61

228 5 1
                                    

IROS


"Bakit hindi mo nalang sabihin kay Paris ang totoo? Atleast kapag alam niya na kung bakit ka protective edi wala kayong away."

Napasindi ako ng sigarilyo kahit na matagal na akong tumigil. Ngayon lang ako nakahinga na lumabas at iwan si Paris sa bahay dahil nandoon si Eaton pati si Karina. Halos araw-araw na kami may maliit na hindi pagkakaintindihan dahil sa nagiging buntot na ako sa kanya. Hindi niya ako maintindihan, hindi ko rin naman kayang ipaliwanag ang sarili.

Ang hirap naman kasi!

"Anong sasabihin ko? Hoy babe, nadiskubre pala namin ni Callum na 'yang step-dad mo pala may gusto sa 'yo? Siya 'yong gago na nag-utos sa isa pang gago na kunan ka lagi ng litrato at video para ipadala sa kanya para may panuorin siya habang nagpaparaos. At iyong mommy mo may saltik din kasi kinukunsente niya. Ah nga pala, naalala mo ba kung bakit ka talaga lumayas sa Japan? Kasi babe nahuli mo na binubusohan ka ng step-dad mo, akalain mo 'yon, kailangan ka pang ipahypnotized sa psychiatrist para makalimutan mo 'yong trauma?" sarkastikong sabi ko kay Kyle.

Galit na galit ako sa loob ko, kaya kong makapatay ng tao ngayon, pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Kapag nalaman ni Paris ang lahat masasaktan siya, baka masira ang utak niya. Ayaw ko ng ungkatin ang trauma niya kahit pa ikamatay ko araw-araw na pinapasan ko na kamuntik siyang mapagsamantalahan noon ng taong pinakakatiwalaan niya. Ang maisip ko pa lang na hindi ko siya nakilala ay daig pa ang pinaparusahan ako sa impyerno.

"Tol, hindi naman ganyan ibig kong sabihin."

Tinapon ko ang may sindi pang sigarilyo sa lapag. Kinuha ko ang dart tsaka hinagis sa dartboard habang iniisip na pagmumukha iyon ng Kito na 'yon. Kung kaya ko lang siyang abutin dudukutin ko ang mga mata niya, pero hindi siya umaalis sa Japan kung saan siya protektado.

"Alam mo tol, ang hindi ko lang maintindihan eh 'di ba nga kwento mo n'on may ibang gusto ang nanay ni Paris para sa kanya?"


"Oo, si Dylan," sagot ko habang pinapakalma ang sarili sa pagmamagitan ng pagpapaulan ng dart.


"Oo, 'yon nga. Eh, bakit gustong ipakasal sa iba tapos gusto rin ipamanyak sa asawa niya?"


Napaupo ako. Nanghihina na naman ang tuhod ko na isiping kayang ganituhin ng nanay niya si Paris. Bakit ba ganito ang mga magulang niya? Una ang tatay niya na iniwan na naman siya na walang pasabi, tapos nanay niya na kaya siyang ipababoy sa mismong asawa nito.


"Wala akong ideya pero sabi ni Callum dahil baka alam nila na dati pa ako ang mahal ni Paris. Pinapalayo nila loob niya sa akin para madali siyang masilaw at maibalik sa Japan."


"Teka nga tol, paano naman nalaman ni Callum ang tungkol sa nangyari kay Paris sa Japan n'on? Eh 'di ba pareho lang silang bata nang mangyari lahat? Baka naman gawa-gawa lang 'yon."


Mapait akong napangiti. Kinuha ko ang bote ng beer at inisang inom lahat ng laman niyon.


Sana nga gawa-gawa lang ni Callum ang lahat pero mismong lahat ng records ni Paris sa lahat ng trip niya sa hospital nang bata pa siya ay nabasa ko. Lahat ng recorded video niya habang sinasabi sa doctor ang mga pinagdaanan niya na may ilang mga gabi na nagigising siya sa panghihipo sa kanya.


Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko 'yon. Maswerte at wala akong alam d'on nang magharap kami ng Kito na 'yon kundi naging criminal ako. Napatay ko na sana siya, at baka patay na rin ako.


"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag biglang bumukas memorya niya sa lahat ng nangyari sa kanya baka pati sa akin matakot na siya."


Napahimalos ako gamit ang mga palad ko. Iniisip ko na nga na iwanan ang lahat, itakbo siya sa pinakamalayong lugar kung saan walang pwedeng magpaalala sa kanya ng mga nangyari noon sa kanya. Pero paano ko gagawin? Nandito ang buhay niya.


Tinapik ni Kyle ang balikat ko. "Wala akong alam sa pag-ibig tol, pero alam ko na mahal ka ni Paris. Kung anu't ano man ang mangyari malalagpasan niyo 'yan."


Pag-uwi ko inabutan ko sina Paris na nag-iinom sa sala habang nagkekwentohan. Hindi nila napansin na pumasok ako. Umupo ako sa hagdan kung saan hindi nila ako nakikita, tahimik lang akong nakinig sa usapan nilang tatlo.


"It's weird. It keeps on showing in my dreams. Lagi akong nagigising, scared of something that I don't understand."


Seryosong nakikinig si Eaton at Karina sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya pero sa boses niya bakas ang takot kung ano man ang napapanaginipan niya. Sana mali ang iniisip ko.


"Maybe you have a little trauma sa stalker mo."

"I don't know."


"Kailan ba nagsimula 'yan? Baka masyado kang nag-aalala about something that it became a nightmare. Hindi ba possible 'yon?" usisa ni Karina.


Napayuko ako. Tinago ko ang mukha ko sa mga palad ko habang inaabangan kung ano ang isasagot niya.


"When I went to Japan. Hindi ko nga maintindihan. The nightmares scares me kahit na gising na ako at walang maalala."


Napayukom ako ng kamay ko. Wala siyang sinasabi sa akin na mga ganito. Para akong walang kwenta sa relasyon naming dalawa.


"Why don't you tell it to Iros?"


"I don't want to worry him. He's been weird lately, ayaw ko ng dagdagan."


Tumayo na ako at umakyat. Ayaw ko na marinig pa kung gaano niya pa mas iniisip ang nararamdaman ko kumpara sa lahat ng takot na meron siya. Magkasama kami, kasal na lang kulang sa amin. Pero bakit hindi niya masabi sa akin lahat ng takot niya?

-


"Anong gagawin ko diyan?"


Kakauwi ko lang galing sa paghatid kay Paris sa trabaho niya tapos biglang sulpot naman si Callum sa bahay at dala lahat ng psychiatric record ni Paris at mga recorded videos niya na sinasalaysay sa doctor kung paano siya inaabuso ng gagong Kito at kung paano siya kumbinsihin ng nanay niya para pagbigyan ito.


"Uuwi si Tita Mylene, paniguradong kasama niya si Kito."


Pabagsak kong tinapon ang hawak kong grass cutter. Naglilinis ako ng garden nang dumating si Callum. Tumungo ako sa garden table tsaka uminom ng tubig. Makakapatay ako.


"Papatayin ko siya."


Tinanggal niya ang suot na sunglasses tsaka nilapag sa mesa. Umupo siya tsaka kinalat ang papeles sa mesa.


"Paris needs to know everything. Sa ganoon mo lang siya mapoprotektahan."


"Tangina ka ba? Kapag sinabi ko sa kanya maaalala niya lahat."


Sa awa ng nasa taas hindi na umabot na makuha ng Kito na 'yon si Paris pero hinawakan niya pa rin ang mahal ko, pinapanuod niya ang babaeng pinakamahalaga sa akin kung paano niya galawin ang sarili. Ilang taon lang si Paris n'on, hayop siya, hayop silang mag-asawa.


"It's better than knowing nothing." Sumindi siya ng sigarilyo. Ngayon ko lang napansin na napapadalas na rin ang paninigarilyo niya, ang alam ko noon kapag magkasama kami nila Sebastian at ng mga kuya ako lang ang naninigarilyo. May problema rin siguro siya pero wala akong panahon na intindihin 'yon. May dinadala rin ako.


"You let Paris hate who she needs to hate."


Napasabunot ako sa buhok ko. Napahampas ako sa mesa. Masisira ang utak ko.


"Sa akin na lahat ng galit, ako na ang bahala na magalit para sa kanya." Natatakot lang din ako na baka pati sa akin ay magalit siya. Baka pati sa akin mawalan siya ng tiwala at bigla niya akong iwan din gaya ng ginawa niyang pagtakbo mula Japan para lang layuan ang mga umuabuso sa kanya.


Natatakot ako na gawin niya ang ginawa ni ate. Putangina, parang may trauma rin yata ako na maiwan. Iniwan din naman ako ni Mama, sunod ni ate. Ayaw ko na pati si Paris iwan din ako kapag hindi na maayos ang lahat.


"It's up to you. I won't say a thing kay Paris. I know you love her and I hope you protect her until your last breath. She loves you dude, kung baliktarin ang sitwasyon alam ko na poprotektahan ka rin ng pinsan ko hanggang sa kamatayan niya."

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon