81

261 8 1
                                    

Paris

Iros booked a private resort para lang sa 1 month celebration ng twins. I told him na pwede naman sa family villa namin pero he doesn't want anything to do with my family's property or money. Masyado niyang dinamdam mga sinabi ni Mommy sa kanya noon. Patuloy niyang pinapatunayan ang sarili kahit hindi naman kailangan.

He has nothing to prove with anyone. He is a great dad, very responsible and loving. A considerate partner. A good provider. A family man. I am so lucky to have him. I didn't make a mistake giving him the second chance.

"Okay na ba 'yan? Nakakahinga ba sila ng mabuti?" he asked after I strapped the twins car seat sa backseat. Nauna na sina daddy at Denise sa location kanina and I overslept kaya hiwalay kaming pupunta.

"It's fine na. They look okay naman eh."

"Ako nga. Patingin."

Hinila niya ako sa bewang paalis sa pwesto ko para siya ang dumangaw at magdouble check sa twins. It's our first time traveling them sa malayong location, kapag check ups naman doctor nila ang pumupunta sa bahay because that is how over protective Iros is.

He is willing to pay extra para lang na masigurong safe ang mga bata.

After few more checkings pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, he protected my head and even put on my seatbelt.

"Too sweet. May ginawa ka bang kasalanan?"

"Kaya kong gumawa ng kasalanan pero hindi ko gagawin. Kasi una, mahal kita. Pangalawa, ayaw kitang mawala. Pangatlo, ang ganda mo maraming naghihintay na maghiwalay tayo. Pang-apat, maraming dahilan, hindi tayo matatapos dito kung iisa-isahin ko," natatawa niyang salaysay bago paandarin ang kotse at ilabas sa gate.

"Mabait ka na pala ngayon ha. Dati lang mapanakit ka," I teased him.

Tinignan niya ako mula sa rearview mirror. He smiled a little. "Hindi ako mabait, nagpapakabait lang."

"You sound like a real dad now."

Tinapik tapik niya ang dibdib like acting very proud of himself. "Tatay at asawa. Ay takte, ang sarap sabihin," parang kinikilig pa niyang tugon. Nilapit niya ang mukha sa akin tsaka niya ako mabilis na hinalikan sa pisngi.

Pagdating namin sa resort hindi pa man kami nakakababa ay pinag-agawan na nila lahat ang kambal. Nangunguna talaga si Auntie Elena sa lahat, hindi siya magkandaugaga sa pagpili kung sino ang kakargahin niya sa dalawa.

"Kuya naman! Nilalamutak mo na 'yang anak ko eh. Huwag mo ngang halikan 'yan!"

"Ang damot mo naman! Kapag ako nakagawa niyan hindi ka makakatingin."

"Akin na nga!"

"Ako naman. Let me carry the child."

"Mababali!"

I am too overwhelmed. Naglalakad palang kami papasok sa villa ng resort ay sobrang ingay na nila at pinag-aawayan na ang kambal. Napangiti ako sa itsura ni Iros, he is making so much effort para sabihan isa-isa na huwag halikan ang mga bata.

I pull her to sit beside me nang tumaas na ang boses niya nang si Dylan ang humawak sa isa sa kambal. "Boo, calm down."

"Hinahawakan niya ang anak natin."

"Nothing's wrong with it. He's our friend."

"Friend mo lang," asar na pagtatama niya pero nanatili na sa tabi ko.

"Anong pangalan nilang dalawa? They are so cute. This baby boy looks like you, Paris at ito namang girl kamukha ng daddy," si Auntie Elena na hindi na makuha sa kanya ang isa sa kambal.

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon