28

409 12 21
                                    

Uwian na, inaantay ko si ate sa ground floor ng building nila para sabay na kaming makauwi— kasama ko si Kyle na sasabay na rin. Lalakarin lang naman ang bahay pero dahil sa maraming kumag ang gustong dumiskarte kay ate ay kailangan lagi siyang bantayan. Bawal pa siya magboyfriend, masyadong mabait si ate, walang may deserve sa kanya.


"Buti napa-Oo mo 'yon si Paris. Ang hirap pa naman makalusot doon. Balita may crush 'yon sa lower batch."


Napalingon ako sa nag-uusap na pababa sa hagdan. Sila iyong kaninang pumunta sa classroom nina ate.


"Hirap-hirap sa una lang 'yan. Tignan mo makakapagsecond base na ako sa kanya pagkatapos ng graduation ball."


"Hayop, ang swerte mo. Ang kinis siguro n'on."


Nagpanting ang tenga ko. Una, ayaw ko sa bastos. Pangalawa, kaibigan ng ate ko pinag-uusapan nila.

"Hoy, tol. Anong ginagawa mo?!" tarantang sigaw ni Kyle nang bigla kong kwelyohan ang lalaking gustong mabastos kay Paris.


Umawat ang isang kaibigan niya na isang tulak ko lang naman ay natumba na sa lapag.


"Iros, anong atraso ko sa 'yo?" nahintakutan na ang kumag. Literal na namuti ang pagmumukha niya.


Napangisi ako. Kilala pala ako ng gagong 'to? Hinigpitan ko ang hawak sa kwelyo niya tsaka ko siya malakas na binunggo sa pader. "Sa susunod ayusin mo ugali mo. Bawasan mo kayabangan mo."


"Tol, may paparating," awat ni Kyle.


"Maswerte ka," sabi ko sa tukmol tsaka ko na siya binitiwan.

"Huwag kang makalapit sa ate at sa kaibigan niya. Kapag nakita kita sa graduation ball, babalatan kita at babalian ng buto."


Napatakbo silang dalawa ng kaibigan niya matapos niyang tumango na parang aso. Mga gago, ang duduwag naman.


"Para saan 'yon?" Si Kyle na inabot sa akin ang bag ko na nalaglag sa lapag.


"Ayaw ko sa mga bastos." 


Makahulogang siyang ngumisi tsaka pa ako mahinang sinuntok sa braso. "May gusto ka sa kaibigan ng ate mo 'no?"


Ngumiwi ako. "Sa maarte na 'yon? Asa ka, boy."


Natawa siya sabay akbay sa akin. "Pupusta ako may gusto ka talaga doon."


Ayaw na akong tigilan ni Kyle sa panunukso niya. Kapag andiyan si Paris parang mababali balikat ko kakasuntok niya. Ginagawan niya rin ng malisya ang palaging pagiging tambay ko sa classroom nina ate.


"Mas pipiliin mo pa talaga ang samahan si Celine, nakakainis ka. Para tuloy akong loner mamaya," reklamo ni ate. Sa kotse na kami at hinahatid ni Kuya Nate nang sabihin ko sa kanya na si Celine ang date ko.




"Kasama mo naman si Paris," dahilan ko. Balita ko mag-isa lang itong pupunta, buti naman at dahil baka mapaaway ako kapag kasama niya ang tukmol na niyayabang na makakascore na.


"May ka-date raw siya."


Napabuga ako ng hangin. Ayaw talaga paawat ng ugok na 'yon? Gusto niya mabalian ng buto?



Pagbaba sa hotel ay sinamahan ko si ate na pumasok tsaka ako bumalik ulit sa labas. Nagtago ako para makapanigarilyo.



Inuubos ko lang ang isang stick habang nagmamasid sa mga dumarating na mga batchmates ni ate. Kanya-kanyang bida ng damit, ang co-corny.


Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon