I am on the edge of being depressed but I kept myself sane para sa bata na nasa loob ng sinapupunan ko. Mag-isa lang ako sa apartment ni Cali sa New York, dumagdag sa lungkot ko na hindi makatawag sa Pinas ang katotohanan na nasa New York lang din si Denise at Daddy pero hindi ko sila magawang puntahan.
I need to follow Cali's order not to have contact with anyone. Kito is a dangerous man. Kailangan munang siguradohin na nabubulok siya sa kulongan bago ako bumalik ng Pinas.
"Are you cold, love? Kumusta na kaya si daddy? Gusto mo na ba siyang makita? I miss him so much." Kinakausap ko ang anak ko. It's already been months since I manage to escape Kito and Mylene. Dumaan na rin ang pasko at bagong taon. I feel so alone. "I miss your dad."
Tumayo ako mula sa balcony at pumasok papunta sa kwarto bago pa man ako maiyak. Naupo ako sa paanan ng higaan. There is nothing I could do here. Para akong nakakulong.
There's a tv and laptop where I can kill some time pero hindi ko magawang buksan. I am scared of listening to any news. Natatakot ako that there will ever be any article about any of my family or Iros.
Kinuha ko nalang ang sketchpad at nagsimulang gumuhit ng damit para sa anak namin ni Iros. This is the only past time na nagagawa ko rito. I couldn't even bare being outside for too long, natatakot ako na baka may makakita sa akin at ibalik ako sa Japan.
I got bored and sleepy after few hours of sketching kaya natulog na rin ako. Paggising ko ay gabing gabi na kaya umorder nalang ako ng pagkain. I made sure to drink my milk and vitamins before going back to bed again.
The next day ay kakatapos ko lang maligo nang tumunog ang doorbell ng apartment. Nagkaroon pa ako ng discussion sa sarili ko kung bubuksan ko ba. Wala akong inaasahang delivery o bisita kaya medyo may takot ako.
But I need to be brave. Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto. Kung hindi lang ako buntis ay baka napatalon na ako sa tuwa na makita si Cali. I immediately throw myself to him and hug him.
"I thought you are never coming. Akala ko may masama ng nangyari sa 'yo."
Hinawakan niya ako sa likuran tsaka iginiya sa loob. Pinaupo niya ako sa sofa tsaka rin siya naupo sa tabi ko. Cali doesn't seem excited or happy.
"Cali may nangyari ba? Hindi ba nahuli si Kito? Nakulong ba si Iros? Cali, tell me something. Kinakabahan ako."
He put his hand above my hand. "The interpol already handled Kito. Your mom stays in Japan, wala naman siya halos magagawa dahil kinumpiska ng government lahat ng meron ang Kito na 'yon."
"Then why you look so worried? I want to go home, Cali. Gusto ko ng makita si Iros. He needs to know our baby is alive."
He bites his lip and look away. Something happened back home, sigurado ako doon.
"Cali..."
"Pa, fix your things. I am bringing you home."
We used Kuya Sam's private airplane kaya mabilis kaming nakarating ng Pinas ni Cali. He is so quiet the entire flight that made me overthink more.
"Sa bahay ka na muna. Auntie Elena wants to see you."
Madaling araw kami nakarating kaya naintindihan ko naman na hindi niya ako ihahatid kaagad sa bahay namin ni Iros. Magugulat lang 'yon at baka hindi maganda ang kahihinatnan.
Sinalubong ako ni Auntie Elena at ni Kuya Seb nang marating ko na ang bahay nila. Yumukod pa si Kuya para himasin ang tiyan ko.
"Hi there, pumpkin pie. Are you a boy or a girl?" kausap ni Kuya sa tiyan ko na parang sasagot iyon.