31

339 12 5
                                    

Ilang gabi pa ulit akong nagpalubog sa alak. Walang saysay ang buhay ko kapag hindi ako nakakapagkarera. Parang hindi ko alam ang dapat ko na gawin. Wala akong magawa, nakakabagot— nakakapag-isip ako ng mga bagay na kahit sa panaginip ayaw kong tanggapin.

Nakakaputangina!

Kapag lasing ako dinadalaw ako ng ala-ala ni Paris, kapag walang alak ang katawan ko nangungulila rin ako sa kanya.

Para akong nahulog sa bangin na walang katapusan. Pakiramdam ko anumang oras magmamakaawa na ako at maghahabol. Tanginang Callum 'yon. Sinumpa yata ako. Nagkatotoo ang banta niya, talagang nawawala ako sa katinuan simula nang makita kong nasaktan si Paris ng matindi mula sa akin.

May kani-kanilang buhay na dapat itaguyod ang mga kaibigan ko kaya umuwi ako sa amin, nagbabakasakali na baka pwede akong masamahan ng mga pinsan ko sa walang kakulay-kulay na buhay ko.


"Tara inom!" sigaw ko kaagad mula sa gate. Hindi ko mapasok kotse dahil may dalawang kotse na nakaharang sa daan.


"Oh nandito pala si Iros. Sama ka, tagaytay tayo!" Sinalubong ako ni Kuya Justin tsaka inakbayan papasok sa garahe ni Kuya Art.


Sinamaan ko ng tingin si Sebastian na prenteng nakaupo sa tabi ni Kuya Art. Nagdala pa ng isang asungot. "Anong ginagawa ng mga 'to dito?" tanong ko kay Kuya Justin sabay turo sa pagmumukha ng dalawang hindi ko magustohan. Walang pakialam si Sebastian sa ginawa ko pero mukhang napikon ko si Callum. Tatayo sana siya pero pinigilan siya ni Sebastian, duwag din talaga. Siya may kasalanan bakit ganito pakiramdam ko ngayon. Kung sana hindi niya pinakialaman ang ate ko, ni hindi ko iisipin na gagonin din ang pinsan niya.


Edi masaya sana ako ngayon, walang konsensya na humahabol— walang pangungulila.


"Punta nga tayong tagaytay. May drag race. Mga bagong salta galing Iloilo. Turuan lang natin ng leksyon."


Nawala na ako sa inis ko kay Sebastian, lumaki na ang tenga ko sa narinig. "Ako magdadrive."


"Ops! Bawal ka! Kapag navideohan ka patay tayo sa management," pigil kaagad ni Kuya Art sa akin.


"Eh sinong lalaban?"


"Si Cali," sagot ni Sebastian.


Tinignan ko nga mula ulo hanggang paa si Callum tsaka ako tumawa ng nasusuya. "pang hinihintay natin dito? Umalis na tayo nang makapagpusta na ako sa kalaban."


"Kuya pigilan mo ako, namunuro na 'yang bayaw mo kanina pa," sabat ni Callum pero masyado akong excited na makaalis kaya nauna akong lumabas at hindi na pumatol.


Sabay si Kuya Justin kay Kuya Art, si Sebastian naman kasama si Callum kaya mag-isa lang ako sa sasakyan. Sinubukan kong tawagan at ayain si Remi pero mura lang ang natanggap ko.



Nasa hulihan ako at nakasunod lang sa sasakyan ni Kuya Art kaya nang lumiko sila sa isang looban ay sumunod din ako. Pumarada sila sa tapat ng isang bahay tsaka bumaba kaya nakigaya rin ako.


"Akala ko ba tagaytay?" reklamo ko kay Kuya Justin.


"May sasabay sa atin," nakangising sagot niya.


Lumingon ako ng bumukas ang pinto ng bahay. Napalunok ako nang makita ko si Paris na lumabas kasama ang isang babae na kamukha niya.


Ilang linggo na nang huling kita namin, at hindi naging maganda ang araw na 'yon para sa amin. Habang naglalakad siya ay hindi ko maalis ang titig sa kanya. May nagbago— hindi pa kami nakakapag-usap pero alam ko na kaagad na meron.

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon