73

175 7 0
                                    

Paris

Mula sa labas ng bintana ay napalingon ako nang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutuluyan ko. It's been days since we arrived in Japan. Balita ko ay nakalabas na nga si Iros.

Mom smiles at me when our eyes met, I didn't smile back. All I can feel towards mommy is hatred. She failed her duty as a mother, she failed on protecting me.

"Pwede manlang ba akong tumawag sa Pinas?" I asked her. Simula nang dumating kami rito ay kinuhanan nila ako ng cellphone at kahit anong device na pwede akong makacontact kahit kanino.

Nilapag niya ang pagkain sa side table tsaka lumapit sa akin. She caress my face na kaagad kong iniwasan. I couldn't look at her without feeling disgusted.

Napapatanong ako sa kung bakit at paano niya nakakayanan na ganitohin ako.

"Anak, you'll be happy here. Hindi ka nagkamali sa naging desisyon mo."

Umupo ako sa higaan tsaka ako nagpanggap na wala siya. It is only waste of energy na kausapin pa siya.

"Paris forget about that boy. It is just a phase. Kapag tumagal tagal ay maiintindihan mo na kung bakit ayaw ko sa kanya."

Humiga ako patalikod sa kanya. She is a bad person, a selfish mother. I don't want to be like her. Hinayaan ko na kumawala ang luha mula sa mga mata ko. Ang isiping sinusumpa na ako ni Iros ngayon ang nagpapanatili sa aking gising sa bawat gabi.

Umupo siya sa likuran ko. Sinimulan niyang hagurin ang balikat ko. It doesn't lift any burden, mas dumagdag lang ang sama ng loob ko.

"We can share Kito. He will provide everything for us."

Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. I am trying to have more patience. I am trying my best not to be more like her pero talagang gusto niyang putulin ang huling hibla ng pasensya ko.

Umalis ako sa higaan at lumapit sa pinto. I opened it. "Labas!" I shouted at her.

Dahan dahan pa siyang tumayo at muling lamapit sa akin. "There's nothing wrong with what I said Paris."

Muli kong sinara ang pinto ng pabagsak. Tinuro ko siya. "Are you nuts, mom? Lahat ng sinabi mo mali! I am your daughter. Paano mo nakakayang gawin sa akin 'to?! This here," dinuro ko ang tiyan ko. "Inside me is your grandchild. Dugo't laman mo rin. But it is okay with you na patayin dahil sa kagustohan ng asawa mo."

Napahawak ako sa pader matapos kong magsalita. I feel so tired and sick. Araw-araw akong natatakot na baka oras na para ipalaglag ni Kito ang bata sa loob ko. I am merely holding up. I don't know when will be the time I will lost my child.

"I don't have anything, Paris. Si Kito lang ang meron ako."

"No, mommy. You had me. But you choose to use me and you want to keep using me para lang sa karangyaan na binibigay sa 'yo ni Kito," may hinanakit na sumbat ko sa kanya.

"Walang wala ako, Paris. When mom died ako lang ang hindi niya iniwanan ng family heirloom. I don't even have a piece of the family stone. People barely recognize me as one of the Enriquez. Mabuti pa nga si Elena, sampid lang siya but she was always one of the family." She wiped the tears na hindi pa tuluyang tumutulo. Wala akong masabi maliban sa tignan lang siya. I want to sympathize with her but I can't find it inside my heart; all I understand is she is greedy and selfish. "Kuya had everything, the construction firm, the resorts, everything. Si Caleesa, siya ang paborito ni daddy, kung hindi lang siya naloka sa pagmamahal sa kanya lahat mapupunta. At ano ang matitira sa akin? Wala. Mabuti pa nga ang Auntie Karmina mo, she's just dad's niece pero may iniwan mismo si daddy sa kanya. Kaya hindi mo ako masisi Paris, si Kito ang nagbigay sa akin ng lahat."

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon