65

258 9 1
                                    

Ilang araw na akong nanunuyo kay Paris, nakakatunog na nga ako na hindi nalang talaga tungkol kay Remi sa kung bakit siya galit sa akin. Kilala ko siya, at alam kong naiintindihan niya ang pagkakaibigan namin ni Remi.

"I'm busy, Iros."

"Babe naman. Anong petsa na galit ka pa rin sa akin?"

Napahampas siya sa mesa sabay tingin sa akin nang masama na ikinaatras ko. Pinindot niya ang intercom sa mesa niya na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Cheska, can you come inside my office? Palabasin mo nga ito si Iros, iniistorbo niya ang trabaho ko."

"Ha? O—opo Miss Paris. Coming na po."

Napanganga ako sa narinig mula sa kanya. Sa bahay ni ayaw niya akong hawakan siya, ayaw niya ring ihatid ko siya. Ultimo paghinga ko at pagtingin sa kanya kinaiinisan niya. Tapos ngayon inaaya ko lang siya ng lunch palalayasin niya ako? Iba na talaga 'to. Wala naman siguro siyang iba, ano?

"S—sir labas na po kayo. Ako po mawawalan ng trabaho," nakikiusap na si Cheska sa akin pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Wala na sa akin ang tingin ni Paris, bumalik na siya sa trabaho.

Umiinit ang ulo ko. Hindi ako galit sa kanya pero sa ginagawa niya, Oo.

Humakbang ako palapit sa desk niya. Sinubukan pa akong pigilan ni Cheska pero nang tignan ko siya ay yumuko lang din.

Umikot ako ng lakad hanggang sa tabi ni Paris. Tumigil siya sa ginagawa at umangat sa akin ang tingin, salubong pa rin ang kilay niya. Umiwas ako ng tingin bago pa ako manlambot na naman sa kagandahan niya.

"Give me some space, Iros. Nabibwisit ako sa 'yo."

Tinukod ko ang isang kamay sa mesa niya, hinawakan ko ang upuan niya at pinaikot paharap sa akin. Yumukod ako at nilapit ang mukha sa kanya. Napasandal siya sa upuan para ilayo ang mukha sa akin pero nilapit ko lang lalo ang mukha sa kanya.

"Kapag ako ang nabwisit, hindi ka na makakalakad mamaya," banta ko. "Bibigyan kita ng space para magtrabaho pero kapag umuwi ka mamaya at ganyan pa rin ang ugali mo hindi ka makakapagtrabaho ng isang linggo dahil malulumpo ka. Pinagpapasensyahan kita kasi mahal kita pero kapag sumusobra ka na dedisiplinahin kita. Nakuha mo?"

Hindi siya nakasagot. Ilang beses lang siyang napakurap bago dahan dahang tumango.

"Good," sabi ko tsaka hinalikan siya sa noo at inikot muli ang upuan niya paharap sa desk.

Nginitian ko lang si Cheska na mukhang hindi alam kung ano na ang gagawin.

Dumaan ako sa grocery store para bumili ng mga kailangan namin sa bahay. Tinawagan ko si Paris kung may mga gusto ba siyang ipabili, muntik pa akong matawa ng malakas sa lambing ng boses niya sa akin. Gusto pa palang pinagbabantaan.

"One last thing pala, boo, I want tomato juice."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ayaw na ayaw niya sa lasa n'on dati nang bumili ako ay pinagtatapon niya lahat sa basurahan tapos biglang ngayon gusto na naman?

"Akala ko ba ayaw mo sa lasa n'on?"

Natahimik siya saglit. May sinasabi siya pero sobrang hina na hindi ko maintindihan.

"Babe?"

"Just buy it. It's for Irene."

Napataas ang kilay ko. Nasa Davao si ate, dumalaw saglit kina Lolo. Nagdududa ako sa tunay na dahilan pero hinayaan ko na. Siguro gan'on talaga ang babae, araw-araw nag-iiba ng isip.

Pag-uwi ko ay naglinis lang ako ng kwarto namin. Dinala ko na rin sa laundry shop ang mga labahin namin. Wala akong magawa buong maghapon na ginusto ko na namang puntahan at kulitin si Paris pero nagpigil ako. Kailagan niya raw ng space kaya sige, pagbibigyan.

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon