Kinabukasan ay ako ang pinakaunang nagising. Kakatapos ko lang maglinis ng kotse nang lumabas si Paris. Hinagod ko ng tingin ang kabuohan niya— bagong ligo at nakabihis na. Bitbit niya ang jacket na iniwan ko sa pinto nila.
Nilahad niya sa harap ko ang jacket. "Sa 'yo na 'yan. Ayaw ko na 'yan," sabi ko.
"I didn't use it. Wala sa ugali ko na gamitin lahat ng bagay na pwede kong magamit because it's available."
Nilapag niya ang jacket sa taas ng kotse ko tsaka siya naglakad patungo sa gate. Siniksik ko sa isip ko na hayaan lang siya pero hindi ko magawa.
"Saan ka pupunta?" Humarang ako sa daan.
"It's none of your business pero sige para matahimik ka, papunta ako sa sakayan. I need to go back to my office kasi hindi katulad mo may trabaho ako na kailangan asikasuhin."
Nang-iinsulto ba siya? Sinasabi ba niya na unemployed ako? Pero tangina kahit ano pang pagpapakababa ang sabihin niya tatanggapin ko ngayon.
"Ihahatid kita mahirap maghanap ng masasakyan dito."
Napataas ang kilay niya— ngumiti pa ng nasusuya. "Ihahatid? Why? We're not friends nor in a relationship."
Wala akong masagot sa kanya. Tinulak ko na siya palayo, ano ba naman sa akin kung maglakad siya pabalik ng Maynila? Bakit ba ako naghahabol talaga? Hindi ba ginusto ko 'to?
"If you'll excuse me," salita niya ulit bago ako lagpasan.
Para na naman akong tanga. Ni hindi ako nagpaalam sa mga kasama namin, basta ko lang siyang sinundan na naman. Sumakay siya sa bus at ako nagmaneho lang sunod sa bus.
"Rems, tangina ano kayang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Dati siya naman sunod ng sunod sa akin." Bumisita ako sa hospital kung saan nagtatrabaho si Remi nang marating ko ang Maynila. Para na akong sasabog, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa loob ko.
Umupo siya sa mesa niya tsaka ako tinignan na parang nanunukso. "Alam mo Psychiatrist ako hindi ako love guru. Ayain mo si Kyle ng inuman at pag-usapan niyo 'yan, ikaw mismo makakasagot ng tanong mo."
Sa lahat ng kagaguhan na ginawa ko si Remi at Kyle ang may alam. Si Kyle talaga tinuturing ko na pinakamalapit na kaibigan, kay Remi naman nakikita ko ang ate; pareho silang mapagkakatiwalaan.
"May tama na ba ako?"
Hinampas niya ako ng folder sa ulo. "Sa utak wala pero sa puso mukhang meron."
"Tangina ayoko."
Kung magmamahal ako sana naman hindi ang Paris na 'yon. Sinaktan ko na eh, ang dami ko ng nasabi na kahit aso hindi makain. Sumuko na siya sa akin, at tingin ko hindi ko kakayanin na mahalin siya ng buo. Nakikita ko si Sebastian sa kanya, naaalala ko ang ate at ang hirap nito.
"Alam mo Iros matagal na 'yang tama mo pigil na pigil ka lang. Okay naman kung ayaw mo, edi hayaan mo sa iba. Marami pa naman magkakagusto d'on kay Paris. Kahit si Justin may crush d'on," sabi niya na parang nakakain ng ampalaya. Kung sa ibang sitwasyon lolokohin ko pa siya na nagseselos at bitter pa rin sa hiwalayan nila ni Kuya dati pero 'di ko magawang makapagbiro. Para akong nagalit na isiping mapupunta sa iba ang maarteng 'yon.
"Ano na ang gagawin ko ngayon? Pumunta kaya ako ng Italy? Wala naman akong ginagawa rito. Baka nababagot lang ako, nasanay na kasama siya."
Bumaba si Remi sa mesa tsaka siya kumuha ng tubig. Uminom siya tsaka napatingin sa malayo. "Edi nagmana ka sa ate mo. Panay takbo. Hindi naman guarantee na makakalimot na kapag lumayo ka, baka lalo mo mamiss, mabaliw ka ng tuluyan."
BINABASA MO ANG
Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)
Roman d'amourIs he worthy of the second chance?