We had breakfast at his grandparent's. Everyone is present except ofcourse Irene— who's only herself knows where.
"Kailan niyo na balak magsimula ng pamilya? Hindi na kami nagiging bata ng Lola niyo?" his grandpa open the settling down topic again.
Iros doesn't seems to care about the question. He's eating like he hadn't eat for years. "Wala pa po sa plans namin since Iros is just getting back on track again," I politely answered.
"Kelan naman kayo magpaplano? Kahit kasal nalang muna?"
I put my hair behind my ear buying some time to think for a safe answer. "We haven't talked about it yet po."
"Naku naman kayong dalawa oo. Para na rin naman kayong mag-asawa bakit hindi pa kayo magpakasal nalang?"
"Roman marami pa kasi sigurong dapat na asikasuhin ang dalawa," singit ni Lola Arminita sa usapan.
They started discussing about me and Iros like we're not listening. I just continue eating like they don't bother me.
I understand them, they're old. Baka gusto lang nila makakita ng isang apo na ikakasal na naman. And just maybe, after we lost Tia— they crave for a great-grandchild.
"May pagdadalawang isip ka pa ba kay Iros?" I am too stunned when Lolo Roman asked me directly.
Naramdaman ko rin na natigilan sa pagsubo si Iros. Pabagsak niyang nilapag ang kutsara sa pinggan. "Lo naman, huwag mo namang ganyanin ang girlfriend ko sa harap ng pagkain," alma niya.
"Nagtatanong lang naman ako."
"Tanginang tanong 'yan, nakakawalang gana." I touched his legs to calm him down. Napatingin siya sa akin sabay buga ng hangin at muling tumingin sa grandparents niya. "Pasensya na po, Lo. Mga tanong mo naman kasi nakakainsulto."
Inabutan ng gamot ni Lola si Lolo tsaka naman niya iyon ininom. Inurong niya ang plato tsaka sumandal ng prente. "Gusto ko lang malaman para naman alam natin ang aasahan. Hindi naman sekreto ang nangyari sa buhay ng ate mo, ayaw ko na magkaganoon din kayo. Huwag puro laro ng apoy, dapat ay may direksyon ang relasyon niyo."
Pagod pa rin si Iros sa byahe niya kaya kesa lumabas ay nagkulong kami sa kwarto. We watched a new released movie pero walang pumapasok sa isip ko dahil sa sinabi ng lolo niya kanina.
Nakahiga kaming dalawa sa kama habang nakaunan ako sa braso niya. He is caressing my shoulder while leaving some small kisses on my face from time to time.
"Iniisip mo tanong ni Lolo kanina?" panghuhula niya nang hindi ko napigilang mapabuntong hinga.
"Not that," I lied.
Bumuntong hinga rin siya. "Alam natin ang sagot d'on, huwag mo ng isipin," pagpapagaan niya ng loob ko. "Wala naman sa akin kung ayaw mo akong pakasalan o ayaw mo na magkaanak tayo, ang importante sa akin na kasama kita. May mga pangarap din talaga ako na magkapamilya pero kung ayaw mo ay ayaw ko na rin."
Napaupo ako at napaharap sa kanya. Iros is really different from the one who I used to know. He is now more honest and sincere.
"I have something to tell you."
Binabaan niya ang volume ng pinapanuod namin tsaka siya umayos sa pagkakasandal niya sa headboard. He crossed his arm and readied himself to listen. "Do you promise not to be violent?"
"Babe, alam natin na impossible 'yan. Depende pa rin 'yan sa sasabihin mo. Kung may nananakit sa 'yo, may mababaling buto mamaya. Kung may masama namang nasabi sa 'yo ang pamilya ko habang wala ako rito ay ihanda mo na ang maleta, lalayas na tayo at hindi na magpapakita sa kanila."