34

342 10 2
                                    

PARIS

I move back to Auntie Elena's house after Kuya's attempted suicide pero bumalik din ako sa bahay ni Daddy nang magdesisyon si Auntie na dalhin si Kuya sa US para doon ipagamot.

"Denise, fix your things naman. Hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil sa kalat."

"Ikaw gumawa, ikaw nakaisip 'di ba?"

Napahinga ako ng malalim. Dalawa lang ang kwarto sa bahay ni daddy kaya I don't have a choice but share a room with Denise. I want to know her better pero hindi kami magkasundo dahil sa init ng dugo niya sa akin palagi. She is like someone I used to know, galit sa akin kahit maayos naman pakikitungo ko.

I started putting her things where should it be. Inayos ko rin ang closet niya habang siya nakadapa sa higaan at panay cellphone.

"You have a boyfriend?" nababahalang ani ko when I saw her chatting with someone.

Tinago niya ang cellphone niya tsaka niya ako sinamaan ng tingin. "You're reading my messages. Stop doing that. Privacy!" she said on the verge of being hysterical.

"I wasn't. Nasulyapan ko lang. And besides alam ba ni daddy na may boyfriend ka na? You are practically a kid."

She rolled her eyes. "Hindi ko pa siya boyfriend. Tsaka what is it to you ba? 16 na ako, allowed na akong magboyfriend."

"I'm gonna tell dad," banta ko.

Mabilis siyang tumayo at humarang sa pinto. Kinuha niya ang cellphone at pinaharap sa akin. "He's just asking about some assignment. See?"

Napataas ang kilay ko. She's always grumpy but talking with the guy ay parang ang colorful ng personality niya. "You like him," I concluded.

"Bakit bawal? Ikaw rin naman you like Iros."

Napaiwas ako ng tingin. Cali and Karina always reminded me of Iros, lagi nilang sinasali sa usapan kaya nga ako umuwi na rin dito kay Daddy pero itong si Denise hobby rin na pampatahimik sa akin si Iros.

"Don't tell him na gusto mo siya, he will take advantage of that," I advised her kesa pansinin ang comment niya about sa lalaking kinakalimutan ko na.

"If it happened to you doesn't mean it will also happen to me," dahilan niya bago bumalik sa pagkakahilata.

Kesa pumatol ay lumabas nalang ako. Even though wala naman akong kasalanan naiintindihan ko ang galit ni Denise sa akin, she's dad's child to a stripper nang bumalik siya sa Pinas. Denise is thinking it's unfair na ang nanay ko ay minahal ni daddy.

"Daddy, what are you doing? Magpahinga ka nga."

Inawat ko si daddy sa ginagawa niyang pag-aayos ng kalat sa sala. Tita Paula is back in the US, her family also needs her. Tinapos niya lang talaga ang lung surgery ni daddy.

"I feel fine, anak. Hayaan mo akong gumalaw rito. Alam mo naman ang kapatid mo, she's lazy. Ayaw naman kitang nakikitang ginagawa lahat dito sa bahay."

Pinaupo ko siya sa sofa tsaka ko kinuha ang hawak niyang feather duster. "Dad you need to rest. Narinig mo naman ang advice ng doctor 'di ba? You're still healing. Let me handle everything."

Dad is still under medications, kaya hindi ko rin sila maiwan ni Denise. I work from home, hinayaan ko muna si Cheska to take over. And Anika is also helping her.

"Anak naman. Ikaw na nga nagbabayad lahat dito sa bahay. I don't want you to think na kaya ako lumapit sa 'yo because I only need you."

"Dad hindi ko iniisip 'yan. I'm glad you are back and I don't want you away again kaya makinig ka sakin para lumakas ka."

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon