30

322 13 1
                                    

Inaya ko si Paris na pumunta sa resort na malapit kung nasaan sina Kyle, hindi ko sinabing andoon din si Celine sa dahilan na hindi ko naman nakikitang mahalaga pa iyon. Magkasama kami— inaya ko siya kasi gusto ko siyang kasama. Iyon naman ang mahalaga, hindi ba?

Pareho kaming walang masuot kaya bumili ako sa nadaanang bilihan. Namimili ako ng beach dress para sa kanya nang lumapit ang tindera.


"Para sa girlfriend niyo, Sir?"


Napakamot ako sa batok. Wala kaming relasyon ni Paris pero mahirap ding ipaliwanag kung ano ba talaga kami kaya napatango na rin ako.


"Ito Sir, bagong dating lang 'yan. Kahapon lang."


Binigay niya sa akin ang dalawang floral dress, simple lang naman pero alam na alam ko na babagay kay Paris iyon. Kahit siguro pasuotan ko 'yon ng basahan magmumukhang mamahalin.


"Sige kukunin ko 'yang dalawa tsaka iyang bikini na 'yan kukunin ko na rin."


Naghanap pa ng panukli ang tindera kaya lang nag-alala na ako kung nababagot na ba si Paris sa sasakyan kaya sabi ko sa kanya nalang ang sukli, maliit na bagay lang 'yon kumpaea sa paghintayin ang kasama ko.

Pagbigay ko kay Paris ng damit wala naman siyang reklamo. Hindi heavily tinted ang kotse niya kaya bumaba ako para bantayan siya habang nagbibihis. Pagbalik ko sa loob ay saglit ko lang siyang hinagod ng tingin. Tama nga ako, sobrang bagay sa kanya ang damit.

Tahimik lang kami buong byahe, pareho na nakikiramdam. Pagdating sa resort ay nagkakasiyahan na. Nauunang maglakad si Paris sa akin pero napatigil siya nang siguro ay napansin na niya si Celine na nakadapa sa picnic mat at nakabilad sa araw.

Nilagpasan ko siya para makalapit kay Celine. Pabiro ko itong pinalo sa pwet. Nang malaman ni Celine na ako ang pumalo sa kanya ay masaya niyang tinapon ang sarili sa akin.

Masaya pa akong nakipagbiruan kay Celine pero sobrang bilis lang ng mga nangyari sa utak ko. Basta nalang akong humabol na naman kay Paris, nagkasagutan kami ng kaonti tsaka niya ako tuluyang iniwan pabalik ng maynila. Pakiramdam ko inabandona ako, gusto kong magalit pero lumamang ang pangungulila.


"Come on, Iros! Let's have some fun like we used to do. Birthday ko naman eh! Pagbigyan mo na ako."


Kanina pa ako kinukulit ni Celine na samahan na siya sa kwarto niya. Sobrang lasing na niya habang ako hindi ako nakainom, hindi matahimik ang sistema ko na isipin kung safe ba na nakarating si Paris sa kanila. Wala rin naman akong kapal ng mukha na tawagan siya.


"Ce, lasing ka na," mahinahong suway ko sa kanya.

Umupo siya sa kandungan ko tsaka niya nilingkis ang mga braso sa leeg ko. Nilapit niya ang mukha sa akin tsaka niya ako marahas na hinalikan. Noong una ay hinayaan ko pa siya pero nang maramadaman ko na parang may niloloko ako ay naitulak ko siya deretso sa lapag.

"Tangina, sorry. Ikaw naman kasi. Matulog ka na nga, Ce."


Tinulongan ko siyang makatayo pero tinulak niya ang kamay ko. Lumamlam ang mga mata niya tsaka siya nagsimulang umiyak. Nagsilapit ang mga kaibigan niya sa amin, inakusahan nila ako ng kung ano-ano.


"What will I do para magustohan mo naman ako pabalik, ha, Iros?!" Ngumawa na si Celine habang pinagtulongan na siyang akayin papunta sa kwarto niya. "Binigay ko naman lahat sa 'yo, ah. Bakit si Paris pa rin!"


Napahilamos ako nang mawala na silang lahat sa paningin ko at kami nalang ni Kyle ang natira. Pinatay niya ang music speaker na nag-iingay tsaka niya ako inabutan ng beer.


Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon