9

354 13 4
                                    

I am using Dylan, that is for a fact. And he knows it. Nagtanong siya sa 'kin sa kung bakit bigla ko naisip na makipagdate sa kanya, and I became honest. Inamin ko sa kanya ang sitwasyon ko kay Iros.

He doesn't mind if I'm using him atleast daw ay hindi na rin siya kukulitin ng daddy niya sa kung sino pang babae na gustong ipakilala sa kanya.

It's convenient both sides. Sana lang maganda ang patutungohan.

"Ang ganda ng bahay niyo," puri ko ng makapasok kami.

There house isn't that grand but it's classy with it's modern touches sa interior— malawak ang lawn nila at mataas ang bakuran. The air is fresh dahil na rin sa mga puno sa paligid.

"Mas maganda kang 'di hamak," pambobola niya.

Nakakapit ako sa braso niya papasok sa dining area kung nasaan ang mga magulang at kapatid niya.

"Oh, they are here," masayang anunsyo ng mommy niya sa pagpasok namin.

I kiss his moms cheeks at bumeso rin ako sa ate niya at husband nito. I was about to shake Uncle Dante's hand pero binaliktad niya ang kamay ko at hinalikan ang likuran ng palad ko.

I got hot cheeked. He's the President for goodness sake!

"You look good, hija. Kamukhang kamukha mo ang daddy mo."

I timidly smiles. I never met my biological dad, he annulled my mom before I was even born.

"I heard may tinatayo kang business ngayon, hija?" simula ni Uncle Dante ng usapan nang kumakain na kami.

Nakaupo ako sa gitna ni Dylan at ng Mommy niya habang sa tapat namin ang kapatid niya at brother in-law, while ofcourse sa head of the family chair si Uncle Dante.

"Yes po, actually we will start operating next week."

"That's nice hija, it will be a double celebration kapag nanalo si Dylan," ang mommy niya.

"It's a sure win naman po yata," alanganing sabi ko kasi wala naman akong alam sa buhay politika ni Dylan.

"Masyado ka yatang bilib diyan sa anak ko," natatawang sabi ni Uncle Dante. "When are you guys getting married?"

Napatingin ako sa gawi ni Dylan, ngumiti siya na parang nahihiya sa sinabi ng daddy niya.

"We haven't really talk about it, dad. We only started dating," tugon ni Dylan na ikinatawa ng kapatid niya.

"Ang bagal mo naman, Dy!" kantyaw ng brother in-law niya.

"Ano pa ba ang hinihintay niyo? How old are you na ba Paris?" tanong naman ng ate niya.

"I'm 23."

"I married Frederick when I was 23," makahulogang bahagi ng ate niya tungkol sa buhay nito.

Medyo nailang ako sa naging kwentohan nila about marriage. I don't plan on settling down anytime soo— kahit pa mainlove ako ayaw ko na magpakasal ng sobrang aga. I still want to enjoy many things. I have so many things I want to achieve. Kapag kasal na marami ng responsibility.

"Sorry sa pamilya ko. Ewan ko sa mga 'yon bakit minamadali akong mag-asawa."

"No, it's fine. Ganyan na ganyan din si Mommy."

Pabalik na kaming dalawa sa Manila. Lunch lang talaga ang pinunta namin sa kanila. Everyone in his family are busy. Gan'on nga yata kapag first family.

"So, when I will gonna meet her?"

I pressed my other hand hard. I don't like how serious we're getting.

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon