa isang corner ng office room kung saan nakatambak ang regalo at bulaklak. "Ipamigay mo ang mga 'yan sa may mga gusto. Pati na rin 'yang mga dumating noong nakaraan."


"Okay po."


"Wala ba talagang pangalan kung kanino 'yan nanggaling?"


"Wala po, eh."


My suitors always call me ahead of time if they'll send me something. But not this one who doesn't miss a day— walang card sa bulaklak, o kahit pangalan. It doesn't bother me before but it's making me uncomfortable now since whoever he or she is, sends flower at home, too.


Bumalik ako sa trabaho habang si Cheska ay pabalik-balik sa paglabas ng mga regalo at bulaklak. I don't want to waste things, if someone can get a use of it, then it's theirs.


"Good Afternoon po, Sir. Busy po kasi si Miss Paris," dinig ko na salita ni Cheska sa labas ng pinto. 


"Sige maghihintay nalang ako rito."


I am too sure it's Iros— hindi ako magkakamali sa boses niya. He has natural raspy and threatening voice. Nakakagulat naman siya. Why would he come here? Tatawag lang kasi 'yan kung gusto niyang magkita kami— ngayon lang siya sumulpot bigla.




"Cheska sino 'yong kausap mo sa labas?" mahinang tanong ko nang pumasok ulit si Cheska. Even though I am already sure I need to verify.

"Si Iros San Jose po. Iyong sikat na sports car racer." She's obviously star struck. Her eyes are literally twinkling.


"Anong kailangan niya?"


"Wala pong sinabi, eh. Gusto ka lang yatang makausap. Papasokin ko po ba? Wala kasi siyang appointment kaya hindi ko po pinapasok."


Umiling ako. I am not punishing Iros, I only want to boost my pride and let him wait for a while.



Nawili na ako sa trabaho, uwian ko na naalala na nasa building pala si Iros. It's already very late. Pinauna ko na lahat ng staff, pati si Cheska— kami nalang ng guards ang nandito. I didn't expect Iros to be still here, wandering around the visitors lounge.


He lean on the wall while crossing his arms near his chest— his leather jacket is on his shoulder. He is looking blankly to the aisle of flowers from my suitors.


He is too invested killing the flowers with his stares that he didn't notice I am already beside him.

"My suitors sent the flowers. But I don't like the kind flowers they are giving me."


Tumuwid siya ng tayo, napabaling sa akin. Nagwala kaagad ang mga hayop sa tiyan ko nang suyurin niya ako ng antok niyang mga mata mula ulo hanggang paa. Sa unang pagkakataon— nginitian niya ako ng walang halong patuya.

"Alam ko. Ayaw mo sa may tinik na bulaklak."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Paano mo naman nalaman 'yan?"


Lumawak ang ngiti niya— o tamang sabihing napangisi siya na parang nagyayabang.  Napigil ang paghinga ko nang bigla siyang umakbay at humalik sa gilid ng ulo ko. "Marami kang walang alam sa mga alam ko tungkol sa 'yo," bulong niya na halos ikabaliw ko.


"Tara na nga. May pupuntahan tayo," dagdag niya hindi ko pa man naipapasok lahat ng nangyayari sa utak ko.


"Susi mo." Nilahad niya ang kamay sa harap ko nang nasa parking na kami.


Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon