Paris
"How you know if your partner is cheating on you?"
Natigilan si Eaton maging si Dylan sa paglalampungan sa tanong ko. We'll be having an urgent meeting para sa opening ng expansion sa Singapore. Kami pa lang na tatlo ang nasa meeting room, iniintay pa namin ang mga employees to present their launching ideas.
"Iros is cheating?" conclude kaagad ni Eaton.
I sigh. Nilaro ko sa kamay ang pen. "I don't know. Kaya nga nagtatanong ako. I have this gut feeling na hindi naman but you know the signs are there."
"What signs?" si Dylan.
They both lean closer, ready to listen. I blow an air bago ako huminga ng malalim. This is hard for me to share.
"The bank keeps on emailing me with his withdrawal transactions," simula ko. Simula ng ibigay sa akin ni Iros lahat ng savings niya he opened another account at lahat ng 'yon naka-connect sa email ko maging ang credit card niya. I don't really mind kung anong ginagawa niya sa pera niya but this days nakakaduda na.
"Ngayong linggo lang nagpalabas siya ng pera more than 10 million. I know Iros hindi siya magastos na tao, naisip ko nga lang baka may binili lang siyang kotse or property so I disregard the transaction. But nagduda na talaga ako kasi sa credit card niya may mga binili siyang personal na gamit na para sa babae."
"Anong personal na gamit? Baka sa ate niya lang? Or Lola?"
I pull my hair in stress. I feel petty na pagdudahan si Iros, he is nothing but sweet and caring to me. "Naisip ko na 'yan pero may isa pa. May transactions din siya ng groceries pero wala siyang dinadala sa bahay."
Nagkatinginan silang dalawa na parang nag-uusap sa mga mata. Bumuntong hinga si Dylan, senyales marahil na siya ang natalo at magsasabi sa akin ng masakit na katotohanan.
"I can't really think of an explanation para sa grocery maliban kung may iba siyang binubuhay na pamilya. I know Iros love you so much, nakita ko ang kagustohan niyang ilibing ako ng buhay kapag nakikita niyang lumalapit ako sa 'yo pero syempre he is a guy, capable of doing some stupid shits. Why don't you ask him? Linawin mo sa kanya ang lahat."
Buong araw ay iyon lang ang laman ng isip ko, kung paano ko bubuksan ang topic kay Iros na hindi siya magagalit at mapunta sa away naming dalawa.
Pag-uwi ko ay wala na naman siya. Napapansin ko na talaga ang madalas niyang pag-alis. Hindi siya ganito, he always update me kung saan siya pupunta, anong gagawin niya doon and he always make sure na makakauwi sa tamang oras.
Tinatamad akong magluto kaya after ko maglinis ng katawan ay umorder nalang ako ng dinner naming dalawa. Nanuod ako ng movie sa sala habang iniintay siya.
I tone down the tv's volume nang marinig ko ang kotse niya na pumasok sa garahe. Tumayo ako para salubongin siya.
"Hi, baby," bati niya sa akin habang tinatanggal niya ang sapatos. Tinignan ko lang siya hanggang sa tumayo siya ng tuwid at ipakita sa akin ang paperbag ng pagkain. "Ikaw yata umorder niyan. Nakasalubong ko sa labas ang food rider."
Inabot niya sa akin ang paperbag. Inakbayan niya ako tsaka iginiya papunta sa kusina. I prepare the food habang siya naghugas ng kamay at hilamos.
"You smell like a woman," puna ko nang maupo kami sa harap ng pagkain.
Inamoy niya ang sarili sabay kibit balikat. "Wala namang nagbago sa amoy ko, babe."