36

323 14 4
                                    

Paris

Binisita kaagad ako ni Dylan kahapon at nang bumalik siya nitong umaga ay may maganda na siyang balita na dala. Nahuli na nila ang stalker ko. Dylan suggested that I open a case. But it wasn't my concern, bumagsak ako sa hospital not because I am worried about myself pero sa mga taong naapektohan sa kapabayaan ko.


Sana mas naging maingat ako. Sana hindi ako nagpabaya. Sana nang mapansin ni Cali na-weird na pinapadalhan na ako sa bahay ay umaksyon na kaagad ako.


"Are you sure restraining order lang ibibigay mo sa kanya? He cause enough trouble for you."


"Wala namang nangyari sa akin, Dy. The important thing is lahat ng files na-recover mula sa kanya."


Na-confiscate ng authority sa mismong apartment ng stalker lahat ng pictures ko, and the footage of me and Iros having sex. Cali took care of it personally. He made sure it was all destroyed. Nakahinga ako ng maluwag.


"He's a freak. Delekado siya sa 'yo."


I massage my arms na namanhid sa kakahiga rito sa hospital. I want to go home pero inaayos pa ni Cali ang pagpapalagay ng mataas na bakod pati security cameras around dad's house.


"He can't come close na. May restraining na, siguro naman takot na siyang makulong."


Naawa rin naman ako because I found out he's the only person his mom has. Kawawa naman, tsaka I consider my staff's opinion, ayon kay Cheska the other gifts are already burnt down. Walang nasaktan, that's the most important thing.


"Okay, if that's what make you happy."



Inabot ko ang kamay ni Dylan. I pull him for a hug. Kahit sa ganito manlang maparamdam ko sa kanya that I am very much thankful.


Muntik ng malaglag ang puso ko nang malakas na bumukas ang pinto. Napahiwalay si Dylan sa pagkakayakap sa akin at tumayo sa uluhan ko.


"A—anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa bagong dating. 


Salubong ang kilay ni Iros, namamawis ang noo niya at ilang beses na napalunok ng marahas. He is pissed off. It's obvious on the way his jaw moves and eyes shifted from me to Dylan. Nakasunod sa kanya si Denise na hinila ulit siya palabas pero wala ring nagawa.


Tinignan niya ng masama si Dylan bago bumaling sa akin. "Ang galing mo rin 'no? May paiyak-iyak ka pa sa harap ko, may pa sabi ka pa na mahal mo ako tapos ang lakas mo naman palang makipaglandian at sa hospital pa?" nahahapo niyang bulyaw.


"She's not feeling well, bro. Umalis ka na muna," si Dylan ang sumagot.


Humakbang si Dylan papunta sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Tinabig iyon ni Iros.


"Huwag mo akong tawaging bro hindi kita ka ano-ano. Tsaka 'wag mo akong mahawakan baka 'di kita matantsa."


"I'm just telling you to calm down. We are at the hospital."


"At sino ka sa akala mo?"


Hindi sumagot si Dylan, nagkatinginan lang silang dalawa. Gumalaw ang bodyguard ni Dylan kaya nagmadali akong tumayo at tinanggal ang swero. Shit. It hurts. Hinawakan ko gamit ang isa kong kamay ang pinagmulan ng swero na dumugo tsaka pumagitna sa kanila.


Hinarap ko si Iros habang sa likuran ko si Dylan.



"May kailangan ka ba?" mahinahong tanong ko sa kanya. We already ended what we have, para saan pa na pumunta siya? Wala siyang naging pakialam sa akin bakit ngayon bigla na naman siyang aarte ng ganito?


Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon