PROLOGUE

2.1K 48 27
                                    

DISCLAIMER:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is pure fanfiction. The story isn't affiliated with Ken or any SB19 members.

The story contains matured scenes. There will be warning sign in the chapter that have matured scenes so just skindly skip it you're uncomfortable. This story isn't edited so I apologize for some typos and other errors.

Votes and comments is highly appreciated. Thank you and enjoy reading!

-----

"Taas ng pangarap mo, boi." saad ko kay Felip tsaka naupo sa tabi niya.

May ikinwento kasi siya. Kinwento niya na nag-audition siya online sa isang kompanya sa Maynila. He wanted to be a performer. Wala naman akong angal doon. Sa totoo nga ay suportado ko pa siya.

"Anong boi? Ha?" magkasalubong ang mga kilay niyang napatingin sa akin nang marinig ang itinawag ko sakaniya.

Tumawa lang ako nang mahina at hindi siya pinansin.

"Paano pag natanggap ka?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

Nandito kami sa may waiting shed. Tumambay kami saglit dito dahil sinamahan niya ako sa paghatid sa bunso kong kapatid na kinder palang.

"Edi pupunta na ako roon sa Maynila. Magttraining na ako kasi 'yon yung sabi eh. Tsaka, malay mo, sumikat." sabi niya tsaka mahinang tumawa.

"Edi ibig sabihin no'n, iiwan mo na 'ko." mahina kong sambit habang hindi pa rin nakatingin sakaniya.

Tila ba nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa sarili kong sinabi. Mali pakinggan, masakit pakinggan.

"Iiwan?"

Tumayo si Felip sa harap ko kaya napatingin ako sakaniya at bahagyang napatingala.

"Hindi kita iiwan, Ky. Magttraining lang naman ako. Di naman kita hihiwalayan." sabi niya tsaka inangat nang bahagya ang baba ko.

"Pero aalis ka pa rin." sabi ko.

Dahil doon ay natahimik siya at hindi nakapagsalita kaya naman umayos ako ng upo at muling umiwas ng tingin.

Ayoko kasing may umaalis, ayokong naiiwan ako. Lahat kasi ng umaalis sa buhay ko, hindi na bumabalik.

"Hindi pa naman ako natatanggap, ga. 'Wag na nga muna nating isipin 'yon." dinig kong sambit ni Felip.

Mahinang suminghal nalang ako.

Ang dami naman kasing pwedeng pag-auditionan niya, ba't pinili niya pa yung doon sa Maynila? Kung saan malayo.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon