53

281 8 0
                                    

"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Paris sa akin nang pagkatapos ng usapan namin ng tatay niya ay pinuntahan ko siya sa opisina niya para lang ikulong sa yakap.

Hindi naman mababaw ang luha ko pero gusto kong maiyak sa galit. Gusto kong manakit ng tao. Gusto ko nalang itago si Paris sa puso ko para walang makapanakit pa sa kanya.

Sobrang bait niya. Inuuna niya iba kesa sa sarili niya. Lahat ng kagandahan sa panlabas niya, ganoon din sa panloob. Paano ko ba nagawang saktan siya? Paano nakakaya ng sariling pamilya niya na isiping iwanan siya.


"Babe, magsama na tayo," aya ko matapos ko siyang pakawalan.


Puno ng pagtataka ang mukha niya. Hinawakan pa niya ang noo ko at tinignan ako ng mabuti. "May mali ba sa 'yo, Boo? I can't just move in with you. Kailangan ko munang kausapin si daddy at Denise."


Napakuyom ang kamay ko. Gusto kong sumabog sa pagpipigil na sabihin sa kanya ang plano ng tatay niya na iwan ulit siya na walang pasabi.


"Nag-usap na kami ng daddy mo. Napaalam na kita."


"Pumayag siya?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.


"Oo naman, bakit hindi? Matino naman akong lalaki." Pilit akong ngumiti para matago ko ang galit na gustong kumawala.


"O—okay? I'll think about it."


Nataranta kong kinuha ang kamay niya. Hindi ako papayag na mas lalo pang lumapit ang loob niya sa mga demonyo na 'yon. Hangga't maaga ilalayo ko siya.


"Babe, please? Lumipat na tayo, bukas na agad. Gusto kitang masolo araw-araw, malapit na ang laro ko. Aalis ulit ako, tapos hindi pa kita makasama ng madalas?"


Mukha siyang nalito. Tinulak niya ako at naglakad papunta sa sofa na upuan ng bumibisita sa kanya. Kinagat niya ang daliri habang malalim ang iniisip.


Lumuhod ako sa harap niya. Hindi ako matatahimik kapag umuwi pa siya sa kanila ng ilang araw.


"I can't live sa home van, Iros," prangka niya.


"Hindi babe, hindi naman kita ititira d'on."


Hinawakan ko ang tuhod niya at kulang nalang magmakaawa ako. Kaonti nalang talaga masasabi ko na sa kanya kung anong klaseng tao ba talaga ang tatay niya.


"We can't find a house na bukas kaagad. Why don't we just do it sa next na uwi mo nalang?"


Lumipat ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang bewang niya at pinaharap sa akin. "Kapag ba nakakita ako ng bahay, lilipat tayo kaagad bukas?"


Isang pagtatraidor na hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na mga dahilan. Isang sugal na nagsisinungaling ako sa kanya pero inisip ko nalang na malaman man niya at masaktan siya ay ayos lang, ang mahalaga sa akin ay iniwas ko siya kaagad na gamitin ng walang tigil ng mga taong akala niya ay pamilya niya.


"O—okay. But I have to talk to dad first."


Hindi ko na inalam kung ano ang napag-usapan ni Paris at ng tatay niya. Ang naging mahalaga lang sa akin na nakahanap ako ng bahay na malilipatan kaagad namin. Mabuti nalang at binibenta nila Remi ang dating bahay nila sa Forbes. Gulat na gulat nga siya pati ang mommy niya na may dala akong mainit pa na cash sa bahay nila ng madaling araw.


"Weh, hindi nga? 'Yan talaga ang dahilan hindi dahil sa nabuntis mo 'yon si Paris?" hindi makapaniwala si Remi nang ikwento ko sa kanya kung saan nanggaling ang kagustohan ko na alisin na si Paris sa bahay ng tatay niya.


"Oo nga, kaya pwede na ba kaming lumipat d'on mamaya? Kahit tsaka na lahat ng papeles."


Umasim ang mukha ni Remi. Napakamot siya sa ulo niya sabay alis. Nag-usap pa sila ng nanay niya ng matagal. Pagbalik niya ay hawak na niya ang susi.


"Pwede kayong lumipat. Mabuti kakapalinis lang din ni Mommy kahapon. Pero sigurado ka na ba? Baka padalos-dalos lang 'to? Kahit naman magbahay-bahayan na kayo kapag biglang nawala na parang bula iyong tatay at kapatid niyang hilaw masasaktan pa rin siya."


Napahilamos ako sa mukha ko. "Kung kaya kong pigilan na masaktan siya gagawin ko na pero kung hindi talaga dadamayan ko nalang siya."


"Bakit kailangan niyo magbahay-bahayan pa talaga?"


"Ayaw ko na gamitin pa nila siya lalo. Poprotektahan ko siya."


"In-love ka na talaga, malala."


Pag-alis ko kina Remi si Kyle naman at ibang barkada ang binulabog ko. Wala akong sinabi sa kanila na tunay na dahilan bakit biglaan pero wala naman silang tanong, tumulong lang din sila na ayusin ko ang buong bahay.


Halos wala akong tulog nang sunduin ko si Paris sa bahay nila ng tanghali. Hindi kami magkatinginan ng tatay niya ng deretso kahit na nang magpaalam na kaming aalis. Si Denise ay tila nakahalata na may alam ako kaya ganoon din ang reaction niya na parang naiilang sa akin, buti naman kasi baka hindi ako makapagpigil at makasabi ako ng hindi maganda. Kahit bata siya papatulan ko siya sa kaitiman ng puso niya na kaya niya ring talikuran ang ate niya na mahal na mahal siya at tinanggap siya ng buo.


Halos lahat ng gamit ni Paris ay iniwan nalang din naman niya kay Denise, mula damit, bag at sapatos kaya nagkasya na ang dala niya sa likuran ng kotse ko. Ang gamit ko naman nauna na. Ipapakuha ko nalang mamaya ang kotse niya kay Kyle.


"Ready ka na?" tanong ko sa kanya nang nasa harap na kami ng main door.


Malawak ang ngiti niyang tumango. Magandang moment sana para sa aming dalawa kung hindi lang masama ang loob ko sa tunay na dahilan ng pag-aya ko sa kanya na maglive-in na.


Binuksan ko ang pinto, inalalayan ko ang bewang niya nang mauna siyang pumasok. Tumayo lang ako sa isang tabi habang inisa-isa niya ang bawat sulok.


Nang manawa siya kakatingala ay tumakbo siya papunta sa akin. Sinalo ko siya ng yakap at kinarga. "Nagustohan mo ba?"


"Yes, boo. I love it. Just enough for us."

"Masaya ako na masaya ka."


Sobrang tingkad ng ngiti niya na para pang mapupunit ang pisngi. Kung sana palagi siyang ganito kasaya pero malabo, siguradong ilang balde na luha ang papatak mula sa maganda niyang mata kapag natuklasan niya ng kasinungalingan na umiikot sa buhay niya.


"Where's our room?"


"Sa taas pero kung ayaw mo na umaakyat may kwarto rin dito sa baba na pwedeng pagpilian."


Napakagat siya sa labi niya. Hinawakan niya ang tungki ng ilong ko bago iyon pisilin. Kahit nabahing ako tumawa lang ako kesa pagalitan siya, ayaw ko na masira kaagad ang araw naming dalawa.


"Binyagan natin ang kama?" mapaglarong aya niya.


Kesa sagutin siya ay sinimulan ko na ibaba ang zipper sa likoran ng damit niya. Winaksi ko muna lahat ng bagay na pwedeng sumubok sa amin at nilunod ko kaming dalawa sa kaligayahan.


Sa bawat halik ko sa kanya at pagbaon, tinatak ko sa isip ko na hinding-hindi ko hahayaan kahit na ang sarili ko na lubogin pa sa sakit ang babaeng minamahal ko. Gagawin ko ang lahat mabigay lang sa kanya ang nararapat na pagmamahal.

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon