We haven't talk about him going back to the race again pero laging pumupunta si Art sa bahay. They are talking about his comeback race. Nadalaw na rin siya ng team manager nila.
May tampo ako but I am doing my best not to be selfish minded. He thought that racing is one of his purpose in life, I don't want to take that away from him.
"I love you," he told me while I am organizing our baby's things sa walk-in.
He is leaning on the walk-in door. Nakakrus ang mga braso niya habang mahaba ang nguso. Mukhang kanina pa siya nakatayo doon na hindi ko lang napapansin.
"Hindi ka pa nakakapagbihis. Late ka na," sa halip ay sagot ko. He has a hearing regarding with his homicide case ngayong araw. His alibis are decent tsaka ang evidence against him ay sobrang hina. There's a large amount of chance na abswelto siya kaya wala akong kaba.
And I trust Kuya Seb and Kuya Sam that they are doing everything to help Iros.
"Hindi ka sasama?"
"Hindi na. Mukhang kaya mo naman na since you can decide other major things na gusto mo sa buhay mo."
He sigh. "Babe naman. Nandiyan pa rin ba tayo? Alam mo namang importante sa akin ang sasabihin mo. Pinapakinggan naman kita, sinasabi ko lang din sa 'yo ang side ko kung bakit ayaw kong bitawan ang karera," tanggol niya sa sarili.
I am putting baby coats on a hanger rack kaya nakatalikod ako sa kanya. He suddenly hug me from behind tsaka niya hinalikan ang batok ko.
"Stop it!" suway ko.
He did it again for the second time kaya tinulak ko na ang mukha niya palayo. Hinarap ko siya tsaka sinamaan ng tingin.
"Nagtatampo ka pa rin talaga? Sige na nga para matapos na 'to kung ayaw mo..."
"Whatever makes you happy nga ang sabi ko 'di ba? Go back to racing if you want."
Nagbuntong hinga siya. Kinuha niya sa kamay ko ang hanger tsaka siya ang nag-ayos ng mga coats.
"Alam mo naman na kung may nagpapasaya sa akin, ikaw 'yon," salita niya habang hindi nakatingin sa akin. "Iba naman kasi ang lugar ng karera sa buhay ko."
I was about to open my mouth to respond nang may kumatok sa pinto namin. He hesistantly walk out. Sumilip ako kung sino to know it's only Art. Napabuga nalang ako ng hangin.
"Babe, ayaw mo talaga sumama? Kailangan kita doon," he try to convince me nang matapos na siyang makapagbihis at ako nakahilata lang sa kama habang nanunuod ng latest show ng company live from Singapore.
"I already said no. Ano bang malabo doon?" pagsusungit ko while not taking my eyes away from the phone.
He took a deep breath tsaka niya ako hinalikan sa pisngi at tahimik lang na lumabas na. I feel a little guilty nang makaalis na siya kaya kesa magmukmok lang naman sa bahay ay inaya ko si Denise na samahan akong pumunta sa hearing.
"Kuya looks like he is stress of something," puna ni Denise when Iros was called for cross examination.
Nakaupo kami sa pinakasulok sa likod na part ng korte kaya nang inikot ni Iros ang tingin niya ay hindi niya kami nakita. He sigh before repeating the witness pledge. Sinasalaysay niya ang mga ginawa niya during the day ng assumed death ng stalker ko.
Iros is talking straight and sounds so relax pero ang itsura niya ay hindi maipinta. His brows are furrowed at panay irap siya sa mga paulit ulit na tanong sa kanya ng prosecutor.
The court had a quick recess tsaka bumalik ang judge for the sentence. I started praying. Today will determine if Iros will be convicted or not.
"I sentenced Iros San Jose in the homicide case of George Advincula not guilty."