8

345 10 1
                                    

Dylan wasn't able to drive me home. May biglaang meeting ang partylist nila. But he insisted na ihatid ako ng isa sa security detail niya. It's kind of awkward dahil nag-uber lang naman ako.

"Thank you. I'll pay for your fare pabalik," sabi ko sa security nang marating ko na ang restaurant kung nasaan naghihintay si Cali.

"Okay lang po, Ma'am."

Nadagdagan ang awkwardness na nararamdaman ko nang ihatid pa talaga ako nito sa harap ng pinto ng restaurant. Mabuti at hindi siya nagpumilit na bantayan ako hanggang sa matapos kami ni Cali.

Nakanguso akong lumapit kay Cali. Umahon siya sa upuan para salubongin ako. Halata sa mukha niya na asar siya sa akin. I can't blame him, I am almost an hour late.

"Ang tagal mo, inugat na ako," reklamo niya.

I kiss his cheeks. "Traffic," dahilan ko.

He pull a chair for me. Tinignan ko tuloy siya ng makahulogan. "Kailan ka pa naging gentleman?" nagdududang tanong ko.

"Masama magbago?"

"Are you inlove?" conclude ko kaagad sa pagbabago niya. He rolled his eyes and stick his tongue out like he eats something bitter.

He's a fuck and move on kind of guy. He has lots of flings but as I know he's dating a model now. 

"Waiter!" he calls out na parang nasa kanto kami. Napayuko tuloy ako sa sobrang hiya. We're in a fine dining for heaven's sake.

"Ready to order, Sir, Madam?" magalang na tanong ng server.

"Oo. Give us the house specialty and your most expensive wine," ngising aso na utos niya.

I just rolled my eyes, gusto niyang butasin ang bulsa ko, wala pa naman akong pera na akin. Umaasa pa rin ako sa allowance na binibigay ni Mommy mula sa stepdad ko.

"Just so you know, I'm still using my mom's money," inform ko sa kanya.

Tumawa siya na parang tanga. "Alam ko, kaya next time ulit kapag dumami na pera mo."

"There will be no second time, Cal," sabi ko bago uminom ng tubig.

"Anong wala? Ano 'yong pagconstruct ko sa opisina mo libre lang? Gago ka?" protesta niya.

Hinampas ko ng table napkin ang bunganga niya. Minura ba naman ako. Humaba ang nguso niya na parang gusto ng maiyak.

"I'll pay you pero wala pa akong pera."

He constructed my Fashion house for free, si Kuya Sebastian and nagbigay ng pera for the materials at pambabayad sa mga tao. They're supportive. Tatlo lang naman kaming magpinsan, and I'm the middle— only girl. They don't have a choice but to spoil me.

Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi kita makuha. Pwede ka namang magbuhay prinsesa habang buhay pinapahirapan mo pa sarili mo."

"I want to create a name for myself."

Napanganga siya. "Strong independent woman ka?" sabi niya na ikinatawa naming dalawa.

I don't really like the appetizer kahit ang main course kaya nag-order ako ng coffee cake for dessert. Si Cali naman parang gutom na gutom kahit iyong tira ko kinakain pa niya.

"Narinig mo na ba ang balita?" out of nowhere na tanong ni Cali.

"Anong balita?" I asked back while still enjoying the coffee cake.

"Sikat na ex mo. He won Geico 500. He was second in Daytona last month. You must be very proud of him."

Natigilan ako saglit sa pagsubo pero hindi ko pinahalata kay Cali na apektado ako. "I don't remember any ex. Kung meron man I don't give a fuck about what's going on with them."

After I unexpectedly saw Iros sa cafe ay patago akong nagbabasa ng news about him. I know about his competitions. I secretly supported him. After just a year he's one of the highest paying racer, and he's very known now. He model for big brands.

People are making a big fuss about Iros. He's the first all-filipino blood in the series. He's famous, women are scrambling. Pero wala silang alam talaga sa kanya. He is more than a racer— he's a ruthless heartbreaker.

"Ang daming babaeng gustong magpalumpo sa kanya," patuloy sa pagkwento ni Cal.

"I don't care," tugon ko pa rin. "Ang what's with your language? Magpalumpo? How cheap."

Aaminin ko naiirita ako kapag nakakabasa ako ng mga babaeng pinagnanasaan siya. They are literally asking him for marriage and offer sex like it's some kind of joke. I hate the fact that he became extra fine.

Parang nanadya kung kelan ako nagmomove-on. Bakit ba hindi nalang match ang mukha at ugali niya? If it matches for sure he'll look like an ogre.

"Sure ka wala kang pakialam?" pang-aasar ni Cali.

"Wala," inis ko na salita.

"Oo, wala ka talagang pakialam sabi ng ginutay-gutay mong cake."

Binitiwan ko ang tinidor na hawak. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko alam kung anong trip mo pero nabibwisit ako sa 'yo."

Tinawanan niya lang ako. "Ano kaya meron sa magkapatid na 'yon para hindi kayo makapagmove-on ni Kuya Seb noh?"

"I already moved on."

"Kwento mo 'yan syempre nakamove-on ka na diyan."

Hindi na naman ako makatulog buong gabi dahil sa napag-usapan namin ni Cali. Nakahiga na ako sa kama at nakatunganga lang sa kisame. Niyakap ko ang sarili ko. Inamoy ko ang hoodie na suot ko, maraming araw na ang lumipas pero nandito pa rin ang bango ng may-ari sa kanya.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko tsaka ako sumigaw ng ilang beses, pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table. I open my social media account, me and Iros aren't friends pero nakapublic ang account niya since public figure na siya ngayon.

I stalked him.

Lahat ng pictures niya ay kung hindi sa race track ay nasa party. He's also hanging out with few internet influencer and international model.

Pinatay ko ang cellphone ko bago ko pa saktan ng todo ang sarili ko. Nakakapagod na magmahal ng taong hindi ko maabot-abot.

The next day maaga akong sinundo ni Dylan. Bumyahe kami papuntang Laguna, ang dinner na nagpag-usapan ay naging lunch dahil na rin may schedule siya sa gabi.

"Akala ko sa Malacañang mo ako dadalhin," biro ko habang nasa daan kami.

He's tapping the wheel using his fingers sabay sa tune ng music na nakaplay sa sterio ng kotse. "Gusto mo ba d'on? I can ask dad."

Hinampas ko siya sa braso. "Nagbibiro lang ako. Himala yata wala kang security details ngayon?"

I am curious how the life of the first family works. Para kasing walang privacy. Lagi kong nakikita na may nakasunod kay Dylan ngayon lang wala.

"Tumakas lang ako."

Wala na kaming mapag-usapan pagkatapos, sinasabayan nalang ni Dylan ang kanta sa sterio. In all fairness naman sa kanya maganda ang boses.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ng dumaan kami sa exit way ng national road, maling-mali! Kahit saan nalang talaga sinusundan ako ng pagmumukha ni Iros. Nakadisplay ang maangas niyang mukha sa billboard. He is crossing his arms, looking serious in the camera habang suot niya ang race attire niya. Nakasandal din siya sa kotse na ini-endorse.

"May problema ba?" tanong ni Dylan na nakapagpagising sa 'kin.

Hinarap ko siya at ngumiti ng tipid. "Dylan, lets date."

There's a screeching noise on his tires because of the sudden break. Tinignan niya ako na parang nakarinig siya ng hindi kapani-paniwalang balita.

"A..anong sabi mo?"

"Date me."

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon