3

385 10 0
                                    

Nang dumating si Cali ay nasa labas na ako. I am crying my heart out like I lost someone. I convince myself that Iros' isn't worthy of my cry— but I just can't.

He humiliated me like I am some sort of disgusting woman. But I realized how much he means to me.

"Paris, ano ba! Sabing tumayo ka. Ang tigas kasi ng ulo mo! Sinabihan ka na ngang tigilan mo na ang kahibangan mo sa tao pinagpatuloy mo pa rin!"

Cali got mad, gusto na niyang sugurin kanina si Iros pero pinigilan ko lang siya. 

"Paris ano ba!" Iyak pa rin ang tugon ko sa kanya.

Nakaupo ako sa sidewalk habang yakap ang mga tuhod ko. I am crying loudly; hysterically.

"You don't understand kasi! Wala ka sa position ko! You don't understand! I hate him! I hate you! I hate all of you!" ganting bulyaw ko nang pilit niya akong pinapatayo.

Namewang siya. Napasabunot sa sarili. Cali can't tolerate a drama like this kaya alam ko na kaonti nalang ay bibigay na siya at sasabog. "Stand up, Paris! I don't care what you feel right now hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. Nagpasundo ka sa 'kin and sinundo kita because you are like a sister to me pero goodness Paris, sabay tayong lumaki pero hindi kita makilala sa ginagawa mo ngayon sa sarili mo. Tumayo ka diyan at umuwi na tayo kung gusto mo pang manatili sa Pilipinas. I don't care if you get mad, tatawagan ko si Auntie Mylene ngayon mismo kapag pinagpatuloy mo pa ang kakangawa diyan."

"Gago ka," mahinang sabi ko. He is blackmailing me. Alam na alam niya ang weakness ko. Tumayo na ako at pinahiran ang sipon na tumulo mula sa ilong ko. I glare at Cali. "I hate you! Bawal ba akong umiyak muna?"

"It's fine na umiyak nakakahiya ka lang kasi. Hindi bagay sa 'yo ang umiyak dahil sa lalaki. Tsaka mas pumapangit ka."

Sinuntok ko siya sa balikat pero natawa lang siya. He finds this funny when my heart is breaking into pieces already.

Cali tried to lighten my night. Hindi niya ako pinabayaan. Sinamahan niya akong uminom at nagpakalasing kami hanggang umaga.

Nagising ako sa tama ng araw sa garden. Paglingon ko sa gilid ko gumugulong din si Cali sa damuhan. Hindi na pala kami nakaakyat kagabi sa taas. Inumpisahan kong damputin ang nagkalat na can na ininom namin kagabi. It's the only rule Auntie Elena has kapag umiinom kami dito sa bahay niya, we have to clean after our mess.

Sinipa ko sa tagiliran si Cali pero hindi siya nagising. Gumulong lang at humilik na naman.

Kumuha ako ng tubig sa loob at binalikan siya.

"Put... Damn it, Paris!" sigaw niya matapos niyang maligo ng isang timba ng tubig.

"Kanina pa kita ginigising. You sleep like a dead person."

Napahilamos siya ng mukha na basang basa.

Nilagay ko sa isang tabi ang timba at umupo sa bench. Nasusuka ako. Naninibago yata ang katawan ko sa dami ng alak na ininom namin kagabi.

"Takte talaga, sa susunod 'wag na tayong uminom," sabi niya na humiga sa bench at inunan ang binti ko.

Sinapok ko ang noo niya. Hinimas niya lang 'yon. "Don't say that. Iinom pa rin tayo pagbalik ko."

Napaupo siya. Kunot noo siyang nakatingin sa 'kin. "Pagbalik? Bakit saan ka pupunta? No, no! Don't tell me uuwi ka sa Japan? Suicidal ka na ba? Kapag umuwi ka d'on hindi ka na makakabalik dito."

"No, ang overthinker mo." Sumandal ako sa upuan. I streched my arms. "I am going to France. Tatanggapin ko na ang scholarship sa fashion design school doon. Uuwi rin naman ako. Magtatayo ako ng fashion line ko rito. Papautangin mo naman ako ng puhunan 'di ba?"

"Bakit marunong ka bang magbayad?"

Napairap ako, sigurista masyado.

"Seryoso nga? Aalis ka talaga? Mag-isa ka lang d'on akala ko ba ayaw mo ang mag-isa?"

I am really scared living alone, marami akong naiisip na pwedeng mangyari. Para akong may trauma na hindi ko maipaliwanag.

"Eaton is there. I'll live with him."

Eaton is my bestfriend— we met in an art summer camp when we were kids. Since then sobrang magkasundo na kaming dalawa. He is living in France para open siyang umastang binabae. Unlike dito sa Pilipinas, puputolan siya ng daddy niya kapag nalamang lalaki din ang gusto niya.

"Buhay pa pala 'yon?" natatawang sabi ni Cali. He has funny experiences with Eaton.

"Syempre, lagi ka nga niyang kinukumusta," tukso ko na ikinangiwi niya.

"Seriously, I am not homophobic but that made me uncomfortable."

Tumawa ako ng malakas. Kung ako mamatay-matay kay Iros, si Eaton naman ay gan'on din kay Cali. But ofcourse not like me Eaton already moved on. Marami na siyang lalaki sa France.

"Get over na siya sa 'yo 'wag kang mag-alala. Anyway, ikaw na bahala rito. I have to fix my things, may hahabulin pa akong papers."

"Kelan ba ang alis mo?"

"Bukas."

"Wow," tanging sagot niya.

I pat his head and kiss both of his cheeks before going inside. Cali and I has the same destiny. Pareho kaming hinayaan ng mga nanay namin na palakihin ng ibang tao— i mean Auntie Elena is a family but still. I do everything with Cali, he's my soulmate in the world. I will miss him while I'm in France.

Kahit may hang-over ay naprocess ako ng papeles. I admit I was hesitant to go pero kailangan ko 'to. I need a distraction.

Binagsak ko ang katawan ko sa higaan matapos kong mag-empake. Sa mga kamay ko ang hoodie ni Iros. Ano na ang gagawin ko sa bagay na 'to ngayon? Do I have the right to keep it? Kahit na parang hindi tama ay nilagay ko nalang din sa luggage ko.

"Can I talk to you kahit ilang minuto lang?"

Napaupo ako nang marinig ko ang pagpasok ni Kuya Seb. He doesn't look miserable, mukhang inaalagaan pa rin naman niya ang sarili kahit na iniwan siya.

"What is it?" I may sound rude pero nagtatampo pa rin ako sa mga nagawa niya. Nadamay ako.

"I heard pupunta ka sa France bukas?"
I sigh. Napayuko ako at kunyare na tinignan ang kuko.

"Paris, you don't need to go away because he rejected you. He is not the last guy in..."

"Kuya, I respect you. Please don't start with a lecture," pagputol ko sa pangangaral niya.

Mataas ang tingin ko kay Kuya— magpinsan lang kami but I treat him like a brother.  With the age gap, minsan nga iniisip ko na parang tatay ko siya kasi wala ako n'on. I listen to him but now, I just can't.

"I didn't judge you when you said na si Irene na ang mahal mo at hindi na si Anika. So, please Kuya don't ask me to move on from Iros. I don't understand your affection for Irene, at hindi kita pipilitin na intindihin ang nararamdaman ko para kay Iros. Hayaan mo nalang ako, may sarili akong time para makalimot mula sa kanya."

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon