57

255 9 0
                                    

Dumeretso kami ni Iros sa mall. Magaan ang usapan namin habang naglalakad pero hindi pa nalipasan ng ilang minuto kaming nakapasok ay parang nag-iba ulit siya. Salubong ang kilay at parang galit sa mundo.


"Kanina ka pa. Ano ba talaga ang problema?"


Kanina pa kami palakad-lakad na dalawa sa loob ng mall. Wala naman kaming nabibili kasi siya panay sabing ako na bahala— lahat maganda.


This is what I'm telling him kanina na dapat si Denise ang kasama ko because he will just get bored. Ramdam ko na hinihila nalang niya ang sarili.



"Wala."



Anong wala? Kanina pa mahaba ang nguso niya. Sa loob ng isang araw nakapalit na yata siya ng sampung ugali. I don't understand him today.




"Whatever, Iros. Umuwi ka na nga, hindi kita need dito kung ganyan ka. I'll just call Eaton."



Sumalubong lalo ang kilay niya. Bumuka ang labi niya pero hindi ko masyado narinig ang sinasabi niya. Is he swearing on me? Nagseselos parin ba siya kay Eaton?



"Ayaw, kasama n'on asungot na Dylan eh" mahabang nguso niyang sabi.



Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya hinarap. Bakit parang mas cute naman siya ngayon? Scratch that. Ang hirap mainis minsan kay Iros, mabilis akong madistract sa mukha niya.



"What's bothering you? Is there anything that I can help with?"


He pull me into a hug. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. I can feel his breathing on my neck. "Ang sexy mo kasi. Nakakainis kanina ka pa pinagtitinginan. They can see your bellybutton, your cleavage. You're showing too much skin. Akala ko ba akin lang 'yan lahat? Bakit naman kasi nakadisplay?"



Tinulak ko siya palayo para magtama ang mga paningin namin. "Seryoso ba 'yan? Kailan ka pa nagkaroon ng sabi sa sinusuot ko? I've been dressing up like this since ever. I didn't hear you said a thing as long as I can remember."


Humaba lalo ang nguso niya. "Matagal na, hindi ko lang pinapahalata kasi alam mo na. Pero basta, nakakainis 'yan suot mo. Okay lang naman pero ewan nakakainis."



Is he saying naiinis na siya dati pa sa suotan ko pero wala siyang sinasabi kasi mas iniisip niya kung paano ako saktan?


"Ang sexy mo. Nakakaproud na nakakainis," dugtong niya tsaka ako pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo. "Ang sarap takpan ng mukha mo. Bakit ang ganda mo lalo ngayon?"


Matatawa ba ako, o kikiligin nalang?



Hinawakan niya ang laylayan ng mini top ko tsaka iyon hinila pababa pero nang mas lumabas naman ang dibdib ko ay hinatak ulit niya pataas.


"Nakakainis na," salita niya ulit. "Ayaw ko naman na makaramdam ng ganito, ayaw naman kitang pagbawalan pero alam mo 'yon ang utak ng mga nakakasalubong natin alam na alam ko na napapalingon sila sa 'yo at may kabastosan na iniisip."



Natawa ako ng bahagya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat tsaka siya hinalikan ng mabilis sa labi.



"I'm all yours. Hanggang tingin lang 'yan sila."



He became more cooperative after. May suggestions na rin siya nang pumunta kami sa home appliance section. Bibili kami ng iba pang gamit sa bahay para makumpleto na.



"I'll pay," inunahan ko na siya sa paglapag ng card sa harap ng cashier pero mabilis niyang kinuha ang card ko tsaka binalik sa akin. He pay with cash na napanganga ako. "You always have that wad of cash in your pocket?"


Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon