Iros
Gising na ang katawan ko pero ang diwa ko hindi pa rin nagtutugma sa kung anong nangyayari sa paligid ko. Naglilinis si Paris ng kwarto habang ako naka-upo lang sa kama at nakatulala.
Napasandal ako nang makaramdam ng hilo, hindi na talaga ako iinom kasama mga kumag na 'yon kahapon. Ang sakit pa ng katawan ko, may mga sugat ako na hindi ko mapaliwanag kung saan ko nakuha.
"Babe, tubig please."
Tumigil siya sa pagwawalis tsaka kumuha ng tubig sa fridge. Pag-abot niya sa akin ay bumalik lang siya sa ginagawa kanina.
"Babe, anong sabi ni Tito Pierre na rito ako nakatulog?"
Kakagising ko lang kaya wala akong ideya kung anong nangyayari sa labas ng kwarto. Ni hindi ko maalala paano ako nakarating sa kwarto ng mahal ko.
"Wala naman."
"Galit ka ba? May ginawa ba akong hindi dapat o nakakahiya?"
Boxer short lang ang suot ko kaya bumaba ako sa higaan para hanapin kung saan ang t-shirt ko pero hindi ko makita. Bumalik nalang ulit ako sa higaan.
"Baby, galit ka nga? May nasabi ba ako na masama? Inaway ba kita?"
Nilabas niya ang basurahan sa kwarto tsaka muling bumalik at tinapon ang sarili sa akin dahilan para mapahiga kami. Hinawi ko ang buhok na nagkalat sa mukha niya.
"You did have fun yesterday."
"Kasama ang dalawang asungot? Hindi nga?"
"Not just them. Cali, Justin, Kyle and Karina's friend."
Napangiwi ako. Wala akong maalala. Huling memorya ko lang ay bumaba si Tito Pierre, dumating si Denise. Anak ng putangina. Napabangon ako at hinanap ang pantalon ko.
"Anong hinahanap mo?"
"Wallet ko?"
Inabot niya ang drawer at kinuha ang wallet para ibigay sa akin. Napatampal nalang ako sa noo ko.
"Anything missing?"
Umiling ako. Hindi naman talaga nawawala ang pera ko, sadyang naging taya lang ako sa pagbili ng alak na may presyong ginto kahapon. Napawithdraw pa ako kay Denise na alam kong na-scam niya rin ako ng ilang libo na naman.
"Tara sa baba, nagugutom ako," pag-iba ko nalang ng usapan at baka kapag nalaman pa niya pagalitan na naman niya kapatid niya.
Si Callum nalang natira sa lahat ng kasama ko kagabi. Sapo niya rin noo niya habang nakaupo sa harap ng hapag. Pabiro ko siyang sinuntok sa braso.
"Fuck it! Paris, pagsabihan mo 'tong boyfriend mo. Hindi ako nakikipagbiruan masakit ulo ko."
Natatawa lang akong umupo sa harap niya. Tinampal ni Paris ang balikat ko tsaka niya ako winarningan na huwag nang ulitin. Pinaghain niya kami ni Callum ng pagkain na halos hindi naman pumasok sa sikmura ko.
"Paano nakauwi ang iba?" tanong ko kay Callum nang maiwan kaming dalawa nalang.
Binaba niya ang kutsara tsaka uminom ng tubig. Naduwal-duwal pa siya na lalong nagpawala ng gana ko sa pagkain.
"May mga love life edi nakauwi. May sumundo, eh."
"Bale walang nagmamahal sa 'yo kasi nandito ka pa?" pang-asar ko sa kanya. Kaya ko nang makipagbiruan sa kanya pero ewan ko lang kung kaya niyang tanggapin o ikakapikon niya.
BINABASA MO ANG
Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)
Storie d'amoreIs he worthy of the second chance?