Sinabay sa birthday ni Kuya Seb ang welcome party ko. Mabuti na rin at wala rin naman akong inimbita. Sa bagong tayo na bahay ni kuya ang party.
May mga unfinished details pa, pero pwede na.
Nauna akong dumating kasama si Karina— she's my second cousin but I treat her like a real sister. Simula ng umuwi ako ngayon pa lang din kami ni kuya magkikita, he's busy with his house and I'm busy with preparing my business.
"Happy Birthday, Kuya," bati ko sabay abot sa kanya ng regalo kong wine.
"Thank you, Paris. You're looking great," puri niya sa 'kin.
I flipped my hair rolling my eyes. "Syempre ako pa ba," I proudly said.
"How about me Kuya? Anong masasabi mo sa ganda ko?" maarteng sali ni Karina sa sarili niya. She's a brat, mas malala pa sa akin. She's an only child— also an only heir of the Valderrama's.
"Magkasama lang tayo kahapon, wala namang nagbago sa mukha mo," natatawang sabi ni Kuya na ikinasimangot ni Karina.
"Ang bias mo kuya," akusa niya.
"Mas maganda lang talaga ako sa 'yo," tukso ko.
Inakbayan ako ni Kuya Seb tsaka iginiya papasok sa bahay niya. My body stiffened nang mapansin ko ang familiar inspiration ng bahay.
"Kuya," nag-aalalang sambit ko. Kung tama ako sa iniisip ko ay naghihintay pa rin talaga siya sa pagbalik ni Irene.
"Tingin mo ba magugustohan niya ang bahay namin kapag binalikan na niya ako?" puno ng pag-asa na tanong niya. Nababasa ko sa mga mata niya kung gaano talaga niya kamahal si Irene.
"You still believe na babalik siya?"
Napatingala siya sabay napapikit sandali. "Oo, umaasa ako. Masama ba 'yon?"
His voice sounds like he is so wrecked. Sandali lang naman na naging sila ni Irene pero kung mahalin niya ito wagas. I couldn't blame him, nahulog nga ako sa taong wala naman talaga kaming pinagsamahan.
"I don't know kuya," tapat na sagot ko. Wala rin naman akong idea kung nasaan na si Irene. She's no longer active on social media. Kahit si Remi at Trisha ay wala na ring update tungkol sa kanya. It's like they had a friendship break-up.
"Malaki ang kasalanan ko sa kanya and even to you. You had your shot with Iros pero sinira ko lahat. I was a huge asshole."
"He's still not talking to you?" Alanganing tanong ko.
I know Kuya and Irene's family already fix the patches, napatawad na nila si Kuya. Sabay-sabay nilang inaantay na bumalik si Irene. But Iros didn't like the idea, nakwento na nga ni Cali sa 'kin na nagkasuntokan si Iros at Kuya Seb nang pareho silang malasing at nagkainitan tungkol kay Irene.
"Iros is hard to please. Kung pwede lang siguro niya akong patayin dahil sa nagawa ko sa kapatid niya ay baka ginawa na niya. He didn't only lose a sister, Irene is so much more than that para sa kanya. Mahal niya ang kapatid niya kaya hindi niya ako magawang patawarin."
Ngumiti si Kuya na hindi manlang umabot sa mga mata. If he's the one to decide he surely wants to clear things up with Iros. He will take care of him like how Irene took care of his brother— but that's not possible because Iros doesn't want to cooperate.
Sa buong gabi ng party ay inisip ko ang kalagayan ng puso ni Kuya. I've been thinking the worst about him nang malaman ko ang ginagawa nila ni Irene but seeing how he works hard now nakuha ko na mahal niya talaga ang kaibigan ko.
Kumakain kami ni Karina sa table kasama ni Auntie Elena nang makita ko si Anika; Kuya Seb's ex-girlfriend. She's pregnant.
"Look there." Kinurot ko sa siko si Karina tsaka tinuro kung nasaan si Anika. Pagkita niya ay bumalik lang siya sa pagkain na tila hindi manlang nagulat sa kung bakit nandito ang ex ni Kuya Seb at idagdag pa na buntis ito.