37

339 13 0
                                    

Iros

"Oh Iros, wala si Paris dito. Pumasok sa trabaho."


Napakamot ako sa batok ko. Mula nang lumabas si Paris ay walang araw na hindi ako pumupunta sa kanila. Wala na siya palagi pagdating ko. Sinasadya ko naman talaga. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob bago kami magkaharap ulit pero habang ginagawa 'yon ay nagpapalakas ako sa tatay niya.


Alam kong napakagago ko. Malaki ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko sa kanya. At ito nga, gagawin ko lahat mabawi lang siya.



"Ah, wala po ba? Tulongan ko nalang kayo sa gawaing bahay," alok ko.


"Wala ka bang trabaho?"


Nailang ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung trabaho bang maituturing ang pagkakarera ko kahit professional sport naman 'yon. "Ah, meron naman po."


"Eh, araw-araw ka naman nandito. Hindi ka ba hinahanap sa trabaho?"

"Pahinga po. Na-injury kasi ako sa trabaho."


Hinila niya ang isang plastic na upuan tsaka inusog sa akin. Nahihiya akong umupo. Tangina, dapat pala nagdala ako ng alak, mukhang usapang malalim kami ngayon. Pero mukhang bawal siya, umiinom ng gamot 'to, eh.


"Ano bang trabaho mo?"


"Ah ano po, karerista," mahinang sabi ko, nahihiya. Naisip ko tuloy kung nakapunta ba rito ang Dylan na 'yon, panigurado nagyabang na 'yon sa bigating trabaho na meron siya.

"Professional? Baka pangkalye na karera. Bawal 'yon."


"Hindi po," mabilis na tanggi ko. "Professional sports car racer po ako."

Tinignan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa akin. "May ebidensya ka?"


Kinuha ko ang cellphone ko tsaka nagsearch sa internet ng mga interview ko pati highlights ng mga laro. Matiyaga niyang pinanuod, pagkatapos ay binalik niya sa akin ang cellphone at mukhang mangha naman siya.


"Passion mo magkarera?"


"Opo. Simula bata ako gusto ko na talaga ng kotse, dati kalikot lang pero kalaunan naimpluwensyahan na magkarera."

Napangiti siya na parang may naalala. "Mabuti at successful ka, ako kasi hindi naging successful na e pursue ang passion."


"Ano po bang passion niyo?" usisa ko para mas humaba ang usapan namin pati makilala na rin siya lalo. Future father in-law ko 'to eh, dapat magkasundo kami.

"Painting."


"May ebidensya po kayo?" gaya ko sa sinabi niya kanina.

Natawa naman siya, buti naman. Ang corny pa naman pakinggan.

"Sa taas, papakita ko sa 'yo."

Mas malakas na siya ngayon kaya hindi na niya kailangan ng alalay paakyat sa kwarto niya. Namangha ako sa mga gawa niya lalo na ang portrait painting niya kay Paris, gusto ko ngang hingin nahiya lang ako.


"Maganda naman mga gawa niyo, Sir. Bibili ako kung may binibenta kayo."


Kinuha niya ang portrait ni Paris na nakasabit sa dingding tsaka inabot sa akin. "Iyo na hindi mo na ako kailangang bolahin."


Kinapalan ko na ang mukha ko at kinuha. "Salamat po."


Buong araw akong nanatili sa bahay nila, inayos ko ultimo tubo nila. May katulong na sila kaya hindi na ako nakahirit na maglinis ng bahay.


Her Complicated Man (IRRESISTIBLE MEN 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon