"You look good, boo."
"Sure ka? Hindi ko ba kailangan ng suit and tie? Tangina kinakabahan ako."
Sumandal siya sa salamin tsaka pinasadahan ako ng tingin. "You're so handsome that it's unbelievable. You look really good just wearing that black shirt and pants."
Inayos niya ang lukot sa damit ko. Hinawakan ko ang ribbon ng purple dress niya tsaka hinila pero kahit natanggal iyon ay hindi bumukas ang damit niya. Humagikhik siya ng kaonti. "Design lang kasi 'yan. Tara na, we will be late. Nasa restaurant na si Mommy."
Kinabahan na naman ako na namawis buong katawan ko. Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho, confident naman akong tao pero hindi ko alam bakit kabadong kabado akong makilala ang nanay niya.
Inaalala ko lang din kasi baka minsan nagkausap sila at nasabi niya ang mga pinanggagawa kong hindi maganda. Siya napatawad niya ako, syempre mahal niya ako pero nanay niya 'yon. Kamumuhian ako n'on.
"Denise told dad na tayo na. He wants to talk to you kapag nakauwi ka na."
Napatango lang ako pero sa loob loob ko nabahala ako. Lagi naman akong sa kanila pero iba pala kapag nag-iba na lugar ko sa buhay niya. Ang dami kong iniisip na hindi ko namalayang nakaparada na ako sa harap ng restaurant kung saan ang nanay niya.
Hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya bago ko pa man mabuksan ang pinto. "Boo, you're fine. I'll stay with you kahit anong mangyari."
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Iyon naman talaga ang mahalaga sa akin, ang malaman na hindi siya mawawala kahit hindi naman talaga ako karapat-dapat sa buhay niya.
Inabot ko ang mukha niya tsaka ko hinalikan ang noo niya. "Nasabi ko na bang maganda ka?"
Natawa siya ng bahagya tsaka mapaglaro akong hinampas sa balikat. "Tara na nga. You're being bolero na."
Hawak kamay kaming pumasok sa restaurant. Lalo kong naramdaman na dapat talaga umeffort ako sa sinuot ko nang marating namin ang table kung saan ang mommy niya at step-father niyang mukha pa yatang leader ng sindikato.
Bumeso si Paris sa kanilang dalawa. Nakatunganga lang ako.
"Boo, this is my mom, Mylene and my step-dad, Kito. Mom, uncle, my boyfriend— Iros San Jose."
Kinamayan ko sila na ayaw pa nga halos tanggapin ng step-dad niya kung hindi pa nakiusap sa tingin ang mommy ni Paris.
Pag-upo namin ay nilagay na kaagad ng mga waiter ang pagkain. Naiilang akong sumubo dahil sa server na nakatayo sa tabi ko.
"ros, if you don't mind anong trabaho mo?"
Nilunok ko muna ang kinakain ko tsaka ako napainom bago ako nakasagot. "Racer po."
Napatingin siya kay Paris at muling bumaling sa akin. "Do you have other job?"
"Mom, he already said his job. Ano pa bang trabaho ang gusto mo?"
Hinawakan ko ang tuhod ni Paris sa ilalaim ng mesa, ayaw ko namang isipin ng nanay niya na nagiging mainitin siya dahil sa akin. Kalmado siyang tao kaya dapat manatili siyang ganoon lalo sa nanay niya.
"Nothing's wrong with my question, Paris. It's just that— I don't think racing is a job, sorry Iros, hijo. Racing is more of a hobby lang kung ako ang tatanungin."
Napansin ko ang pagngisi ng asawa niya. Minamaliit niya siguro ako sa utak niya. Pero hindi naman mahalaga opinion niya sa akin, mas mahalaga iniisip ng nanay ni Paris.
"Professional racer po ako," nilinaw ko nalang.
"He's the highest paying racer in the league, Mom. He also has tons of endorsement."
Tumingin siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Nagpalitan kami ng ngiti. Mapaglaro niyang tinampal ang mukha ko tsaka siya bumalik sa pagkain.
Tumigil sa pagkain ang step-dad niya. Tinawag niya ang isang server at pinasindihan ang cigarette pipe na hawak niya. "It's not about how much he is earning right now..." nanigarilyo siya na parang wala lang siyang kaharap. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko tsaka tinakpan ang ilong ni Paris na alam kong naasar kapag may naninigarilyo malapit sa kanya.
"The real question is, if he is still earning in the next 10 years. A career in racing is unpredictable, you might get into a serious accident tomorrow. It's just a matter of luck, definitely not a talent, not even close."
"I agree with your Uncle Kito, Paris. We are just concern about the future. That's why I'm asking if Iros has another job—" Tumingin siya sa akin na parang hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao. "Or atleast a business?"
Gusto kong supalpalin itong si Kito pero sinarili ko nalang. Hindi naman ako nabuhay para patunayan sa kanya ang sarili ko o kahit sa nanay ni Paris. Pero medyo tinamaan din ako sa mga salita ng nanay niya, may punto rin kasi siya.
"Mom, come on. Let's not talk about this in front of the food."
"Okay, then."
Tahimik kaming bumalik sa pagkain. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor sa sobrang pagpipigil na punahin ang kayabangan ni Kito. Kwento siya ng kwento tungkol sa mga businesses niya. Masyado pa siyang proud na sabihing ang iba doon ay illegal.
"By the way Paris, how's Dylan?"
Hindi ko pinahalata na may pakialam ako, nagpatuloy lang ako sa pagsubo. Narinig ko na sa kumag na 'yon na magiging masaya ang nanay ni Paris kung sila ang magkatuloyan pero hindi ako ganoon kadali napapaatras.
"We rarely talk, Mom."
"Ganoon ba? Nag-usap pa kami ng mommy niya kahapon, she said na may business expansion ka at isa si Dylan sa investor."
Ramdam ko kung anong pinapamukha sa akin ng nanay ni Paris kaya bago pa ako makagawa at makapagsabi ng hindi dapat ay tumayo ako. "Excuse me, magpapahangin lang ako."
Lumabas ako sa restaurant deretso sa kotse. Ni-rentahan ko lang ang kotse kaya nang wala akong makitang yosi sa glove compartment ay naghanap ako ng mabibilhan. Nakaubos ako ng ilang stick bago ako kumalma.
Pagbalik ko sa kotse ay nandoon na rin si Paris. Nakatayo siya sa gilid, nang makita niya ako ay sinalubong niya ako ng yakap. "I'm sorry, boo. Uminit ba ulo mo kay mommy? Napagsabihan ko na siya."
Nilayo ko siya mula sa akin. Ilang buwan siyang nagtiis at umintindi sa lahat ng kagagohan ko, ano ba naman na intindihin ko rin ang bagay na hindi naman niya kasalanan. "Okay lang ako. Sumama lang pakiramdam ko, nanigarilyo lang ako pero promise isa lang 'yon. Sinusubukan ko ng tumigil."
Napabuntong hinga siya. "It looks like you're not lying but I can also feel it that you got pissed off with mom."
Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa. "Hindi nga, babe. Sa step-dad mo siguro oo, nakakainis pagmumukha niya, napakalayo kay tito Pierre," dinaan ko nalang sa biro ang lahat.
"Yeah, I don't like Uncle Kito too but mom loves him. Wala na akong magagawa d'on, as long as mom is happy."
Pinasadahan ko ng daliri ang labi niya. Napapikit pa siya bago napahiwalay ang labi. "Balik na tayo sa loob nang makauwi tayo ng maaga."
Deretso siyang tumingin sa mata ko bago niya abutin ang adam's apple ko para haplusin. Napaungol ako ng mahina nang lumandas ang kamay niya pababa sa tiyan ko. "Huwag na tayong bumalik sa loob. Let's just go home and have a good night."