Kahit nasa Pinas na si Dylan ay nagkakausap pa rin kami. He's been keeping me up with what is going on there.
Eaton is putting malice on my friendship with Dylan. Even mom thinks that something is going on already.
Not that I'm not moved on yet with that man I admire before pero talagang ayaw ko na masira kami ni Dylan kapag hinaluan namin ng romantic feelings ang relationship namin.
"Kainis, iiwan mo na naman ako," maktol ni Eaton. He wiped his fake tears and hug me for the second time.
My program is done. Uuwi na ako sa Pinas to start with my planned business. Gusto ko rin humabol sa birthday ni Kuya Seb.
"Ang arte, uuwi ka rin naman."
Pinapauwi na siya ng daddy niya, and Eaton plans to admit his true sexuality. Nanawa na siguro siya na magpanggap bilang Adonis kahit na ang totoo ay gusto niyang maging si Aphrodite.
"Can't you give me a moment na magdrama? Ang kj mo palibhasa magkikita kayo ni Dylan sa Pinas," he said while rolling his eyes.
"Stop simping over him. Ang bait ni Dylan para pagnasaan mo."
"Bakod na bakod, ha." Ayan na naman si Eaton sa paglagay ng malisya sa mga sinasabi ko pero gaya palagi tahimik lang ako. Bahala siyang isipin kung ano ang gusto niyang isipin.
It's better that he teases me with Dylan kesa doon sa isa.
"Whatever you say," sabi ko nalang at nagpatuloy sa pag-empake ng gamit ko.
"I'll bet my leg pag-uwi ko namumukadkad na ang lovelife mo."
Sinara ko ang luggage ko tsaka ko binaba sa kama. Tumayo ako at namewang sa harap ni Eaton. "I'll bet my leg itatali ka patiwarik ng daddy mo pag-uwi mo."
He gasp in horror. Napatakip pa talaga sa bibig niya habang namimilog ang mga mata. Sayang, I didn't catch it on record.
"Grabe ka sa 'kin, sugar!" maktol niya na parang tinraidor ko siya.
I laugh low and kiss both of his cheeks. "Ang lovelife ko kasi pinoproblema mo. Sige na, I'll be late sa flight."
Nagyakapan muli kami bago niya ako ihatid sa airport. Mahabang byahe na naman pauwi.
I was gone for a small period of time but I feel like a new person. Napatawad ko na si Iros sa pamamahiya niya sa akin, napatawad ko na rin ang sarili ko na lubos ko siyang minahal.
I moved on.
Marami akong energy paglapag ng eroplano. I sleep the whole flight. Wala akong sinabihan tungkol sa pag-uwi ko maliban kay Dylan na busy rin sa kampanya niya kaya hindi ako nasundo.
Dumaan ako sa cafe malapit sa airport. Nagutom ako bigla. I am savoring my mango shake and chicken salad when a group of loud men enter the vicinity. Sa ingay nila lahat napalingon kasama na ako.
I almost drop my heart to the floor when I saw the last man that entered. Nanikip ang puso ko. Para akong sinasakal.
"Libre mo na lahat, ha. Magpainom ka rin mamaya. Qualified ka na, eh. NASCAR 'yon!" His friends tease him and he cockily shake his head.
"Qualified lang, hindi naman ganoon kahirap."
His face didn't change— he only matures. He still has his messy curly hair. Hindi na gaanong malaki ang katawan niya, he lost few pounds but he still has his strong arms and defined shoulders. Pumayat siya tignan dahil sa tumangkad lalo.
He became darker; his skin and his aura. I wonder what is his life now.
"Kailan daw unang laban mo bro?" it is his bestfriend Kyle who asked.
"Matagal pa pero may training na ako next week. Kaya hindi ko na makikita mga pagmumukha niyo," maangas niyang sagot nang makaupo sila sa mesa na nasa tabi lang ng akin.
I am totally eavesdropping with their conversation. Hindi ko na maubos ang pagkain ko. Napatingin sa gawi ko si Kyle at naglaho ang ngiti sa labi niya. Napatingin siya saglit kay Iros at bumalik ang tingin sa 'kin. Nagsusumamo ako nang magsalubong ang tingin namin. I silently plead na 'wag niyang sabihin kay Iros na andito ako.
He was there when Iros shamed me. They're friends and I know Kyle for being kind-hearted.
He sigh at umakto na hindi niya ako nakita. Tumayo na ako at hinila ang luggage ko palabas bago pa ako makita ni Iros.
Tumigil ako sa paglalakad sa gilid ng cafe. Nang tago na ako sa dumaraan ay napaupo ako sa lapag. Napayakap ako sa sarili ko. Bakit ang sakit pa rin?
I thought I already moved on? Then why I am still hurt?
Matagal na 'yon pero bumalik sa 'kin ang lahat. Kung gaano niya pinaramdam sa 'kin na mahalaga ako sa sandaling panahon hanggang sa gabing pinamukha niya sa 'kin na kahit kailan hindi niya maibabalik ang pagtingin ko sa kanya.
Nanlabo ang mata ko nang magsimulang magsibagsakan ang mga luha ko. Bakit ba ang hirap makamove-on sa kanya? Hindi naman naging kami, ah.
Matapos kong maibuhos ang kalahati ng sakit ay umuwi na ako. Si Auntie Elena lang ang tao sa bahay. Busy sa trabaho si Cali at Kuya.
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana sinundo kita at hindi ko na pinapasok sa trabaho si Sebastian at Cali."
"Ayaw ko din po makaistorbo, Auntie. Tsaka namiss ko ang Pinas kaya may dinaanan din ako kanina."
Tumango-tango siya tsaka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko. She's taking care of me like I am her long lost child. This is what I miss here— home.
"Nga pala, nakwento sa 'kin ng mommy mo that you are dating someone. Is he french?"
Napakamot ako sa kilay ko. Hanggang dito talaga naibalita na ni Mommy ang maling iniisip niya.
"Wala po, Auntie. Dylan is just a friend."
"Sinong Dylan? French nga?" pangungulit ni Auntie.
"Hindi po. He's the youngest son of the President."
Nanlaki ang mga mata niya. Pinagsuklob niya ang dalawang palad na tila na-excite siya sa narinig.
"Cuevas? You're so lucky kung gan'on. Hindi ba he is also running for congress? Ang bait na bata n'on. I met him couple of times na."
I mentally face palmed. Auntie also disregard the fact na sinabi kong magkaibigan lang kami ni Dylan. Bakit ba tinutulak nila ako sa kanya?
"You should invite him here. Let's organize your welcome home party. Invite many friends as you can, ako na ang bahala."
Auntie excitedly planned a party. Tumawag na nga siya sa organizer na kakilala. Tahimik lang ako at hindi na siya pinigilan. Auntie is the type of person who will make an excuse to host a party. That's her happiness.
"Aakyat na po ako, Auntie. Inaantok na ako," pagpapaalam ko bago pa niya maisipang gawing engagement party ko ang welcoming party.
"Sure, sure. Ako na bahala sa party mo but don't forget na imbitahan si Dylan, okay?"
Tumango lang ako at umakyat na. I locked the door before treating myself for a bubble bath. I relaxed my mind habang nasa tub ako pero bumalik lang ang lahat ng nangyari kanina.
I am not sure if he really didn't see me o pinanindigan na talaga niya na hindi niya ako kilala. Nasa likuran niya lang ako, dumaan din ako sa tabi niya.
Para akong sinuntok ng katotohanan na mas lumalim lang ang pagkagusto ko at hindi nabawasan. It is unfair with myself, ang daya na pinapahirapan ko ang sarili ko para sa lalaking ayaw nga sa 'kin.
Huminga ako ng malalim. Will it be a bad idea to start dating Dylan?