Iros
"Huwag kang iiyak, hindi na ako tutuloy kapag nakita kitang umiyak."
Nakakulong si Paris sa mga braso ko. Ayaw kong bumitiw sa kanya— ayaw ko siyang pakawalan. Natatakot ako sa mga bagay na pwedeng mangyari habang magkalayo kami.
Dalawa sila ni Kuya Justin ang naghatid sa amin ni Kuya Art sa airport. Huminga ako ng malalim nang mapasinghot siya. Nilayo ko ang katawan niya mula sa akin tsaka ako yumuko para masilip ang mukha niya.
Namumula ang ilong niya sa pagpipigil ng iyak. Hinaplos ko ang mukha niya, niyakap ko siya ng napakahigpit bago paunti-unting pinakawalan.
"Sobrang mahal kita. Huwag kang malungkot nahihirapan akong umalis."
"I'm sorry I wasted so much time. I will miss you, boo."
Hinalikan ko siya sa noo. Wala siyang kasalanan, ako ang nagsayang ng oras. "Uuwi naman ako, marami pa tayong oras na magsasama. Mamimiss din naman kita. Kung pwede lang kitang dalhin ngayon ginawa ko na."
"Tama na 'yan. Iiwan na tayo ng eroplano." Hinila ako ni Kuya Art at ganoon din ang ginawa ni Kuya Justin kay Paris.
Kinaway niya ang kamay habang malungkot na ngumiti. Huminga ako ng malalim tsaka hinila na ang bagahe ko papasok ng airport. Tangina talaga, itong alis ko na 'to ang pinakamahirap sa lahat.
Nagdadalawang isip ako habang naglalakad palayo. Pumikit ako at pilit pinakalma ang sarili ko pero hindi ko talaga magawang makapagpigil. Iniwan ko ang bagahe ko at humabol sa kanya.
Inabutan kong pasakay na sa kotse si Paris. Napalingon siya sa akin at napatakbo rin gaya ng ginagawa ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ang ginawa niya.
"Boo, maiiwan ka."
Pilit siyang kumakalas pero hindi ko siya mabitaw bitawan. "Sabihin mo na manatili ako. Sige na, please. Ayaw kong umalis."
Yumakap din siya ng mahigpit. "No, boo. You have to go. Para sa pangarap mo, and also for our future. Make me proud. Make our future children proud."
"Sure ka ba? Nahihirapan ako. Ilang buwan tayong magkalayo. Kaya ko ba 'yon?"
"We can do it. Kakayanin natin."
Ayaw ko man bumitaw at iwan siya ay wala rin akong nagawa. Tama siya kailangan ko 'to para sa kinabukasan namin— ng pamilya na bubuohin namin.
May tiwala siya sa akin, kaya pagkakatiwalaan ko rin siya. Magkaiba naman sila ni Sebastian, hindi niya ako lolokohin— walang iba, walang idadagdag pa.
Pagdating ko sa Japan inuman kaagad ang salubong ng team sa akin. Welcome back party since matagal akong nawala. Bumaha ng alak at babae kaya panay iwas na ako.
Tahimik lang akong lumabas at dumeretso ng uwi sa hotel, ni hindi na nga ako nagpaalam kay Kuya Art. Tinawagan ko kaagad ang girlfriend ko.
"Baby miss na kita," salita ko kaagad nang sagutin niya ang tawag.
"Yuck, ang cheesy mo kuya!" boses ni Denise ang bumungad sa tenga ko. "Nasa baba pa si ate. May bisita siya."
"Hating gabi na ah. Sinong bisita niya?"
Lumabas ako sa balcony para magpahangin. Nanalangin na rin ako na sana mali ang iniisip ko pero mukhang ayaw akong pakinggang ng nasa taas.