Praning na kung praning pero lahat ng sulok ng bahay pinalagyan ko ng CCTV. Kulang na nga lang maghire ako ng security guard pero wala rin akong tiwala sa mga taong hindi ko naman kilala.
Makapagyarihan ang Kito na 'yon, mga illegal ang mga gawain niya. Mamayang hapon ang dating nilang mag-asawa at may family dinner kaagad sila. Hindi ako pwedeng maging kampante. Isang lingat ko lang ay baka mawala sa akin ang pinakamamahal ko.
Si Paris lang ang imbetado sa family dinner pero hindi ko hahayaan na maiwan siya kasama ang dalawang 'yon kahit pa sabihing nandoon din si Callum. Makapal na ang mukha kung makapal, basta ay pupunta rin ako.
"Are you okay, boo? Nanginginig ka."
Napatingin ako sa kamay ko. Nakakuyom ang palad ko habang nanginginig nga talaga pati ang braso ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ito dahil sa takot, nanginginig ang katawan ko sa pagpipigil ng galit.
Naglalakad na kami papasok sa hotel restaurant kung saan ang dinner. Nakikita ko na sa glass window ang mag-asawa pati si Callum at iba pang pamilya nila. Binagalan ko lalo ang paglalakad, sinusubukan kong kumalma.
"Boo, don't be scared. Hindi mo kailangan na magustohan nila."
Wala talagang alam ang mahal ko. Hinawi ko siya palapit lalo tsaka ko hinalikan ang gilid ng ulo niya. "Mahal na mahal kita," bulong ko.
"I love you also, boo."
Pagpasok namin ay kaagad nagtikis ang tingin namin ni Kito. Bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unti na nanilim ang paningin ko. Isang maling galaw lang talaga at malilintikan siya.
"Calm down, dude. Not here. Wala kang panama sa mga tao niyan na nasa labas."
Hindi pa naalis ang tingin ko kung hindi ako inakbayan ni Callum. Hinanap ng tingin ko si Paris, hinahalikan niya na sa pisngi ang nanay niya. Gusto ko siyang hilahin at itago pero tama si Callum, hindi ako pwedeng umeksena rito. Malilito si Paris. Magugulo ang utak niya, baka ako pa ang bumaliktad.
"Everyone, I want you to meet my boyfriend. Iros San Jose."
Pinakilala niya ako sa ibang tiyahin niya at pinsan. Maayos naman silang lahat na kinilala ako pero ang mga mata ko hindi ko inaalis sa step father niya. Ayaw ko na malingat lang ako ay baka tangayin siya bigla.
"You're the Iros na racer hindi ba?" Kung tama ang alaala ko ay nanay ni Callum ang nagtatanong. Hindi niya kinakain ang pagkain niya panay inom lang siya ng wine.
"Yes, Caleesa. She's a racer at kapatid siya ng other woman ni Sebastian," sagot ng nanay ni Paris bago pa man ako makasalita.
Lahat ng mata napunta sa akin. Halatang nagulat ang iba na may kasamang pamimintas ang mga tingin. Tapos na ako sa kabanata ng buhay ko na iniisip pa ang nangyari kay ate at kay Sebastian—buhay nila iyon, labas na ako.
"Mom, can you please stop calling his sister the other woman?"
"Why? What's wrong with that? Totoo naman? She's the same woman na iniwan si Sebastian and later on come back nang malubha na ang sakit ng anak nila. What a dumb woman."
Pinagtatanggol ni Paris ang ate hindi lang sa nanay niya maging sa ibang pamilya nila nang maging ang mga ito ay makisali na. Hindi ako nagsasalita, gumagalaw at kahit paghinga ko ay kontrolado. Makakagawa lang ako ng bagay na ikakaiba ng tingin ni Paris sa akin.
"Ano ba talagang problema niyo, Mommy? It's none of your business kung ano man ang meron sa ate ni Iros at kay Kuya Seb! You weren't here, you don't have any idea!" napatayo na si Paris. Muntik pang mahulog ang plato niya nang matabig niya 'yon.