Ang bilis lumipas ng araw at taon. Nagising nalang ako at apat na taon na kaagad ang lumipas. I became very busy with my booming business kaya nawala sa isip ko ang ibang bagay.
I don't party anymore— I didn't even date a single guy for the past years.
"Hello, Isabela. Ang pretty mo talaga. Gusto mo bang maglakad sa runway like your mom?"
"I will not allow her."
"Ang kj kuya Sam, ha."
It's Sunday and day off. My fashion house became experimental with collections, may bags, shoes and kids collections na rin kami. But the kids apparel isn't lauched yet, and I want Kuya Sam's and Anika's first born to be it's face— she's my inaanak.
Kinalong ko si Isabela ang panganay nilang anak tsaka sinuklay ang buhok niya. She's so pretty, prettier than her mom.
"Huwag mo ng impluwensyahan ang anak ko," pangunguna ni Kuya Sam.
"Ang arte kuya. What's the use of your modeling agency?" pangangatwiran ko. "Gusto mo bang maging model gaya ng mommy mo Isabela?" baling ko sa anak niya.
"No, I want to be like daddy. A boss," seryosong sagot ni Isabela. Napangiwi ako. She's too serious.
"See? Kaya 'wag mo ng interesan anak ko."
Sumimangot ako. Sayang pala effort ko na gumawa ng kids apparel dahil para talaga 'yon kay Isabela. "Ang damot."
"Why don't you have your own kids and do whatever you please with them?" suhestiyon ni Kuya Sam. He started feeding Isabela some cookies.
"Wala nga akong boyfriend anak pa gusto mo."
"Oh I see, umaasa pa rin ba?" natatawang tanong niya.
"Kuya hindi nakakatawa mga joke mo."
"Bakit? Totoo naman 'di ba?" patuloy na tukso niya.
"Ah talaga? Nakalimutan mo na yata noong kayo ni Ani..."
"Fine, I'm sorry," suko niya bago ko pa ipaalala sa kanya ang mga ginawa ko para sa asawa niya noong panahong hindi sila okay na dalawa.
Lumabas si Anika na may dalang inumin. Pagkatapos niyang ilapag sa mesa ay kumandong siya kay Kuya Sam na sinimulang landiin ang balikat niya.
"Tapos na designs mo sa new lingerie collection?" tanong ni Anika habang hinahalay ni Kuya Sam ang mukha niya. He is so rude, nang-iinggit talaga.
"Almost done with it. Inaantay ko nalang ideas ng ibang designers."
"Ilang models nga kailangan d'on? May international booking kasi ibang models ko."
I open my phone to check at para na rin maalis ko ang tingin sa kanilang dalawa. "20 models, okay na ba 'yon?" tanong ko.
Nag-isip siya saglit. "I think I can only give you 18. I can walk in the runway naman with lingerie, okay naman sa 'yo 'di ba hubby?"
Humaba ang nguso ni Kuya Sam pero tumango rin naman. I envy Anika, she has a very supportive husband. Kung iba 'yan very possessive na wala naman sa lugar.
"Kulang pa ng isa. Ako na siguro bahala maghanap," sabi ko.
"Bakit hindi nalang ikaw? You can walk last. Revelation naman ang title ng collection, ah. A designer who walks her design." Anika is gesturing her hands like she made a very good idea.
"No way that I'll walk in lingerie," I immediately shoo away the idea.
"Bakit hindi? You are the PMHF founder, maganda ka and you're sexy. Use it," tulak pa lalo ni Anika sa 'kin.
Napasandal ako sa upuan nang bumigat ang ulo ni Isabela na nakahiga sa dibdib ko. She's already sleeping. Ang galing naman talaga, ginawa pa akong unan.
"I'll do it if wala na akong choice. Maraming model diyan."
Anika let it go, hindi naman niya itinulak talaga sa 'kin ang naiisip niya. Nakipaglaro pa ako sa twins nila nang magising ang mga ito sa nap time nila bago ko naisipang umuwi. It's really fun having kids around, para ko na rin tuloy naiisip na magkaanak.
Dumaan ako ng mall para bumili ng colored pencil para sa sketches ko. Papasok ako ng bookstore nang makita ko si Justin, tatalikod na sana ako para makaiwas nang makita niya ako at nagkasalubong pa talaga ang tingin namin.
"Saan punta? Tagal nating hindi nagkita, ah? Laging nasa bahay kuya mo eh," nakangiting usap niya.
"I'm busy kasi," pagdadahilan ko na sa totoo lang naman nahihiya ako sa pamilya nila. Natatakot ako sa grandpa nila. My last memory of him is when he aim a gun on me and Cali.
"Ah, balita ko nga," natatawang sabi niya. "Mamaya busy ka?"
"Ha? Ah hindi naman."
"Good. Punta ka sa bahay, birthday ni Lolo."
Natampal ko sa isip ko ang sarili. Bakit ko naman kasi sinabi na hindi ako busy, edi wala akong reason na tumanggi. Pero okay lang naman siguro? Wala naman siguro d'on si Iros, hindi na yata 'yon umuuwi rito sa Pilipinas.
"Pupunta ako kung pupunta si Kuya." Mananalangin nalang ako na hindi makakapunta si Kuya Seb mamaya. Ang awkward lang talaga ng lahat para sa 'kin.
"Pupunta 'yon hindi naman nawawala 'yon taon-taon."
Ngumiti nalang ako ng tipid. Nangangati na akong magpaalam sa kanya na mauuna ako pero ang dami pa niyang kwento.
"Saan ka ba? Samahan na kita tapos sabay nalang tayo punta sa bahay, okay sa 'yo?"
Hindi na nga ako tinantanan ni Justin. Nakabuntot lang siya sa 'kin habang namimili ako ng colored pencil. "Justin, bakit kayo nagbreak ni Remi?"
Natahimik siya sa tanong ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Mananahimik na ako 'wag mo nalang ulit itanong 'yan sa 'kin."
Ngumisi ako at tumango. Tahimik nalang siyang nakasunod sa 'kin ngayon, hawak niya ang small basket kung saan ko nilagay ang pinamili ko.
After sa mall ay dinaan niya ako sa bahay para makapag-ayos. Sa kotse siya naghintay kahit na sinabi ko na pwede siyang pumasok.
Nagmadali lang ako at baka ugatin siya kakahintay. Nagsuot lang ako ng simple shirt with shorts dahil backyard barbecue party lang naman daw at sila-sila lang.
"Saan punta mo bakit nagmamadali ka?" tanong ni Cali nang magkasalubong kami sa hagdan.
"Kina Justin, birthday ng Lolo nila."
"Justin pinsan ni Iros?" kunot noong tanong niya.
Tumango lang ako. Wala pa ring nagbago sa ritmo ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.
"Ah okay, edi kita nalang tayo d'on mamaya."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang braso niya bago pa man niya ako lagpasan. "Invited ka?"
"Oo, masama ba?"
Hindi naman sekreto na pamilya na ang turing nila kay Kuya Seb sa kabila ng lahat ng nangyari pero nagtaka lang ako na gan'on na rin kaclose sa kanila si Cali. Para akong walang alam sa mga nangyayari sa paligid ko.
Sa gitna ng byahe papunta sa bahay nina Justin dito sa metro ay bigla akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang gumugulo sa loob ko.
"Jus, kayo lang ba talaga bisita d'on? Okay lang ba suot ko?" nag-aalalang tanong ko. After ng ginawa ni Iros sa 'kin na pamamahiya nagkaroon ako ng trust issue sa pamilya niya. Natatakot ako na baka ipahiya rin nila ako. Mamaya niyan formal party pala 'yon.
Bahagya siyang lumingon sa 'kin bago nagpatuloy sa pagmaneho. "Tama lang 'yan. Alangan namang magsuot ka ng gown, barbecue party nga 'yon," tugon niya.
Pasimple akong huminga ng malalim ng ilang beses para kalmahin ang sarili ko. They will not gonna harm me, walang mangyayaring masama. Kuya will be there and also Cali. Everything will be alright.
Patuloy kong kinakalma ang sarili ko hanggang sa makarating kami.