5

380 16 0
                                    

"Atleast give effort to what you wear. Malay mo you will like him," sabi ni Eaton nang papaalis na ako para sa dinner meet up namin ni Dylan.

I scan myself in the mirror. Nagsuot lang ako ng jeans, simple shirt inside my leather dress coat and an ankle boots. Hindi na ako nag-abala to put some make up, I braided my hair at iyon na.

"I don't live to empress him. Tsaka pinagbibigyan ko lang si Mommy ngayon."

"Tatanda ka talagang dalaga sa ginagawa mo," turan niya.

Hinalikan ko nalang ang magkabila niyang pisngi tsaka ako lumabas na. I am not in the mood to explain why I don't want to date yet. I am alright with being single.

Dylan and I were set to have dinner sa restaurant ng hotel na tinutuluyan niya. I don't mind na ako ang pupunta sa kanya, ayaw ko naman na magkita kami sa romantic fancy place at baka iba ang maisip niya.

Pagpasok ko ay nakilala ko siya kaagad. Seeing his face ay naalala ko noong mga bata pa kami at nasa isang business gathering. Nothing changed with his bright smile, still welcoming and charming. 

Hinubad ko ang coat at binigay sa receptionist. Tumayo si Dylan ng makalapit na ako, nagbeso kaming dalawa. He pull out the seat beside his. Gentleman.

"Kanina ka pa naghihintay?" nag-aalalang tanong ko. I took time to hail a cab.

"No, nakakahiya nga at ikaw pa ang pumunta sa 'kin." He shyly said and flash a timid smile.

"Okay lang. So, how are you?"

"Doing great. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"

We started talking like we have known each other for years. Masaya namang kausap si Dylan but I couldn't see myself be in a romantic relationship with him. Panigurado na magiging disappointed si Mommy kapag sinabi ko na kaibigan lang ang tingin ko rito kay Dylan. 

"Hanggang kailan ka rito?" tanong ko sa kanya matapos naming kumain ng main course.

"Matatapos na ang conference bukas pero I am planning to stay for another week. Para naman makagala ako."

He is with Uncle Dante pala, umattend sila ng leaders conference. I also learned na President na pala ang daddy niya. He won the recent election. Wala naman kasi akong balita sa politics sa Pinas.

Now I get why mom set me up with Dylan. He's also into politics. Umaasa siguro si Mommy na susunod siya sa yapak ng daddy niya.

"How about you? Are you going to settle here?"

Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot. "No, uuwi rin ako. I'll finish with my program then go home to start a business."

"Oh, great. I hope I'll get a call to invest," natatawang sabi niya. I couldn't see if he's serious about the offer.

Dylan is a good talker, maliwanag niyang naihahayag ang sarili without offending me. Bagay nga sa kanya na maging politiko rin gaya ng tatay niya. Natatawa rin ako sa mga kwento niya tungkol sa kung paano siya pinilit ng daddy niya na makipagkita sa 'kin.

"Seriously, it's not funny. Don't get offended ha, pero akala ko lang talaga we can't get along. I heard a lot about you even back in the Philippines. You're quite famous with politicians kids. Maarte na raw and high maintenance."

Mas lalo akong natawa. I dated few son's of politicians back in college. After a date or two, I dump them. Ang yayabang kasi halos lahat sa kanila.

"Maarte naman talaga ako," I didn't deny the fact. "But that doesn't mean I am a bad person."

"Yes, yes ofcourse. May masama lang akong experience sa mga kagaya mo."

Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon