After that night ay lumamig na ako kay Iros. I couldn't even bare to kiss him or even touch his hand. Iniisip ko na baka ginagawa niya rin sa ibang babae ang ginagawa naming dalawa.
He is not leaving home more often, maliban nalang kung may training siya. But the money transactions and groceries keep on coming. Halos araw-araw ko na rin siyang nasisigawan.
"This is all a trash! The fucking theme is innovation pero ang mga designs niyo basura?! Do you want me to fire all of you?!"
I am so stressed out na kahit employees ko ay nasisigawan ko na. This isn't me but I can't help myself to be like this.
"Sige na, labas na mu a kayo. Magpapatawag nalang kami ng another meeting," si Eaton.
Lumabas na ang lahat at kami nalang ang natira. Sa inis ko kinuha ko lahat ng papel sa mesa tsaka ko tinapon sa basurahan. Why does everyone pissed me off lately?
"Sugar, kumalma ka nga. Parang hindi kita makilala."
Pabagsak akong umupo sa swivel chair. Inabutan niya ako ng tubig na agad ko namang ininom. Humila siya ng upuan para makaupo sa tabi ko.
"Ano ba talaga ang problema? You are not yourself lately."
"Iros," walang prenong sagot ko. I pressed my forehead para matanggal ang sakit doon. Para akong masusuka.
"May ebedensya ka ba na niloloko ka talaga?"
Umangat ang tingin ko. "I don't need it. Sa ginagawa niya pa lang enough na para sa akin na paniwalaan na may ginagawa siyang hindi maayos behind my back."
"Maybe praning ka lang."
I don't usually overthink without a reason pero lahat ng ginagawa ni Iros napapaisip ako. He is out of the country right now for a race. I understand that he is busy pero naiinis ako na nagagalit that he can't text me. Nagagawa nga niyang tumawag sa kung sino sa madaling araw tapos sa akin kahit isang text wala.
"You know me, hindi ako praning."
Nagkibit balikat siya. "Okay, sabihin na natin na may babae siya. What's next? Kasi hindi ko nakikita that you will break up on him."
Eaton is right, mahal ko si Iros and I will fight for him. Pero habang buhay na yata akong magdududa kapag napatunayan ko na may ginagawa siyang hindi maganda sa likuran ko.
"Mababaliw na ako."
Natahimik kami saglit nang pumasok si Cheska dala ang lunch namin. Napasandal lang ako sa upuan habang inaayos nilang dalawa ang pagkain sa mesa.
Napaismid ako nang may maamoy akong hindi maganda. I lean closer to the table tsaka ako napangiwi. "Amoy panis ang tuna, Cheska," puna ko kaagad.
Kunot noong nilapit ni Eaton ang ilong sa pagkain. "Hindi naman. It smells delicious pa nga."
I did the same thing he did. Inamoy ko rin at kaagad akong napaatras. It smells terrible na parang hinalukay ang tiyan ko. Nasusuka ako kaya mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo.
Pagbalik ko ay inalis na ni Cheska ang tuna sa mesa. Eaton is looking at me suspiciously, hindi ko na siya pinansin pa. Umupo ako at uminom muna ng tubig bago kumuha ng pagkain.
"Sugar, be honest. Are you pregnant?"
I took time swallowing my food. I already expected someone will notice sooner or later.